Mariel Rodriguez enjoys being a housewife while on vacation from showbiz

Does Mariel Rodriguez miss showbiz? She says, “Ayaw ko naman sabihin na hindi ko na-miss, parang ang sama ko naman sa showbiz, ’di ba? Iba lang, kasi may bago akong path na ginagawa.”


Bagamat ilang buwan nabakante sa trabaho, na-enjoy naman daw ni Mariel ang kanyang pagiging maybahay sa asawang si Robin Padilla.

Simula nang matapos ang Wowowillie ng TV5 noong nakaraang taon, mas natutukan daw ni Mariel ang pagiging asawa ng action star.

Sa katunayan, naninibago raw siya ngayong nagbabalik siya sa paghu-host, sa pamamagitan ng Talentadong Pinoy.

Sina Mariel at Robin ang bagong hosts ng talent show na ito ng Kapatid network.

Sabi ni Mariel, “Actually, yun ang problema namin. Aalis na naman ako sa bahay.

“Ang hirap umalis sa bahay. Kapag aalis kami ng bahay, parang sobrang challenge lumabas ng bahay.”

Sa kanyang pagbabakasyon, na-miss ba ni Mariel ang trabaho sa showbiz?

Sagot niya, “Hindi pa naman siya ganun katagal, e, ’di ba?

"Siguro kung three years siya, masasabi kong oo.

“Ayaw ko naman sabihin na hindi ko na-miss, parang ang sama ko naman sa showbiz, ’di ba?

“Iba lang, kasi may bago akong path na ginagawa.”

Dahil hindi naman masyadong magiging mabigat ang workload sa Talentadong Pinoy, pumayag si Mariel na makasama ang asawa bilang co-host nito.

Kung sakali raw kasing maraming oras ang kakailanganin para sa trabaho, baka hindi niya ito tinanggap.

Ani Mariel, “Alam mo, sabi ko nga, if hindi siya something na worth giving up, yung what I was doing at home, hindi ko siya gagawin

“So, thankful ako na itong Talentadong Pinoy, nagustuhan ko talaga

“Kasi, kung hindi siya worth giving up, yung being a housewife, hindi ko talaga gagawin.”



BEING A MOM. Mula sa pagiging housewife, handa na rin kaya si Mariel maging isang ina?

“Not yet, in two years,” sabi ng 30-year-old TV host.

Pero sa pamamalagi niya raw sa bahay, marami siyang na-realize kung sakaling maging isa na siyang ina.

Kuwento ni Mariel, “Alam mo, I got to know myself, na kaya ko pala maging housewife talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bata pa lang ako, yun ang dream ko talaga, maging housewife.

“’Tapos kung magkaroon ako ng mga anak, gusto ko ihatid sila, kunwari dun sa soccer, ganun, yun talaga ang gusto ko.”

Sa tingin ni Mariel, mas mae-enjoy pa niya lalo ang pagiging housewife kung sakali.

“Oo, soccer mom ang peg ko talaga, yun ang gusto ko nung bata ako.

“So, ngayon, step by step, slowly, nagagawa ko siya, and hindi siya madaling trabaho

“To take care of the house is hard. Every time may, ‘Bakit ganito? Bakit may ganyan?’ alam mo yun, kailangan may sagot ka sa lahat

“Lahat [dapat alam mo], siyempre, kasi you’re managing the house.

“So, it was a totally different life for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN