Marian Rivera still on cloud nine after Dingdong Dantes’s second proposal

Ibinahagi ni Marian Rivera ang kasiyahang nararamdaman, sa pamamagitan ng Instagram, kaugnay ng ginawang proposal sa kanya ng nobyong si Dingdong Dantes on national TV. Ipinagdiriwang ni Marian ang kanyang 30th birthday ngayong araw, August 12.


Ngayong araw, August 12, ay ipinagdiriwang ni Marian Rivera ang kanyang ika-30 kaarawan.

Ngunit bago pa man sumapit ang espesyal na araw na ito ay natanggap na ng Kapuso Primetime Queen ang pinakaespesyal na regalo niya—ang proposal sa kanya ng nobyong si Dingdong Dantes on national television.

Naganap ito sa birthday special ni Marian sa kanyang weekly program sa GMA Network, ang Marian, noong Sabado, August 9.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

Ngayong mismong kaarawan niya ay nag-post ng mensahe si Marian, sa kanyang Instagram account (therealmarian), upang pasalamatan ang mga taong sumusuporta sa relasyon nila ni Dingdong.

Pahayag ni Marian, “Mula sa aking puso, maraming salamat sa lahat ng nagdasal para patnubayan ng Diyos ang aming pagsasama.

“Sa lahat ng naghangad sa amin ng kaligayahan at sa mga maka-DongYan na sobrang magmahal sa amin, salamat sa inyo.

“Kaya naman nais ko ibahagi ito sa inyo, ang simbolo ng pagyaya sa aking magpakasal ng lalaking pinakamamahal ko at napakapalad ko na mangyari uli yan sa pangalawang pagkakataon na kasama ang mga taong mahalaga sa akin.

“Kaya ngayong kaarawan ko, nais kong ibahagi ang ligayang ito sa inyo. Maraming salamat sa pagmamahal sa amin ni Dong.

“My Birthday is truly Happy... 😄😃😀😊☺️😉😍😋😅😇😆😚 Thank you Lord for this wonderful life you have given me... ❤️ #FirstRing💍 #Gratitude 🙏”

Kalakip nito ang isang larawan ni Marian kung saan suot-suot niya ang dalawang engagement rings na bigay sa kanya ni Dingdong.



PREVIOUS POSTS. Ilang oras pagkatapos ng proposal sa kanya ni Dingdong noong Sabado ay nag-post din ng mensahe sina Marian at Dingdong sa Instagram at Twitter, respectively:

“I am so grateful to share with everyone that Dong and I are engaged 💍 #ForeverStartsToday”

Kalakip ng Instagram post ni Marian ang larawan ng engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dingdong na nakalagay pa sa box:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan, August 10, tila hindi pa rin makapaniwala si Marian sa ginawa para sa kanya ni Dingdong.

Narito ang Instagram post niya noong araw na iyon:

“Hanggang ngayon e nasa alapaap pa rin ako, lalo sa na sinabi mong ako ang sagot sa yong mga dasal at gusto mong ipag sigawan sa mundo kung gaano mo ako kamahal... haaay mahal ko... Mahal na mahal din kita! 😍😍😍”

Kalakip naman nito ang larawan nila ni Dingdong na kuha noong unang mag-propose sa kanya ang aktor sa isang butterfly dome sa Macau, noong August 2012.

Kinumpirma ni Dingdong na sa taong ito magaganap ang kanilang kasal ni Marian, ngunit tumanggi siyang sabihin kung ano eksakto ang petsa nito.

Pero ayon sa ilang malalapit kina Dingdong at Marian, malaki ang posibilidad na maganap ito sa Disyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN