Jake Vargas and Bea Binene aware of their limitations despite public display of affection

Jake Vargas on doing intimate scene with other screen partner: “[H]indi ko pa gusto. Siguro tutok muna ako sa loveteam. Siyempre, mawawalan ng gana yung mga fans, lalo na ‘pag nakita nilang may iba akong ka-kissing scene. Siguro mas maganda yung ano… na hangga’t nandiyan ang JaBea, gusto ko si Bea ang maka-partner ko sa ganito, sa ganyan.”


Mariing itinanggi ni Jake Vargas na nagkaroon sila ng tampuhan ng kasintahan niyang si Bea Binene dahil sa kissing scene ng young actor kay Rita de Guzman sa Cinemalaya movie na Asintado.

Magkasintahan ang ginagampanang roles nina Jake at Rita sa pelikulang ito ni Louie Ignacio.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Jake at Bea matapos ang live appearance nila sa Sunday All Stars, noong August 3, sinabi ng Kapuso young actor na naihanda na niya ang girlfriend bago pa nito napanood ang pelikula.

“Sinabi ko naman sa kanya na may kissing scene sa movie, ganyan-ganyan. So, nakapaghanda naman siya.

“Actually, kasama ko siya na nanood [ng gala screening] sa Cinemalaya.”

Ano ang naging reaksiyon ni Bea nang mapanood ang eksena nila ni Rita?

Saad ni Jake, “Wala, nanahimik siya.

“Sinabi ko sa kanya na trabaho lang naman din ‘yan, e. Walang problema doon.”

Hindi ba sila nagkaroon ng argumento dahil sa kissing scene na yun?

Sagot ni Jake, “Hindi. Natuwa naman ako sa kanya kasi kinongrats [congratulated] pa niya dahil sa movie.”



BEA’S REACTION. Nakangiting sabi naman ni Bea, “Actually, kinongratulate ko siya para sa movie, hindi [para] sa kissing scene.”

Dagdag niya, “Hindi po, sinabi naman po niya sa akin yun, e.

“Pero nagulat po ako…okey naman po. Saka sinabi naman po niya sa akin, e.”

Pero hindi ba nag-iba ang impact nang mapanood niya ito nang harap-harapan?

Diin ng 16-year-old actress, “Winarningan na po niya ako. Bago po mag-scene na yun, sinabi po niya sa akin. Yun.”

Tinanong ng PEP si Jake kung tatanggap na ba siya ng ibang proyektong may kissing scenes, lalo’t nagawa na niya ito sa pelikula.

Tugon ng 21-year-old actor, “Kay Bea siguro, puwede.”

Baka naman dahil katabi lang niya si Bea kaya sinasabi niyang dito lang siya puwedeng magkaroon ng kissing scene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jake, “Hindi, totoo naman.

“Kasi wala pa naman sa age ni Bea para sa mga ganyan [kissing scene].

“Siguro ‘pag dumating yung time na puwede na siya, oo naman.

“Ako, hangga’t nandiyan yung JaBea, basta ano…”

Ang ibig sabihin ni Jake ay hindi siya makikipag-kissing scene sa iba.

Alam naman daw ni Jake na pagdadaanan ng isang artista ang intimate scenes sa pelikula o telebisyon, lalo’t ang tema nito ay love story.

“Pero hindi ko pa gusto. Siguro tutok muna ako sa loveteam.

“Siyempre, mawawalan ng gana yung mga fans, lalo na ‘pag nakita nilang may iba akong ka-kissing scene.

“Siguro mas maganda yung ano… na hangga’t nandiyan ang JaBea, gusto ko si Bea ang maka-partner ko sa ganito, sa ganyan.”

Ano ang reaksiyon ni Bea sa sinabi ni Jake?

Nakangiti at tila kinikilig na sabi ng dalaga, “Hindi ko alam na ganun ang sasabihin niya, e.”

Okay lang ba na makipag-kissing scene si Jake sa ibang artista sa mga susunod niyang projects?

Tugon ni Bea, “Siguro po normal naman na dumating sa ganyang point ang mga artista.

“Siguro, when it comes to the right time, siguro yun na lang po.”

Hindi kaya malimitahan sila sa roles o projects na gagawin nila?

Saad ni Bea, “Siguro po maraming bagay ka naman na puwedeng pag-grow-an, e.

“Hindi naman porke nag-kissing scene ka na, nag-grow ka na. Hindi naman po ganun yun, e.”

Ibig sabihin ba nito ay hindi muna makikipag-partner sa iba si Jake?

Sagot ng young actor, “Siguro po sa ngayon, ayoko po muna. Si Bea na lang muna.”



LESSONS LEARNED. Habang kausap namin sina Jake at Bea ay naka-angkla ang braso ng young actress sa braso ng young actor at tila hindi sila mapaghiwalay.

Kapansin-pansin din na parang mas magaan ang kanilang relasyon ngayon kumpara nong mga nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit tila mas close sila ngayon?

Natatawang sagot ni Bea, “Wala lang! Masama?”

Paliwanag naman ni Jake, “Hindi, kasi parang mas naayos namin. Habang tumatagal, nai-improve namin ang relationship namin.”

Ano ang mga natutunan nila sa mga nangyari noon sa kanilang relasyon?

Ayon kay Jake, “Ang natutunan ko ay yung trust sa isa’t isa, kung paano ninyo iha-handle ang relationship ninyo na hindi mag-aaway.

“Kailangan intindihin ninyo ang bawat isa sa inyo.

“Kahit may dumating na pagsubok, tapusin agad, huwag patagalin.

“Kasi mahirap. ‘Pag pinatatagal, lalong lumalala yung problema.

“Mas maganda tapusin ang problema para sa akin.”

May nakita na bang pagbabago si Bea kay Jake?

Tugon ng young actress, “Ay, oo, marami kung sa dati lang... malaki, maraming-marami.

“Yung nagbago? Oo, sobra-sobra.”

Bakit niya tinanggap muli si Jake sa kabila ng mga nangyaring tampuhan sa kanila noon?

Sagot ni Bea, “Kasi everybody deserves a second chance.”

Gaano siya kasaya ngayon?

“Happy ako, very happy.”

Paano kung maging pasaway uli si Jake?

Sabat ni Jake, “Babatukan niya ako!”

Biro naman ni Bea, “Babatukan ko siya, sasapakin ko siya!”

Sabi naman ni Jake, “Okey naman na, wala nang problema.”



JAKE’S TATTOO. Kaya ba inspired at masaya si Bea dahil sa tattoo ng pangalan niya sa braso ni Jake?

Sagot ng dalaga, “Oo naman… siyempre hindi naman po biro yung magpapa-tattoo ka, e.

“Noong una, akala ko hindi siya seryoso. Pero ayun…

“Siyempre, mas nakakadagdag ng happiness at siyempre mas nakaka-inspire.

“Kasi, parang, ‘O, nandiyan na ‘yan, e.’ O, ‘di ba?”

Ibig bang sabihin nito ay forever na ang relasyon nila?

Sabi ni Bea, “Opo, nasa isip po namin na mahirap magpa-tattoo.

“Mahirap naman na kapag naghiwalay kami, ipapatanggal mo ‘yan. Masakit din yun.

“Kaya po siguro.”

Marami ang nag-aalala na baka lumagpas sila sa kanilang limitasyon at mabuntis nang maaga si Bea. Ano ang masasabi nila rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jake, “Kami, wala pa naman kami sa point na dumarating sa ganyan.”

Dagdag ni Bea, “Saka alam naman po yung limit namin. Saka po si Mama…”

Dugtong ni Jake, “Malaki yung respect namin sa mama niya.

“Mahirap din naman kasi ‘pag ganun. Kailangang ingatan ninyo ang sarili ninyo.

“Tutok muna kayo sa career ninyo. Huwag isipin yung ikakasira ng career ninyo.

“Mas maganda yung maging masaya na lang kayo sa ginagawa mo.”

Kapansin-pansin kasi ang pagiging showy sa nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Paliwanag naman ni Jake, “Mas gusto naming ganun para hindi isipin ng iba na may pangit kaming ginagawa.”

Dagdag ni Bea, “Kung ano yung nakikita sa amin ng tao, yun kami, na parang hindi namin kailangang magtago or mag-pretend.

“Hindi namin kailangang mag-sugarcoat ng mga ginagawa namin para ma-please yung ibang tao.

“Basta, kung ano kami, love me, hate… pero ‘eto kami.”

Wala na bang problema sa kani-kanilang pamilya?

Saad ni Bea, “Okey naman po.

“Si Mama naman, lagi naman namin kasama ‘pag lumalabas kami.

“Basta, alam po niya kung ano ang ginagawa namin at alam namin yung limits namin.

“Saka binabantayan niya, nakikita naman niya kami.

“So, wala naman pong problema.”

Ayon naman kay Jake, “Sa family ko, wala naman. Okey si Bea sa family ko.

“Sa barkada ko naman, medyo iniiwasan ko dahil busy ako sa career ko.

“Pero nandiyan naman sila para tulungan ako.

“Hangga’t nandito kami ni Bea, steady lang naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN