Priscilla Meirelles happy about end of John Estrada-Janice de Belen feud

Priscilla Meirelles on John Estrada as a father to his children with Janice Belen: "Nakita ko that John provides everything for the kids. Minsan, ‘pag may pumapasok na tseke… alam ko pumupunta sa mga bata yung mga kailangan nila... Aside from that also, the kids can speak their mind. ‘Pag kailangan nila ng isang bagay, they always come to John and ask, and John always give."


Ikinatutuwa ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles ang pagkakaayos ng mister niyang si John Estrada at ang unang asawa ng aktor na si Janice de Belen.

Sabi ng Brazilian beauty queen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m happy for the two of them, kasi dati pa, sinasabi ko kay John, kailangan talaga silang dalawa ay mag-usap para sa mga bata.

“I’m a mother now, we have a baby… importante talaga is yung communication between the two parents.

“Yung upbringing ng isang bata, it’s a commitment between two people, whether they are married or not.

“Masaya ako for Janice and John, and masaya din ako para sa mga bata.”

Apat ang anak nina John at Janice—sina Inah, Moira, Kyla, at Yuan.

Sina John at Priscilla naman ay may isang nang anak—si Sammanta Anechka, 2.

Ayon pa kay Priscilla, noon pa man ay gusto na talaga ni John na maayos ang problema nito sa dating asawa.

“Dati pa, actually lagi kami… kasi as husband and wife, ‘pag mayroong something na ayaw niya or ‘pag nasaktan because of something, he always open up to me and have my opinion. I advise him the best way I can.

“So, dati pa sinasabi niya sa akin na gusto niya talaga na maayos yung relationship niya kay Janice, dahil siya yung ina ng mga bata.

“Sabi ko kay John, ’You know what, Babe, we’ll pray for that and maybe in God’s time, and Janice’s time, it’s gonna happen.’

“Kasi dati pa, open na siya sa ganun.”



TENSION WITH JANICE. Isa sa hinaing noon ni Janice kay John ay ang hindi raw sapat na sustento na binibigay nito sa kanilang mga anak.

Inamin ni Priscilla na nagkaroon sila ng kaunting tensiyon noon ni Janice dahil sa pagdedepensang ginawa niya kay John tungkol sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Actually, minsan nag-voice out ako, nagkaroon ng kaunting tension between me and Janice.

“Kasi yung sa side ko lang naman, hindi ko alam ang side ni Janice.

“Sa side ko, nakita ko that John provides everything for the kids.

“Minsan, ‘pag may pumapasok na tseke, minsan I’m making pirma the… mga tseke, alam ko pumupunta sa mga bata yung mga kailangan nila.

“Aside from that, sinasabi ng judge, ang kailangan nila paminsan-minsan, si Janice, she go with her lawyer, and he gives naman.

“Aside from that also, the kids can speak their mind. ‘Pag kailangan nila ng isang bagay, they always come to John and ask, and John always give.

“So, like I’ve said, hindi ko alam ang side ni Janice.”

Patuloy ni Priscilla, “Galing ako sa isang pamilya na hindi buo, in the sense my parents were divorced.

“I grew up with my stepdad, and yung tatay ko, never nag-support kahit isang peso.

“When I saw John doing that, mas naging mas malaki ang admiration and respeto ko sa kanya.

“Kasi, para sa akin, nakita ko na mabuti siyang ama, mabait siyang ama.

“He takes good care of his children the best way that he can.”

MARRIAGE LIFE. Kumusta naman ang pagsasama nila ni John?

Ayon kay Priscilla, “Okay naman, okay kami. Wala namang issue…

“Of course, lahat ng mga couples, nagkakaroon ng problem during the marriage.

“Kami ni John, isang Brazilian ako, Filipino siya, kailangan talaga ng adjustment to preserve and make this relationship to work out.

“Ako naman yung isang type ng person na kung hindi ko gusto ang isang bagay, binu-voice out ko talaga.

“I’m open to him. If I‘m not happy about something, may kailangan akong sabihin sa kanya, sinasabi ko talaga.

“Siya din naman, he makes his point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung feeling niya na tama ako, nag-a-adjust siya.

“In three years of marriage we’re adjusting with each other.

"It’s a process, it’s a project."

Dagdag niya, "And then, in order to preserve our family, we try to make things work the best that we can.

“Katulad ng sinabi ko, lahat ng marriage, may problema.

“Hindi natin kailangang sabihin kung ano ang problema, kasi personal na ‘yan, I’d like to keep it between the two of us.

“But things that we can fix naman.”

Gaano kahalaga sa kanya ang loyalty at fidelity sa iang relasyon?

Tugon ni Priscilla, “It’s very important, alam ni John ‘yan.

“Like what I’ve said, it’s a matter of adjusting with each other, alam mo kung ano ang priority mo sa buhay mo, kung ano ang gusto mo talaga, kung ano ang plano mo sa buhay mo.

“Sa isang tao na katulad ni John, to be single again and just enjoy his life…

“And ako naman, hindi naman ako yung tipo ng babae na I will do anything for my marriage.

“Kasi, para sa akin, importante talaga is to be happy. To make sure I protect myself, I protect yung integridad ng person ko, to protect my heart and my soul.

“Alam ni John the reason why I married him ‘coz I am in love with him.

“I give him second chances and he said he’s gonna do everything to win me back.

“And nakita ko na ginawa niya talaga, and he’s trying his best.

“But like I’ve said, we’re two different people, you have different expectations.

"And, as much as possible, I try my best to meet his expectations, and he also try to meet mine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN