Rochelle Pangilinan afraid of doing daring scenes despite sexy image

Rochelle Pangilinan on doing a sexy film: “Ayokong magsalita nang tapos. Pero hangga’t maaari, ayoko sana. Depende, depende sa flow ng story. Kung talagang matututo ako at aarte talaga ako nang sobra, bakit hindi?”


Ayaw magbigay ng komento ni Rochelle Pangilinan tungkol sa paghahain ng reklamo ng kasamahan niya sa Sunday All Stars na si Aljur Abrenica laban sa GMA Network.

Paliwanag ng dancer turned actress, “Wala akong masasabi sa ginawa niya, kasi dumaan na naman sila sa legal, so mahirap na.

“Yun ang gusto niya, e. Siyempre, kung anu’t anuman ang mangyari, kung yun talaga ang gusto ng isang tao, yun ang mapu-push.”

Nagulat ba siya sa hakbang na ito ni Aljur?

Sagot niya, “Oo naman, nagulat talaga ako sa ginawa niya at may pagtataka.

“After nun, kung yun naman ang nararamdaman ng tao, bakit hindi?”

Biro namin kay Rochelle, wala nang magbubuhat sa kanya sa mga dance number nila sa Sunday All Stars. Nabanggit niya kasi minsan na kampante siya kay Aljur na kaya siyang buhatin sa mga sayaw nila.

Sabi niya, “Marami kaya… nandiyan si Rodjun [Cruz], nandiyan si Sef [Cadayona], nandiyan si Mark [Herras].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa SM Iloilo noong Biyernes, August 1, para sa Make YOUth Count campaign ng National Youth Commission at Comelec na pinangunahan ni Dingdong Dantes.



SEXY IMAGE. May pelikula si Rochelle sa isinasagawang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, ang Asintado na isa sa mga entry sa Directors’ Showcase category.

Posible bang masundan ng isa pang indie film ito?

Sabi niya, “First indie, ‘di ba nga, sayang yung Lam-Ang, na-shelved?

“Super-sayang talaga yun. Ang ganda-ganda nun, e.

“Kung masusundan ang first indie ko? Sana… kung merong mag-o-offer, tatanggapin ko, depende pa rin.”

Dahil nakapag-cover girl na siya sa FHM magazine, posible kayang gumawa na rin siya ng daring scenes?

“Hindi naman, hindi masyado!” natawang sagot ni Rochelle.

“Kasi, may pumasok sa aking ganyan na indie, ayoko ng mga rape scene. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya…”

Ano ang ayaw niya sa rape scene kahit alam niyang inaarte lang naman niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam, natatakot ako.

“Baka mamaya… hindi ko alam, baka ano kalabasan. Nakakatakot.

“At saka, naiilang akong panoorin na habang pinapanood ko yun, kasama ko ang pamilya ko. Nakakailang.”

Hindi pa ba siya nakakagawa ng love scene?

“Wala pa yata, kiss lang or mga daya-daya na scenes lang. Tapos nang mag-make love, ganun lang.

“Kasi, takot ako. Kahit naman kissing scene, hindi ko keri.

“Magagaling lang ang mga taong nakakasama ko, nasasaktuhan ko lang.”

Dagdag niya, “Wala naman talaga akong super-duper bed scene.

“Ano ba, nakipag-kissing scene lang yata ako nang sobra kay Arthur [Solinap, Rochelle’s boyfriend].

“Sa Daisy Siete kasi, kabit ko siya.

“Pero hindi pa kami nun, kaya natuluyan!”

Paano kung may offer sa kanyang gumawa ng indie film na kailangan niyang magpa-seksi nang husto? May bed scene, may exposure, pero acting piece talaga?

Saad ni Rochelle, “Hindi ko alam. Hindi ko pa rin masasabi.

“Parang katulad dati, FHM, palagi kong sinasabi na ayoko, ayoko.

“Pero biglang nagulat kayong lahat na ginawa ko yun. ‘Tapos, proud pa ako, ‘di ba?

“Ayokong magsalita nang tapos.

“Pero hangga’t maaari, ayoko sana.

“Depende, depende sa flow ng story.

“Kung talagang matututo ako at aarte talaga ako nang sobra, bakit hindi?”



ANOTHER KONTRABIDA ROLE. Sa suusnod na teleserye ni Rochelle sa GMA ay kontrabida muli ang karakter na gagampanan niya.

Ito ay ang panghapong serye na Ang Lihim ni Anassandra, na pagbibidahan ni Andrea Torres.

Tao na nagiging baboy-ramo raw ang role ni Rochelle.

Nakapag-taping na raw siya, pero hindi pa siya nagte-taping na naka-prosthetic.

“Sa umaga kasi, normal naman kaming tao. Pero sa gabi, doon kami nagiging baboy-ramo.

“Pero computer effects naman yun.

“Hindi naman kami mamamatay-tao. Kaso, natakot ang tatay ni Andrea at napatay niya ang anak ko kaya gaganti ako.”

Kahit ilang kontrabida roles na ang nagagawa ni Rochelle, napaka-challenging pa rin daw ng bago niyang soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap, ang hirap-hirap niya. Kasi, ang hirap mag-transform.

“Mahirap mag-transform papuntang aswang. Nanginginig ang buong katawan ko.

“Dapat kapag nag-transform siya, yung hindi masyadong masakit dahil beteranong aswang na ako.

“So, years na ako, kaya dapat hindi masyadong masakit.

“So, na kay Andrea yung pain. Parang ganun.”

Masaya raw si Rochelle dahil dire-diretso ang mga ginagawa niyang trabaho.

“Hindi ako nawawalan ng blessing kaya sobrang happy.

“Kahit paano, hindi naman ako natetengga… although, hindi naman ako natengga kahit kailan.


“May Sunday All Stars din naman ako,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN