Sam Milby on being ’gifted’: “I’m half-American... so, yeah, I’m happy and proud with my American side!”

Sam Milby on ex-girlfriend Anne Curtis: "Kahit matanda na ako, I’ll always love her... Kahit matanda na ako, I’ll always love her. She’ll always have a special part in my heart."


Nasentro sa title ng pelikulang The Gifted ang ilan sa naging tanong ng media sa lead actor na si Sam Milby, sa presscon ng Viva Films movie na ito, kagabi, August 11, sa The Library, Metrowalk, Pasig City.

Tinanong at pinag-react ng press si Sam kung masasabi ba niyang “gifted” siya.

Ito ay matapos tanungin ang bawat cast—na kinabibilangan din nina Anne Curtis at Cristine Reyes—kung ano sa palagay nila ang gift na mayroon sila.

Matagal bago nakaisip ng sagot ang Kapamilya actor-singer sa tanong.

Kalaunan ay natawa ito at sinabing, “I’m half-American, remember, so, yeah, I’m happy and proud with my American side!”

Natatawang dagdag pa ni Sam, “Hindi ko in-expect ang question na yun!”



TORN BETWEEN TWO LOVERS. Sa pelikula ay pinag-aagawan siya ng dalawang babae. Nangyari na rin ba ito sa kanya sa totoong buhay?

Tugon ni Sam, “Whenever I have a girlfriend, sobrang klaro sa lahat na I’m with someone. So, wala namang nangyaring ganun.”

Kumusta ba ang lovelife niya ngayon?

Nakangiti niyang sabi, “Yun pa rin, same… walang nagbago sa lovelife ko. Wala pa.

“It’s looking up, that’s the only way to put it.”

Pero nakikipag-date naman siya?

“Wala rin, hindi pa.”

May mga nirereto o pinapa-blind date ba sa kanya ang mga kaibigan niya?

“Blind dates, wala. There are few friends na, ‘Uy, you should date this person.’ Pero, wala rin, hindi nangyari.”

Ayon kay Sam, masyado na siyang “picky” ngayon.

“’Tapos yung Dyesebel, sobrang every day yung taping namin… Dyesebel and then movie.

“Hoping to have more time for that and sana mangyari na. It’s been a while.”

Ang Dyesebel ang huling teleserye ni Sam, kung saan nakasama rin niya si Anne.

Bakit naging masyado na siyang picky o mapili ngayon?

Paliwanag ng 30-year-old actor, “Kasi, love is something you have to be picky about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You should never settle when it comes to love.

“Well, I don’t… I won’t settle, e.

“I have to know, I have to feel na ma-in love ako.

“I won’t be like, ‘Sige, puwede na ‘to, tingnan natin.’

“I want to know na may future talaga ‘to, sige, tingnan natin.”



ANNE CURTIS. Muling nakatrabaho ni Sam ang ex-girlfriend niyang si Anne dito sa The Gifted, pagkatapos nilang magsama sa Dyesebel ng ABS-CBN.

Kapag nakikita niya si Anne, wala bang panghihinayang sa kanya na hindi sila ang nagkatuluyan?

“Hindi, for me, there’s a reason for everything.

“It was very hard for me, mas lalo after our breakup. For a while, it was hard.

“Ako, I’m truly happy for them,” pagtukoy ni Sam kay Anne at sa boyfriend nito ngayon na si Erwan Heussaff.

Dagdag niya, “I’m excited because I know I’ll meet the woman that will make you realize why all the past relationships didn’t work out.”

Ano ba ang nararamdaman niya kay Anne ngayon?

Saad niya, “Ako, I’m happy that we were able to do this project.

“Kasi, yun nga, four years na hindi kami magkasama, hindi kami nagkikita.

“It was nice to do this dalawang project, lalo na yung Dyesebel, kasi mas matagal yung pinagsamahan namin dun.

“At doon nag-starting over again yung friendship namin.”

Wala nang love?

Sagot ni Sam, “I know that I will always love Anne.

“We were together for quite a long time and she’s someone I’ll always love, no matter what.

“Kahit matanda na ako, I’ll always love her.

“She’ll always have a special part in my heart.

“But, it’s different now. Siyempre, it’s a different love.

“Kahit na in the future, if she ever needed me, I’ll always be here for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHOWBIZ CRUSH. Balitang may showbiz crush daw ngayon si Sam, pero yun nga lang, teenager pa raw ito.

Sabi niya, “Ang daming magagandang bata ngayon. There’s a lot of beautiful faces in the business ngayon.

“Pero siyempre, hindi naman… puwedeng ma-appreciate ang kagandahan ng mga new actresses in showbiz.

“Pero yung parang liligawan ko, wala.”

Magiging isyu sa kanya ang edad?

“Of course, of course… 30 na ako.”

Lumabas ang mga pangalan ng Kapamilya young stars na sina Julia Barretto at Liza Soberano.

Sabi ng Sam tungkol dito, “I find her [Julia] very beautiful. Kahit naman si Liza.

“Si Kathryn [Bernardo] is very beautiful.

“Pero ako, 30 na ako.

“If it was five years, 18 and 25, pero 30, you grew so much. Grabe maturity.

“Kahit mature na 17 or 18 year old, yung growth mo, iba talaga sa 20s.

“Wala namang ganun na gusto kong ligawan.

“Puwede kong sabihin na ang ganda naman ng batang ‘to, pero yung gusto kong ligawan, bata!

“Nagagandahan ako, of course.”

Sa tatlong nabanggit na teen stars—Julia, Liza, at Kathryn—kanino siya pinaka nagagandahan?

“Yung unang napansin ko dati was Liza. I remember, I saw her, Christmas special ng ABS, ang ganda,” sabi ni Sam.

Puwede pa rin naman siyang manligaw?

Natawang sabi niya, “Too young!

“Kung single pa ako, in five, six years, sige, tingnan natin. Pero ngayon, hindi”.

Dugtong pa ni Sam, “My ideal age to get married is mid-30s.

“Pero ngayon, parang mas excited na ako to have my own family.

“And if you’re 17, 18, you should enjoy your youth, ‘di ba?”

Kapag nagkaroon siya ng girlfriend, gusto niya, ito na talaga ang pakakasalan niya?

“Yeah, that’s what I’m really looking at now.

“Kung sino ang susunod na karelasyon ko, I’m really hoping na siya na.

“That’s why I’m picky because I want to know na siya na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Sam na may “prospect” na siyang ligawan, pero ayaw raw muna niyang sabihin.

“Wala pang ligawan stage.

“Ayoko naman… I’ve learned from the past that it’s wrong to say, ‘tapos biglang ano…

“Kasi, you get the wrong… everyone got the wrong na, ‘O, hindi naman nag-work out.

“So, ako, hangga’t kami na, I don’t want to share. I’d rather not.”

Inisip naman agad ng entertainment press na ang tinutukoy niya ay ang nangyari sa kanila noon ni Jessy Mendiola.

Kumusta na ba sila ni Jessy?

Sagot ni Sam, “Okey kami, kasi hindi naman kami umabot sa kami na.

“Nasa ligawan stage. Yun nga, nag-hangout kami, nag-date kami.

“Pero, okey kami. We don’t keep in touch anymore, pero okey kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN