Maja Salvador mum about South Africa adventure with Gerald Anderson

Maja Salvador on negative comments about her recording career: “Ako, from the start, always positive, believe lang na hindi man tatanggapin lahat, mas marami naman diyan ang tatanggapin at mamahalin ang ginagawa mo. Gusto ko rin maging instrument na yung imposibleng pinapangarap nila, puwede pa ring maging posible.”


Kagagaling lang ng Kapamilya actress-singer na si Maja Salvador sa South Africa kamakailan.

Pumunta si Maja doon para sa isang magazine shoot, kasama ang iba pang Star Magic talents na sina Erich Gonzales, Kathryn Bernardo, at Julia Montes.

Kuwento niya, “[It was a] great experience for me.

"Trabaho ‘yon. Nag-pictorial kami for a magazine.

“Nilambing ko, binraso ko yung two or three [more] days.

"Nilambing ko yung manager ko, RM [road manager] ko na mapagbigyan na ma-resked yung ibang schedules.

“Kasi nasa bucket list ko yung South Africa.

“Siguro nakita nila na todo-todo trabaho ako kaya napagbigyan.”

Masaya ring ibinahagi ni Maja na hinanap niya ang tinaguriang “big five” sa Africa—ang African lion, Cape buffalo, African leopard, African elephant, at black/white rhinoceros.

“Pumunta ako sa isang game reserve ’tapos nag-Cape Town.

"So, sinasabi ko naman na isa sa mga dahilan kung bakit ako nagtatrabaho nang sobra kasi gusto kong mag-travel."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Maja sa music video shoot ng kanyang kantang “Halikana,” mula sa kanyang album na Believe, nitong August 8, Biyernes, sa Makati City.


TIME WITH GERALD. Kasama rin ni Maja sa biyahe niyang ito ang boyfriend na si Gerald Anderson.

Nag-post pa nga ng maiksing video si Maja sa kanyang Instagram account (@iammajasalvador), kung saan ipinapakita ang sweet moments nila ni Gerald sa South Africa.

Ang nasabing post ay may ganito pang caption: “I love you south Africa. salamat pogi masaya ako nakasama kita #bucketlist #capetown #northcape”

Nang usisain ng PEP tungkol sa mga ginawa nila ni Gerald sa South Africa ay naging matipid na ang mga sagot ni Maga.

“You can see it in the video, so yun na lang,” sabi niya.

Plano ba nila ni Gerald na magbiyahe pa in the future?

“Kung may Big 5 ulit!” natatawang sagot ng singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ko masasabi. At least, nakakapag-share kahit papano.”

Natutuwa ba siyang magkaroon ng pagkakataong magkasama sila ni Gerald sa mga biyahe?

“Oo naman,” matipid na tugon ni Maja.

MAJA THE SINGER. Samantala, nakasama ni Maja ang rapper na si Abra sa music video ng “Halikana.”

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres na tinanggap ng publiko ang pag-venture niya sa pagkanta.

Sa katunayan, certified Gold Record na ang kanyang album na Believe.

Sabi niya, “Andami ko pa kailangang ma-improve kasi hindi pa naman ako ganun kagaling.

“Ako din nagulat, na thankful ako na nabigyan ako ng talent umarte, sumayaw, at ngayon ’eto… parang kahit paano, tinanggap ako ng music industry.

“I’m very blessed and thankful na talagang kung ano ang pinapasok kong mundo, hindi man tinatanggap kaagad, pero unti-unti naa-appreciate ng mga supporters ko yung ginagawa ko.”

Tanggap din ni Maja na hindi naman lahat ay naa-appreciate ang pagsabak niya sa singing, subalit mas pinipili niyang tingnan ito nang positibo.

“Siyempre, kung may mga bad comments sila, negative opinion, parang gawin mong positive lang ‘yon.

"I-apply mo yon sa sarili mo para mag-improve ka pa, pagbutihin mo kung anuman yung mga sinasabi nila, kung anuman yung opinyon nila.

“Ako, from the start, always positive, believe lang na hindi man tatanggapin lahat, mas marami naman diyan ang tatanggapin at mamahalin ang ginagawa mo.

“Gusto ko rin maging instrument na yung imposibleng pinapangarap nila, puwede pa ring maging posible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN