Derek Ramsay’s camp insists allegations of Mary Christine Jolly are "all lies"

Nagharap sa Makati Prosecutor’s Office kahapon, August 7, ang kampo ng aktor na si Derek Ramsay at ni Mary Christine Jolly para sa preliminary hearing kaugnay ng reklamong paglabag diumano ng aktor sa Violence Against Women and their Children Act. Hindi nakadalo si Derek sa nasabing pagdinig, sa halip ay ang abugado niyang si Atty. Joji Alonso ang humarap.


Eksklusibong nakunan ng Startalk—ang weekly showbiz-oriented talk show ng GMA Network—ang preliminary hearing ng reklamong R.A. 9262 o Violation Against Women and their Children Act na inihain ni Mary Christine Jolly laban sa aktor na si Derek Ramsay.

Ginanap ito sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Edwin Dimayacyac ng Makati Prosecutor’s Office, kahapon ng umaga, August 7.

Hindi nakadalo si Derek, sa halip ay ang legal counsel niyang si Atty. Joji Alonso ang humarap sa naturang hearing.

Kasama naman ni Mary Christine ang abugado niyang si Atty. Isaiah Asuncion, na siyang nagsalita para sa kanya.

Si Mary Christine ang sinasabing babaeng pinakasalan ni Derek noong April 3, 2002 sa Balagtas, Bulacan.

Napag-usapan sa kanilang paghaharap kahapon kung kailan ang susunod na hearing, kung saan dapat isumite ng kampo ni Derek ang kanyang counter-affidavit.

Bago ito ay nilinaw ni Atty. Joji na wala siyang natanggap na subpoena.

Nalaman lamang daw niyang may naka-schedule na hearing sa araw na iyon sa social media.

Sabi ng lawyer at film producer, “We will be filing the counter-affidavit on the 20th [of August] when he comes back from Toronto.”

Dapat ay naka-schedule ang susunod na hearing sa August 14, pero nasa ibang bansa pa raw ang aktor sa araw na iyon.

Pupunta ng Toronto, Canada, si Derek para taping ng programa niya sa TV5, ang Amazing Race Philippines, na matagal na raw naka-schedule.

Kinontra naman ni Atty. Asuncion ang pahayag ni Atty. Joji dahil matagal na raw naka-schedule ang Huwebes na hearing, at sa August 14 na nga ang susunod.

Pero sabi ni Asst. Prosecutor Dimayacyac kay Atty. Asuncion, “Let’s be practical... Kung ipu-push natin ng 14, you will move for the submission a case for a solution, mag-i-MR [Motion for Reconsideration] lang sila.

“Pagdating ng MR, malaki naman ang chance na maga-grant yun. Ang mangyayari dun, madi-delay lang tayo. So, [August] 20?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumayag naman ang abugado ni Mary Christine.

Nagkasundo silang magkikita uli sa August 20, Miyerkules, ng alas-nuwebe ng umaga.

Nangako si Atty. Joji na makakadalo si Derek para pirmahan ang isusumiteng counter-affidavit at sumpaan ito.



FINANCIAL SUPPORT. Tinanong ng assistant prosecutor sina Atty. Asuncion at Mary Christine kung dala nila ang original copy ng Marriage Certificate at pati ang live birth certificate ng sinasabing anak ni Mary Christine kay Derek.

Doon ay tinanong na rin ng assistant prosecutor si Mary Christine kung nagbibigay ba ng monthly support si Derek sa kanilang anak.

“No,” umiiling na sagot nito.

Tinanong siya uli kung nagbibigay ba ng regalo si Derek sa bata.

“Yes,” sagot ni Mary Christine.

Nagbibigay raw si Derek sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng birthday at Pasko.

Tinanong uli si Mary Christine kung kailan siya huling humingi ng sustento kay Derek.

“That was the last meeting that we had in April,” sagot niya.

Naungkat ang isa pang lumalabas na isyung humihingi raw ng P40 million si Mary Christine kay Derek.

Itinama naman ito ni Atty. Joji at sinasabing P48 million ang hinihingi ni Mary Christine mula sa kanyang kliyente.

Pero sabi ni Mary Christine, “Our demand letter that we sent over to him did not include 48.

“It was not 48. The demand letter that we sent to him, it was a different figure.”

Pahayag naman ni Atty. Joji, “We will present all the demands because this is already the fourth counsel handling this matter.

“There were three previous lawyers and we have everything—all the bank statements, the agreement signed… everything is there.”

Nagtanong si Asst. Prosecutor Dimayacyac kung magkano talaga ang hinihingi ng kampo ni Mary Christine kay Derek.

Sagot ni Atty. Asuncion: “That was a lump sum. It covers rent, dental, and education until college.”

Tanong ng assistant prosecutor: “Asking for an advance, for the advance, fast track lahat?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Singit ni Atty. Joji: “And reimbursement, yes.”

Paliwanag naman ng abugado ni Mary Christine Jolly: “It must be noted, Fiscal, that this is not limited to economic abuse. We also allege emotional and psychological abuse on the part of my client and the minor involved.”

Sagot naman ni Atty. Joji sa harap ng prosecutor: “We will address all of that, Sir, in our counter-affidavit to prove all of these statements are lies.”



FALSE ACCUSATIONS. Pagkatapos ng hearing ay tumanggi na ang kampo ni Mary Christine na magbigay ng pahayag.

Pahayag ni Atty. Asuncion, “We would like to decline to comment about anything, about the merits of the case, because there are depending for the Fiscal’s office.

“But if the question, it’s for Violation of R.A. 9262, Violation of Anti-Violence Against Women and Children, and for economic and physical abuse…”

Sabi pa ng legal counsel ni Mary Christine, kinakabahan ang kanyang kliyente dahil hindi naman daw ito sanay sa pinasok niyang gulo.

Pahayag naman ni Atty. Joji sa tanong kung ano ang nararamdaman ngayon ni Derek kaugnay ng reklamong inihain laban dito, “He’s very sad, natural, kasi all of these things are false accusations, as we will prove on the 20th.”

Tumanggi na rin ang abugado ni Derek na magdagdag pa ng statement.

Aniya, “I’ve already stated in a statement that I released through PEP that all…everything that’s there are lies.

“So, we will prove that on our counter-affidavit.”

Read: Derek Ramsay sued by former partner Mary Christine Jolly for alleged violation of R.A. 9262



THE TRUTH. Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa gala night ng pelikula nila ni Dennis Trillo, ang The Janitor, noong Lunes, August 4, sa Cultural Center of the Philippines.

Tipid ang mga sagot nito dahil ayaw raw muna niyang magsalita tungkol sa reklamong inihain laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kilala niyo ako, that’s not my ano…” sabi niya habang papalabas na ng Main Theater ng CCP.

Nandiyan daw ang suporta ng pamilya niya, at sana ganun din daw sa mga kaibigan niya sa panulat at media.

“Of course, we want to know the truth... All that matters is the truth,” pahayag ng Kapatid actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN