Billy Crawford unaffected by bashing from AshMatt fans over a joke

Billy Crawford on announcing his relationship with Coleen Garcia: "Siguro we both realized it’s time to be happy, move on, and love each other. I’m very happy na in love siya, in love ako, in love kami sa isa’t isa."


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Billy Crawford ang pamba-bash sa kanya ng fans ng magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito ay may kaugnayan sa ipinost na video ni Luis Manzano sa social media, na nagpapakita ng isang asong nagkakamot ng ari nito.

Nagkomento rito ang kaibigan nila na si Marvin Agustin, at sinusugan naman ito ng biro ni Billy na mas bagay raw ikumpara ang ginagawa ng aso sa video kay Matteo dahil sampung buwan na raw itong “walang ano.”

Kaagad namang nag-react ang AshMatt (Sarah-Matteo) fans, at sunud-sunod ang pamba-bash na tinanggap ni Billy.

Sinabihan nila ang It’s Showtime host ng “bastos” at wala raw itong limitasyon sa pagbibiro na may kaberdehan.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Billy sa It’s Showtime noong Lunes, August 11, ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa mga batikos na natatanggap.

Saad niya, “I don’t know… sa amin kasi, we’re really close, ganun kami magbiro.

“And it’s none of anyone’s business kapag naglolokohan kami.

“Yung mga sensitive diyan, sensitive naman kayo, may mas malalaking problema sa mundong ito.

“Pumunta ka sa isang basketball club, pumunta ka sa mga estudyante, pumunta ka sa isang eskuwelahan, ganun din naman ang pinag-uusapan.

“Kung makareklamo kayo, wagas. And wala akong pakialam, okay lang yun.”

Dagdag niya, “Deadma lang. Nakakatawa lang kasi binitawan lang namin nina Luis, Matteo, nina Marvin, magkakasama kami sa pelikula at barkada kami.

“It was a joke. Kung may na-offend, pasensiya na po, it’s a guy joke.

“Nauna nga si Marvin, ako ang itinuro, e.

"Hindi naman ako na-offend.

“It doesn’t matter as long na we know what’s right and what’s wrong.”

Nagkausap na ba sila ni Matteo tungkol dito?

Ayon kay Billy, “Hindi pa kami nagkakausap ni Matteo. Kababalik ko lang galing Guam for Philippine Airlines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COLEEN GARCIA. Samantala, tinanong din namin si Billy kung bakit nagdesisyon sila ni Coleen Garcia na buksan sa publiko ang kanilang relasyon, gayong marami sa mga artistang magkarelasyon ang gustong maging pribado para iwas-intriga na rin.

Tugon niya, “Siguro we both realized it’s time to be happy, move on, and love each other.

“I’m very happy na in love siya, in love ako, in love kami sa isa’t isa.

“Siya dapat ang tanungin namin kasi siya ang sumagot, e.

“Ako, nagtanong lang ako… halos araw-araw naman akong nagtatanong.

“Honestly, we don’t really owe it to everyone.

“This is our relationship. As long as we both understand, love each other, care for each other as friends, more than friends, nagtutulungan kami, okay kami, we’re happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN