Kim Rodriguez once more denies that Kiko Estrada is wooing her: "Wala akong maramdamang gusto niyang manligaw."

Kim Rodriguez is happy to be reunited with her Tween Hearts co-stars Kiko Estrada, Jake Vargas, and Bea Binene in her new teleserye at GMA. "Bonded na kami," she says.


Masayang ibinalita ni Kim Rodriguez na may bago na siyang teleseryeng gagawin sa GMA pagkatapos ng kanyang launching series na Paraiso Ko’y Ikaw.

Ito ay pagsasamahan nila ng balik-Kapuso network na si Kiko Estrada at ang tambalan nina Jake Vargas at Bea Binene.

Sabi ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakakatuwa lang na after four months since natapos ang soap namin ni Kristoffer [Martin], ’eto, may bago na naman akong project."

Masaya raw si Kim dahil makakasama na naman niya ang kanyang co-Tween Hearts.

“Sobrang saya ko kasi parang reunion ito ng Tween Hearts, kasi puro kapwa ko tweens ang kasama ko dito.

“Hindi na kami mahihirapan mag-adjust sa isa’t isa kasi bonded na kami at matagal-tagal ding nakatrabaho."

Nakausap si Kim ng PEP. si Kim noong Sabado, August 9, sa presscon ng Mario D Boro/Cardams/Liberte, kung saan isa si Kim sa image models.



KIKO ESTRADA. Aminado si Kim na sa pagtatambal nila ni Kiko ay mas lalakas ang balitang boyfriend na nito ang binata.

"Yun nga yung iniisip ko."

Alam daw niya kasing may usap-usapan tungkol sa kanilang dalawa pero, "Ang totoo ay close lang talaga kami sa isa’t isa."

Magkakabarkada lang daw kasi sila nina Teejay Marquez.

“Tatlo kasi kaming very close talaga."

Natatawang paliwanag pa niya, "Siguro yung sweetness namin bilang magkaibigan, nabibigyan ng malisya.

“Sanay na naman kami matsismis, kaya okey lang.

"Lalo na ngayon na magkasama kami sa soap, kaya expected na mas matsitsismis pa kami."

Hindi na nga lang daw nila pinapansin o pinapatulan ang mga intrigang dumarating sa kanila.

Saad ng 19-year-old actress, “Deadma lang kami kasi ’pag pinatulan mo, mas lalala pa, mas lalaki lang.

"’Tsaka hindi naman kami papayag na maapektuhan yung friendship namin ng dahil lang sa tsismis."

Papano raw sila magkakaroon ng malalim na relasyon samantalang hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Siguro mas magandang siya na lang ang tanungin niyo if may balak ba siyang manligaw sa akin.

"Kasi ’pag magkakasama naman kami, wala akong maramdamang gusto niyang manligaw.

"Kumbaga, barkada lang talaga, nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa’t isa."

Nakilala na raw ni Kim ang mommy ni Kiko na si Cheska Diaz.

"Ang ganda ni Tita Cheska at ang bait niya, nagkuwentuhan kami.

"Ang saya, iba yung feeling, kasi first time ko siya na-meet ’tapos ang bait bait niya sa akin."

Ipinahayag din ni Kim na wala pa siyang time para sa lovelife dahil marami pa raw siyang priority sa buhay.

“Like, gusto kong bumili ng bahay, although may condo na ako... Gusto ko ding bumili ng sasakyan at marami pang iba.

“Trabaho siguro muna, ’tsaka na ang lovelife.

“Love can wait muna ang drama ko ngayon.

"Work, work, work ang first priority ko.

"Lalo na ngayon sunud-sunod ang trabahong ginagawa ko."



BIRTHDAY BLESSINGS. Ayon kay Kim, parang hindi siya nabakante ng apat na buwan dahil hindi siya pinababayaan ng GMA pagkatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw.

"Binibigyan pa rin nila ako ng raket at guestings, like yung sa Maynila, binigyan nila ako ng one month.

“Mabait talaga sa akin ang Diyos. Sa tuwing magbi-birthday ako, lagi na lang may blessings na dumarating sa akin.

“Dati, nung magbi-birthday ako, nakasama ako sa Tween Hearts.

"Basta every time na magbi-birthday ako, may malaki at magandang regalo sa akin si Lord.

"Kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Kanya. Kasi alam ko na lahat ng blessings na dumarating sa akin, galing sa Kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN