Robin Padilla not keen on joining politics: “Rebolusyonaryo ako, hindi ako politician.”

Robin Padilla on why he can’t be a politician: “Unang-una, ang mga anak ko ay nag-aaral sa abroad. Ang mga tuition fee noon ay dollars. Ang suweldo ng isang politician, hindi ka makakapagpapaaral sa abroad, hindi kaya ‘yon.”


Malabo raw para kay Robin Padilla na sumabak sa pulitika kahit ilang beses na siyang inalok na tumakbo para sa posisyon sa gobyerno.

“Ayaw ko ng pulitika. Rebolusyonaryo ako, hindi ako politician,” sabi ni Robin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Talentadong Pinoy ng TV5 kagabi, August 11.

Isa sa mga dahilan na ibinigay ni Robin ay ang gastusin niya para sa kanyang pamilya.

Diin niya, “Unang-una, ang mga anak ko ay nag-aaral sa abroad. Ang mga tuition fee noon ay dollars.

“Ang suweldo ng isang politician, hindi ka makakapagpapaaral sa abroad, hindi kaya yun.

“Yun lang mga binibiling organic [products] ni Mariel [Rodriguez, his wife], kamamahal nun.

“Hindi ‘yon kakayanin ng suweldo ng isang politician.

“Hindi ako magnanakaw. Hindi po natin kaya ‘yon.

“Hindi talaga kaya kahit saan mo tingnan.”

Aminado si Robin na minsan na siyang inalok na tumakbo bilang senador.

Inalok din daw siya ni Vice President Jejomar Binay ng isang posisyon sa National Housing Authority.

Hindi raw niya ito tinanggap dahil, “Wala naman akong maitutulong.

“Ang mangyayari kasi nun, magiging gastos ka lang.

“Binigyan ako ni Vice President Binay noon ng posisyon sa Housing.

“Ang sabi ko kay Vice President, ‘Magpapatayo na lang po ako ng housing. Hindi na ako hihingi sa gobyerno.’

“Ganun na lang, sa sarili ko na lang.

“Hindi kasi ako naniniwala na kung gusto mong makatulong, meron ka naman, kukuha ka pa sa gobyerno, katarantaduhan.

"Ang pera ng gobyerno, para sa taong wala."



STILL SATISFIED. Samantala, bagamat bumaba ang approval rating ni President Benigno “Noynoy” Aquino III, hindi naman daw nawawala ang tiwala ni Robin dito.

Saad ng action star, “Hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako kay PNoy, pero hindi doon sa mga buwayang katabi niya.

“Hindi naman kasalanan ni PNoy ‘yon, kasalanan ‘yon ng mga buwaya sa tabi niya, ang dami kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang kailangan ni PNoy ay crocodile hunter.

“Si PNoy, hindi niya kasalanan ‘yon.

“Wala naman akong nakitang palsong ginawa ni PNoy, kundi yung mga taong nasa paligid niya.

“Ang hiling ko sa aking Presidente, huwag po kayo manghinayang na magsakripisyo sa mga bataan ninyong buwaya.”



ENDORSEMENT. Sa ngayon, ayon kay Robin, wala pa siyang napupusuang suportahan sa 2016 presidential elections.

“Sa ngayon, wala pa akong masabi kung sino,” sabi niya.

Anong katangian ng lider ang gusto niyang suportahan?

Mabilis na sagot ni Robin, “Yung gagastos ng pera niya.

“Sana mayroon tayong isang politician na lumabas na handang gastusin ang pera niya.

“At yung pera ng tao niya, huwag niyang gastusin.

“Yung pera ng tao, ibigay lang niya sa mahihirap.

“Kaya nila ‘yon, ibahin lang natin ang batas.

"Kasi, ang problema natin, ang sistema natin ay mali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN