Carla Abellana on forgiving ex-boyfriend Geoff Eigenmann: “Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”

Hindi pa raw handa si Carla Abellana na muli silang maging magkaibigan ng ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann. Marami rin daw siyang pinagkakaabalahang proyekto ngayon kaya hindi na niya naiisip ang dating kasintahan.


Abril nitong taon inamin ni Carla Abellana na hiwalay na sila ng nobyong si Geoff Eigenmann matapos ang halos apat na taong relasyon.

Ang pagkakaroon daw nila ng magkaibang pananaw sa ilang bagay-bagay ang pinakamalaking dahilan ng kanilang hiwalayan.

Read: Carla Abellana admits breakup with Geoff Eigenmann: “We were too different talaga... mas nagka-clash pa kami kesa nagkakasundo kami.”

Kumusta na ang lagay ng puso ng Kapuso actress ngayon?

Natatawang tugon ni Carla, “Andiyan pa rin siya, buhay pa rin naman siya!”

May bago na bang nagpapatibok nito?

Saad niya, “Wala pa naman.

"Yung kay Tom [Rodriguez], hindi na bago ‘yan.

"Siyempre, the fans are clamoring.

"They are, you know... they’re even praying na sana kami na lang. Yung mga ganun.

“Pero nasabi na namin before na pangit naman kung pipilitin namin just for the sake of the fans, kung ano lang, para mapasaya lang sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Carla sa set visit ng Ismol Family ng GMA Network kahapon, August 12, sa may Commonwealth, Quezon City.



MAGING MASAYA, MAGING POSITIVE. Sa ngayon ay "fully recovered" na raw ang puso ni Carla mula sa sakit na dulot ng breakup nila ni Geoff.

Saad ng 28-year-old actress, “Of course. Yeah, oo naman, fully.

“Sobrang daming ibinibigay sa akin ni God na trabaho, ang dami kong nami-meet na bagong tao, ang daming parang, ‘Tse, huwag ko muna ‘tong isipin!’ Parang ganun.

“So, there’s many reasons para maging masaya, maging positive.”

Nanatili ba ang pagkakaibigan nila ng ex-boyfriend?

Pag-amin niya, “No, no, we’re not friends. ’Tsaka ang tagal ko na siyang hindi nakikita, e.”

Napatawad na ba niya kung anuman ang nagawa nitong kamalian sa relasyon nila?

Tugon ni Carla, “Forgiven? Parang dapat, e.

“Dapat din, you forgive, anybody.

"Kung si God nga kayang mag-forgive ng kahit sinong demonyo, ‘di ba? Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sino ba tayo para hindi magpatawad?”

Pabiro namang pinansin ng isang entertainment editor ang lutong ng pagkabigkas ni Carla sa salitang "demonyo."

Pero giit ng aktres, “Kasi, even God is so good that He even let evil exist.”

So, applicable ba sa kanya ng mga salitang "forgive and forget"?

Diin niya, “Yeah, dapat, no matter how hard, ‘di ba?

“Kasi hindi madaling mag-forgive, hindi rin madaling mag-forget. Pero kailangan, e, siyempre, ‘di ba?

"We are only human being.

"Kung si God kaya Niya, dapat tayo din, all the more.”

STANDARDS. May target ba siyang time na dapat sa ganitong edad ay mag-asawa na siya?

Sabi ni Carla, “Sana masundan [ang pagkakaroon ng boyfriend], kasi when I was in college, ang sabi ko, ’Sana naman by 27 or 28.’

"Kasi that’s the ideal age naman na, e.

“I’m already 28, so we’ll see.

"Kasi ’pag nagsi-set ng time limit, baka hindi lalong masundan, e.

"Depende na lang kung kailan yung parang kay God na tamang time."

Ayaw na ba niya ng taga-showbiz?

Sagot ng aktres, “‘Pag sinabi kong ayaw ko, malay mo, yun yung ibigay sa akin ni God.

"So, hindi ko alam kung sino ang ibibigay Niya sa akin. Nasa sa Kanya yun.”

Ano ba ang standards na hinahanap niya sa kasunod na boyfriend?

Ayon sa My Destiny star, “Dapat pasayahin ako, dapat alagaan ako, and mahalin ako. Yun lang, simple.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN