Romnick Sarmenta on elusive acting award: "Not to sound snobbish, I’ve never worked for that."

Romnick Sarmenta on winning an acting award: "Not to sound snobbish, [pero] I’ve never worked kasi for that, e. Parang yung sa akin, hindi pa ako nagtrabaho na inisip ko, dapat dito, magka-award ako. Wala, e. ’Pag dumating, thank you, siyempre. Pero it’s not really so much as to get an award."


Romnick Sarmenta is arguably one of local cinema’s most underrated actors.

Kilala siyang mahusay na aktor mula pa sa pagkabata, having started in showbiz as a child star, but he has yet to officially win an acting award.

Marami ang nakapansin sa mahusay niyang pagganap bilang isang committed journalist sa Cinemalaya X entry na Hustisya ni Joel Lamangan.

What does Romnick think of his chances in this year’s Cinemalaya Filmfest awards derby?

“Ay, wala... wala naman akong ganung naiisip,” sambit ni Romnick nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ganapin ang gala screening ng Hustisya sa Cultural Center of the Philippines (CCP) last week.

Prominente ang presence ni Romnick sa naturang event, hindi lang bilang aktor kundi bilang producer o co-producer din ng pelikula.

Ang Likhang Silangan International indie film outfit nila ng actress-wife niyang si Harlene Bautista ang nag-produce ng pelikula.

Patuloy ng aktor, “Totoo, wala akong naiisip [tungkol sa awards].

“Ano lang, it’s really a good film and I’m proud to be part of it.

"If it gets any award, I’ll be happy kahit anong award ‘yan for the film. Okay na ako doon."

ALL FOR NORA. “Siya dapat,” tukoy ni Romnick kay Nora Aunor, na aniya’y siyang dapat manalong Best Actress sa Cinemalaya Filmfest ngayong taon para sa pagganap nito sa Hustisya.

“Although I haven’t seen the other [entries]… I’m sure everyone did their best for their films, pero ganun, e.

"Kailan ba hindi naging magaling yun, ‘di ba?" sabi pa ni Romnick tungkol sa Superstar.

Incidentally, nasa CCP din si Romnick noong araw na iyon para sa video shoot ng campaign for One Million signatures for Nora Aunor as National Artist.

Wika niya, "Well, our own little way is to produce a little video for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun din yung pinakasuporta ko kay Ate Guy.

"Pumirma na ako dun, to be able to support her."



ELUSIVE ACTING AWARD. Going back to winning an acting award, sa pagkakatanda ng PEP ay nananatiling mailap ang pagwawagi nito para kay Romnick, na kinikilala rin ng mga kritiko at iba pang grupong nagbibigay ng parangal bilang isa sa mga pinakamahusay sa larangan.

Kabilang sa naging acting nominations ni Romnick through the years sa Gawad Urian, Star Awards for Movies, at iba pang major award-giving bodies, ang para sa pagganap niya sa mga pelikulang Puso Sa Puso (1987) ni Direk Maning Borlaza; Johnny Tiñoso and the Proud Beauty (1994) by Mario O’Hara; Damong Ligaw (1997) by Jose Mari Avellana; and Miguel/Michelle (1998) by Gil Portes.

Ano ang damdamin ni Romnick tungkol dito?

"Hindi ko rin alam... I don’t know. I don’t wanna hypothesize naman.

"Ayokong mag-isip na, ’baka siguro ganyan’ o ’ baka siguro ganito...’

"At wala din akong alam na atraso ko sa iba.

"At saka, for all it’s worth, yung mga kasabay [na nominees], magaganda naman talaga, ‘di ba?

"Taun-taon lang ‘yan... nagkakataon lang."

Naniniwala ba si Romnick na tulad sa ibang mahuhusay ring aktor, darating din ang oras niya as award-winning actor?

Nakangiting sabi niya, "Not to sound snobbish, [pero] I’ve never worked kasi for that, e.

"Parang yung sa akin, hindi pa ako nagtrabaho na inisip ko, dapat dito, magka-award ako. Wala, e.

"’Pag dumating, thank you, siyempre.

“Pero it’s not really so much as to get an award.

"Masaya na ako nang ganun. Yeah, okey na."

Ang mahalaga, people know that he’s good and can really act well. Ganun ba?

"Yes," sagot ng aktor.

"Well, ano, parang...it’s more of I just have this commitment with myself na gagawin ko yung kaya ko for the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano yung kailangan for the film, gagawin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN