Mark Bautista dumbstruck on meeting Imelda Marcos: "Ang ganda niya at ang bait-bait niya."

Mark Bautista is thrilled about the latest episode in his career in entertainment. He says, "Alam ko naman na marami akong matututunang bago sa London. Bagong mundo at makakakilala ako ng mga bagong kaibigan at katrabaho, doon ako excited."


Hindi mailarawan ni Mark Baurtista ang kanyang labis na kasiyahan sa pagkikita nila ni Imelda Marcos.

Sinamahan nina Marichu Vera Perez-Maceda at German Moreno si Mark kamakailan sa opisina ng dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Representative sa Batasan Pambansa.

Kuwento ng singer-actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Iba pala ang feeling na makita at makausap mo nang personal si Madam Imelda Marcos, na-starstruck ako.

"Ang ganda niya at ang bait-bait niya.

"Kaya nga nagpapasalamat ako kay Manay Ichu at Kay Kuya Germs kasi sila yung gumawa ng paraan para makita at makausap ko si Madam Imelda."

Si Mark ang napiling gumanap bilang si former President Ferdinand Marcos sa West End musical na Here Lies Love, na base sa buhay ni Imelda, kaya marami siyang gustong itanong tungkol sa yumaong Presidente.

Ani Mark, “Gusto kong itanong sa kanya kung alam ba niya yung musical play na gagawin ko about sa kanila ni former President Ferdinand Marcos.

"Sinagot naman niya ng ’oo’ at natutuwa siya dito.

“Tinanong ko rin siya about mga gawi ni President Marcos at marami pang iba.

“Gusto ko kasi malaman ang tungkol kay former President Marcos, kasi makakatulong yun para magampanan ko nang maganda yung role ko.

“Ang ganda ng kanilang love story, na hindi maramot na ibinahagi sa akin ni Madam Imelda.

“Sa haba ng pag-uusap namin ni Madam, marami akong nalaman at natutunan about the former President na puwede kong baunin papuntang London.

"Pero sabi niya, pupunta siya sa London this year, at sana matapat sa pagpapalabas ng musical play namin para maimbitahan ko siyang manood."



PREPPING FOR LONDON. Pero bago raw umalis si Mark ay pinag-aaralan na niya ang mga awiting kakantahin sa musical, at patuloy pa rin niyang pinag-aaralan ang buhay ni Ferdinand Marcos.

“Sa ngayon kasi, ipinadala na nila sa akin yung mga songs na kakantahin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos nagri-research na rin ako ng iba pang mga info about the former President para pagdating ko sa London, handang-handa na talaga ako.

“Pero before pa ako nag-audition, pinanood ko na yung mga videos ni former President Marcos.

“Pero during audition kasi, hindi ko alam kung anong role ba yung puwede sa akin—yung kay former President Marcos ba or kay late Senator Benigno Aquino.

"Wala akong idea kung ano ang ibibigay nila sa akin."



NEW WORLD. Mag-isa raw si Mark na lilipad patungong London, at nakikita niyang mag-isa rin ang magiging buhay niya doon habang ginagawa ang Here Lies Love.

Sabi niya, “Nakakalungkot, pero excited din, kasi bagong jouney sa career ko.

“Kumbaga, minsan lang ito, so dapat i-grab na yung opportunity, lalo na`t masuwerte akong nabigyan ng chance na makasama sa Here Lies Love.

“At alam ko naman na marami din ang nangangarap na makasama sa isang international musical play katulad nito.

“Masuwerte talaga ako kasi lead role pa yung napunta sa akin sa dami ng nag-audition.

“Alam ko naman na marami akong matututunang bago sa London.

"Bagong mundo at makakakilala ako ng mga bagong kaibigan at katrabaho, doon ako excited."

Habang nasa London, papanoorin daw ni Mark ang kanyang co-Viva artist na si Rachelle Ann Go, na kasama naman sa Miss Saigon.

Iimbitahan din daw niya si Rachelle na manood ng Here Love Lies.

Para naman sa fans niyang mami-miss siya, “Lagi ko naman silang ia-update sa Twitter, Facebook, at Instagram kung anong mga latest na nangyayari sa akin doon para malaman din nila.

"Para lagi pa rin silang updated sa mga happenings ko dito at para may connect pa rin kami sa isa’t isa.

"Hopefully, sana maging maganda yung resulta ng Here Lies Love para mas tumagal pa ang maging pagpapalabas nito sa West End."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN