Billy Crawford on admitting relationship with Coleen Garcia: “It feels absolutely great!”

Sinamahan ni Billy Crawford ang girlfriend niyang si Coleen Garcia sa gala screening ng pelikula ng huli, #Y, na kalahok sa isinasagawang Cinemalaya Independent Film Festival.


Full support si Billy Crawford sa kanyang girlfriend na si Coleen Garcia dahil sinamahan niya ang kasintahan sa gala night ng kinabibilangan nitong pelikula, ang #Y, na ginanap kagabi, Agosto 6, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Tanghalang Nicanor Abelardo.

Ang naturang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Gino Santos at entry sa New Breed category ng Cinemalaya 2014 Philippine Independent Fim Festival.

Kasama ni Coleen sa cast sina Elmo Magalona, Sophie Albert, Slater Young, Kit Thompson, at Chynna Ortaleza.

Saglit na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy bago siya pumasok sa teatro at manood ng screening.

Inihayag nga niya kung gaano siya ka-proud kay Coleen.

“I’m very proud of her. I’m excited to see the movie,” sabi ni Billy.

How does it feel na mapapanood niyang umarte si Coleen?

“She’s been acting naman, but it’s definitely a good thing. Nanenerbiyos siya, sobra.”

Ano naman ang reaksiyon niya na may pagka-daring ang pelikula?

Ayon kay Billy, “Hindi naman siya daring. I think it speaks for itself.

“I mean it’s very vocal for young kids… kung ano yung mga ginagawa ng mga kabataan ngayon.”



ABSOLUTELY. Sa interview ni Coleen sa Aquino & Abunda Tonight kamakailan, natanong ang actress-TV host kung si Billy ba ay worth fighting for sa kabila ng hinaharap nilang mga intriga.

Ang sagot ni Coleen, “Absolutely!”

Kaya natanong ng PEP si Billy kung ano masasabi niya rito?

“Wow! What can I say? I’m absolutely happy!”

Ano ang pakiramdam na alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang relasyon matapos nilang aminin na sila na nga?

“It feels absolutely great!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN