Ken Chan rejects P7-million indecent offer from politician

Ken Chan has grown immune to rumors associating him with gay benefactors. He says, "Natatawa na lang ako, tinatawanan ko na lang po talaga, wala na po sa akin."


Young Freddie Webb ang papel ng Kapuso talent na si Ken Chan sa indie movie na 1st Ko Si 3rd, entry sa Cinemalaya X.

May nagsabi na nga raw na kamukha niya ang dating senador, “Sabi nga po nila.”

Mahaba raw ang role niya kapareha si Coleen Borgonia, na gumanap naman bilang young Nova Villa sa pelikula.

Unang beses na nakasali sa Cinemalaya si Ken at dumaan siya sa audition para mapili.

Payag naman daw maghubad si Ken sa pelikula.

“Kapag may ibinigay na po sa akin na role na kakailanganin yun.”

Butt exposure?

“Hindi na muna po siguro.”

Hanggang saan lang ang kaya niya?

“Depende po sa istorya.

“Kaya ko, kaya kong gawin actually magpakita,” bawi ni Ken tungkol sa butt exposure.

“Kung papayag yung network at saka yung GMA Artist Center.

"Kung payag sila, kung alam nila na makakabuti sa career ko, then I’ll do it."

GAY BENEFACTOR? Tinanong din namin si Ken tungkol sa kumakalat na balitang may gay benefactor siya.

“Narinig ko nga po yun!” at natawa si Ken.

“Sabi ko po sa kanila, ‘Buti pa kayo alam niyo, ako hindi!’

“Noong una, nung bagu-bago po ako sa showbiz, nalulungkot po ako, big deal sa akin, e.

"Nakakatakot, hindi ko alam kung paano i-handle, kasi wala pa po akong alam, wala pa po akong idea.

“Feeling ko, ang tingin agad sa akin ng mga tao, ganun talaga ako.”

Noon pa raw ay may ganito na ring isyu tungkol sa kanya.

“E, ngayon, natatawa na lang ako, tinatawanan ko na lang po talaga.

"Wala na po sa akin. Parang nakaka-immune."

Inamin naman ni Ken na naligawan na siya ng bading.

“Honestly meron na po! Artista na po ako.

"Actually nagmo-model, nagko-commercial pa lang ako.

"Hindi mo maiaalis ’yan, e. Meron talaga."

Sino yung bading?

“Hindi ko po puwedeng sabihin. Yung iba po nasa showbiz, yung iba po wala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya tumatanggi?

“Ako naman po, hindi naman po ako yung tipo na ire-reject ko.

“Kasi nung pumasok po ako sa showbiz, marami po akong naging kaibigan na mga bading.

"Marami sa showbiz na ganyan, e.

“Masaya silang kasama! Yung mga bading, masaya silang kasama.

"Lalo na sa set, yung mga make-up artist na kasama ko na mga bading, sila yung nagpapabuhay.

"Wala, nag-e-enjoy ako kasama yung mga bading."

Nakakalula ang isang indecent proposal na natanggap daw ni Ken mula sa isang gay.

“Sige, prangka po ako, sasabihin ko po, si…. hindi, joke po!

“Sige, ’eto po, pinakamalaking offer po sa akin? Kaya daw po niyang bayaran yung binabayaran kong bahay ngayon.”


Pitong milyon ang halaga ng three-story house ni Ken.

“Pero hindi po ako pumayag. Hindi po ako pumayag.

“Ako naman po, hindi ko po siya ni-reject. Ayoko po kasi nangre-reject.”

Ano ang isinagot niya sa naturang bading?

“Sabi ko po sa kanya, ‘Sorry po, hindi ko po kaya.’

“Simple lang po.

“For me, minsan nga napa-flatter po ako kapag may ganyang mga bading, e.”

Personal daw niyang kausap ang naturang bading.

“Nagkita po kami minsan, kilala ko po siya.”

Alam daw ni Ken na may kapasidad ang naturang gay na bayaran ng pitong milyong halaga ng bahay niya.

“Alam ko po, kilala ko po. Pulitiko.”

Pero tumanggi siyang sabihin kung sino ang pulitikong tinutukoy niya.

“Hanggang dun na lang po...

“Sabi ko, hindi ko po kaya talaga.

"And nakakatuwa po, ang daming payo ng parents ko for me.

"And basta sabi lang po ng parents ko, ‘Huwag mong babastusin. Rerespetuhin mo pa din. Basta huwag mo lang tatanggapin kung ano yung ino-offer niya sa iyo dahil alam naman atin kung ano yung kapalit.’”

Hindi naman itinanggi ni Ken na nasilaw siya sa naturang offer.

“Nung unang-una po, nag-isip po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, kung gagawin ko ito, ’eto yung puwedeng makasira sa pinaghirapan ko dito sa showbiz.”


Hindi siya natukso kahit konti?

“Ang nangingibabaw po kasi sa akin, baka ito yung makasira sa akin.”

Natukso ba siya kahit konti, ang muli naming tanong kay Ken.

“Hindi po.”

Kahit sandali ay hindi siya nasilaw ?

“Oo, nasilaw po ako na parang, ‘Wow! Hindi na ako maghihirap.’

“Babayaran niya yung bahay ko. Na parang, ‘Wow, ito na yung sagot!’

“Pero sabi ko pa rin, hindi pa din, kasi baka mas gumanda yung career ko dito sa industry natin, mas matapatan ko pa o mas lagpasan ko pa yung offer niya ’pag nagtrabaho ako nang maigi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN