Kaye Rivera opens up about failed relationship with Tom Rodriguez: "Baka hindi lang meant to be talaga."

Kaye Rivera ponders her year-and-a-half relationship with Tom Rodriguez: "There are people who come into your life for a reason, right? Maybe, that time na we were together was the time for me to learn." As for Tom’s rumored romance with Carla Abellana, "Baka time na nila," she says.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang singer-actress na Kaye Rivera—dating nakilala bilang si K-La Rivera—tungkol sa naging relasyon nila ni Tom Rodriguez na umabot sa isa’t kalahating taon.

Sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Kaye na nagkahiwalay sila ni Tom nitong April lamang.

Ngunit tumanggi ang Star Power alumna na sabihin ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil ito ay para raw sa kanilang dalawa na lamang ng dating kasintahan.

Saad ng 22-year old Kapuso talent, "That’s something that happened in the past, parang I’m just moving forward na.

"We were a couple for a year and a half, opo.

"I’m moving forward, totally, kasi it’s the first time na I’m going through a breakup.

"I think it’s not yet the right time na totally move on ako, pero in the process pa rin ako.

"I mean, I’m just focusing ngayon on the positive side.

"I’m just praying all the time for God’s guidance, and naniniwala rin ako na everything happens for a reason.

"Especially now that I’m growing up, I’m turning 23 sa 17th, nabubuo rin ako as a person.

"If you don’t go through pain or sadness, and you don’t appreciate the love and happiness as much, sa ngayon..."

Nakausap ng PEP si Kaye sa ginanap na birthday treat ng GMA Artist Center para sa kanilang August celebrators, sa Function Hall ng Marikina Public Market, sa Marikina City, kahapon, August 12.

Bukod sa kanya ay nag-celebrate din ng kanilang kaarawan ang Artist Center talents na sina Kim Rodriguez, Jeric Gonzales, at Annika Camaya.

TOM’S POPULARITY. Sa tingin ba niya ay malaking factor sa pagkakaroon ng problema sa kanilang relasyon ang biglaang pagsikat ni Tom dahil sa tagumpay ng teleseryeng My Husband’s Lover noong nakaraang taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kaye, "Did it affect sa aming relasyon? I don’t know, e.

"I think everyone should differentiate between sa career nila at sa personal life nila.

"If someone is meant to be, talagang matutuloy pa rin yun.

"Pero if it’s not meant to be, whatever factors… it won’t work out.

"So, baka hindi lang meant to be talaga."

Lahat naman daw ng paraan ay ginawa nila upang mapanatili ang kanilang pagmamahal sa kabila ng sobrang pagiging abala ni Tom sa maraming commitments noon.

Aniya, "Of course, lahat ng ways, ginawa naman namin.

"At the time that we were together, yeah, we did.

"But, yeah, of course, hindi lahat ng relationship is perfect. Walang perfect na relationship.

"Basta, if it’s not meant to be, it’s not meant to be.

"I’m just moving forward na."



FIRST BOYFRIEND. Unang boyfriend daw ni Kaye si Tom kaya hindi niya maipagkailang sobra siyang nasaktan.

Pag-amin niya, "Yeah, siyempre, hurt. I can’t say that I wasn’t hurt.

"He was my first boyfriend and first heartbreak.

"I have introduced him to my family and friends, siyempre, the person that I’m with.

"Gusto ko ring siyang maging close sa family and friends ko."

Naging magkaibigan ba sila matapos nilang maghiwalay?

Pag-amin ng Star Power alumna, "No, unfortunately, we are not talking.

"His family is dear to me and will always love them kahit we are not together and we are not talking."

Handa na ba siyang pumasok ulit sa isang relasyon pagkatapos ng failed relationship nila ni Tom?

Sabi ni Kaye, "Sa ngayon, hindi yun ang focus ko.

"But I’m not closing my doors also.

"And, I guess, I’ll open my eyes and not rush into another relationship.

"The next time, I would really take my time to get to know him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "I don’t want to go through the same thing like that.

"Eveyone wants a relationship na maging successful, na sana ay siya na ang life partner nila.

"Of course, magiging careful ako and I’m just learning to love myself more."



CARLA ABELLANA. Sa ngayon ay nali-link si Tom kay Carla Abellana. Ano ang masasabi ni Kaye dito?

Malakas na tawa ang isinukli ni Kaye bago sinabing, "Baka sila na lang to give reaction.

"I can’t say anything about it kasi wala naman po ako sa situation nila.

"Actually, since it’s my first time to experience a breakup, I think it makes it easier to move on.

"There are people who come into your life for a reason, right?

"Maybe, that time na we were together was the time for me to learn.

"So, baka time na nila."

Gaano ba niya kakilala si Carla?

Sagot ni Kaye, "I don’t really know her that well.

"’Hi’ lang kami ’pag nagkikita kami sa Sunday All Stars.

"Yeah, I find her nice, ganun.

"It’s hard for me to say na kung ano ang nangyari, so bahala na sila ngayon.

"It’s their life, I’m out of that, and I have other things that I’m focusing on.

"I have my life and I have so many things to be grateful for, I have my family and friends naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN