BB Gandanghari thanks brother Robin Padilla for defending her from bashers: "I’m glad he’s very supportive of me."

"Pero as far as I’m concerned, hindi ko kasi masyado napapansin yung haters, e. Mas I feel the love na napaparamdam ng mga taong sumusuporta sa akin. But still, si Robin, medyo sensitive siya sa mga haters ko. Of course, I’m glad he’s supportive of me," says BB Gandanghari in an interview at the premiere night of Barber’s Tale last night, August 11.


Sa kabila ng magkaibang pananaw nila sa buhay, ikinatuwa ni BB Gandanghari, 47, ang ginagawang pagdepensa ng kapatid niyang si Robin Padilla, 44, laban sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya.

Sabi niya, “Oo nga, na-touch naman ako.

“Pero as far as I’m concerned, hindi ko kasi masyado napapansin yung haters, e.

“Mas I feel the love na napaparamdam ng mga taong sumusuporta sa akin.

“But still, si Robin, medyo sensitive siya sa mga haters ko.

"Of course, I’m glad he’s supportive of me."

Kaugnay ito ng Instagram post ni Robin noong August 8, na nagsasabing naniniwala siya sa kabutihang loob ni BB kahit ano pa ang kasarian nito.

Ayon pa kay BB, kung anu-anong kritisismo laban sa kanya ang nababasa ni Robin sa social media kaya hindi maiwasang maapektuhan ang huli.

Napapaisip din umano si Robin kung bakit tila mas madaling natanggap ng publiko ang paglantad ni Aiza Seguerra tungkol sa kanyang gender preference kaysa kay BB.

Kuwento ni BB, "Sabi niya nung una, ‘Hindi kasing ano kay Aiza, mas natitira ka.’

“Sabi ko, ‘Baka I’m more polarizing than Aiza. Chos!’

“Looking at the bright side of it, sabi ko, ’I’m more polarizing, I think!’”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB sa premiere night ng Barber’s Tales sa Trinoma Cinema 7, kagabi, August 11.

NO AIDS. Isa sa mga kontrobersiyang patuloy na ipinupukol kay BB ay ang pagkakaroon nito diumano ng sakit na AIDS (acquired immunodeficiency syndrome).

Matatandaang kumalat ang espekulasyong ito noong nakaraang taon, dahil kapansin-pansin ang pangangayayat ni BB.

Reaksiyon niya, “Oo, nakarating sa akin ‘yan [issue].

“Wala. Hindi naman ako apektado kasi kilala ko naman sarili ko, e.

"I run… What you see is, hindi naman dahil pumayat ako [may malalang sakit na ako]."

Dagdag pa ni BB, wala siyang dapat ikahiya dahil walang katotohanan ang isyung may malubha siyang karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I run. I’m a very active and physically fit person.

“When I do those things, hindi ko na nae-entertain yung mga negative kasi alam ko yung totoo.

“Ang sabi ko nga, I’m in perfect health.

“When your waistline is half your age, dapat taas lang ang kilay mo, ’no!” natatawang turan ni BB.

SEX CHANGE. Tinanong din si BB tungkol sa matagal na niyang planong magpa-sex change.

Ngunit ayon sa transgender actor ay wala siyang balak na sumailalim sa naturang operasyon sa panahong ito.

"Dati ayoko pa sagutin ’yan. Ang reality, hindi pa [ako nagpa-sex change]. It’s not a priority.

"It’s always a consideration. But hindi mo kasi puwede madaliin ’yan, e."

Noong nakaraang taon ay nanindigan si BB na ayaw muna niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang planong magpa-sex change.

Ito ay sa kadahilanang baka bigla siyang magpaopera nang hindi siya lubusang handa sa kung anumang posibleng maging impact nito.

Read: BB Gandanghari ends talk about sex change plan



NO LOVELIFE. Pagdating sa kanyang buhay-pag-ibig, inihayag ni BB na wala siyang karelasyon sa ngayon.

Hindi kasi naging madali ang “transition” niya mula sa pagiging Rustom Padilla hanggang sa lumantad siya bilang BB Gandanghari.

Aniya, “In reality, ngayon lang ako ready to face and enjoy life as BB, as a transgender.”

Biro pa ni BB, sana ay hindi siya masyadong paghigpitan ni Robin pagdating sa kanyang lovelife.

Sa nakaraan kasing panayam ni Robin ay nabanggit ng action star na ayaw niyang makilala kung sino man ang magiging boyfriend ni BB balang-araw.

“‘Yan na nga sinasabi ko. Sabi ko, ‘Huy! Huwag ka naman masyado mahigpit.’

“Feeling ko minsan, masungit na ako. Parang matandang dalaga na ang peg!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN