Gladys Reyes on Claudine-Raymart separation: "Sobrang nakakalungkot, nakakaiyak, nakakahinayang."

Gladys Reyes hopes Barber’s Tales will pique the curiosity of moviegoers and get them to see the film. "Iniiisip ba nila boring yung pelikula kaya ganun? Pero hindi, e. Bakit ito kinilala sa ibang bansa? Bakit naging Best Actress si Eugene Domingo sa Tokyo? Bakit naging Best Director sa Madrid si Direk Jun Lana?" she asserts.


Siguradong-sigurado raw si Gladys Reyes na ang kanyang asawang si Christopher Roxas ay faithful sa kanya "through and through."

Sabi pa niya, “Hindi niya bibigyan ng pagkakataon yung kung sinuman yun na babae or iba na sabihing, ‘A, si Christopher ba? Natikman ko rin yun!’

“Hindi niya bibigyan ng pagkakaton na ganun, na may magsabi ng ganun kasi si Christopher…

"Iba yung hindi gumagawa ng ano, kasi natatakot lang.

"Iba yung hindi gumagawa... faithful dahil nandiyan ka lang.

“Iba yung kahit wala ka, wala yung presence mo o kahit saan pa siya makarating, mismo sa sarili niya, alam niya yung limitasyon niya.

"Iyon ang hinahangaan ko po kay Christopher,”

Twenty-two years na ang relasyon nilang dalawa.

“At first boyfriend ko siya, first and last!

"At siya ang napangasawa ko kaya nga, kumbaga, one time big time!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa Trinoma Mall noong Lunes, August 11 sa premiere night ng Barber’s Tales, pelikula ng APT Entertainment Inc. at Octobet Train Films na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.



CLAUDINE, RAYMART. Dahil maganda ang relasyon nina Gladys at Christopher, hiningan namin ng pahayag si Gladys tungkol sa nararamdaman niya sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Kapanabayan ni Gladys si Claudine bilang artista at kaibigan rin niya ang dating mag-asawa.

Saad ng aktres, “Si Claudine, mas una ko siyang naging kaibigan, kasi two years kaming magkasama sa soap opera sa Dos.

"Si Raymart, nung gumawa kami ng Home Sweet Home [sa GMA].

“So, nagkaroon ako ng pagkakataon to know them better bilang tao talaga, yung indibidwal nilang pagkatao.

"At masasabi ko, sobra yung panghihinayang ko nga nung time na lumalabas na hindi sila nagkakasundo, may annulment, and all.

“Kasi ’pag nakilala mo sila bilang indibidwal, manghihinayang ka talaga kasi parehong mabuting tao, e.

“Parehong may disposisyon sa buhay, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pareho silang masayang kaibigan, masarap kausap kaya sobrang nakakahinayang.

“’Eto talaga, honestly, may pagkakataon, nanonood yata ako ng StarTalk. Pinapakita about yung proceedings nung ano nila... medyo matagal na ito, naiyak ako!

“Naiyak ako kasi parang, lalo na with Clau... si Claudine, ’di ba, panahon pa nina Rico [Yan] and all?

"Ganyan, nung soap nga namin, kasama ko na siya, e.

“Kaya ako naiyak dahil ipinapakita yung happy moments nila [Claudine and Raymart], na magkasama sila

"Remember, yung mga nasuungan nilang pagsubok nun, magkasama silang hinaharap yun until parang against na sila, ’di ba, sa isa’t isa.

"So, sobrang nakakalungkot, nakakaiyak, nakakahinayang.”


Lately raw ay nagka-text-an sila ni Claudine.

“Dahil birthday ni Santino, inimbita niya ako. Unfortunately, papunta na ako, pero nung day na yun, may nangyari sa driver ko.

"So, hindi ako nakapunta, hindi ako marunong mag-drive.

“Nanghinayang nga ako kasi I heard pumunta nga rin daw si Raymart, ’di ba?

“Di sana kung nakapunta ako, may tsika ako ngayon sa inyo, ’di ba?” natawang sabi niya.

JUDAY. Ang matalik naman niyang kaibigan na si Judy Ann Santos, ’tulad rin ni Gladys, ay maganda ang buhay may-asawa.

Going strong ang pagsasama ni Judy Ann at ng mister nitong si Ryan Agoncillo.

Sabi ni Gladys, “Si Juday naman, very active yung aming friendship din dahil from MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board], lagi ko siyang nai-invite.

"Like, meron kaming bagong programa ngayon, sa PTV4 yun... MTRCB Uncut.

“So, ito po yung, siyempre, yung mga kung ano yung feedback ng ano, kung ano ba yung ginagawa namin sa MTRCB.

"May celebrity guest din, so ang pilot guest namin, si Juday.

“Talk show siya and, at the same time, meron ding comments from the ano, ganyan. Meron ding panel discussion.”

BARBER’S TALES. May ninanais naman si Gladys para sa Barber’s Tales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ine-expect, more on hoping and wish ko po sana, sana kung ito kinilala, pinarangalan sa ibang parte ng mundo, sana naman, yung mga kababayan natin, ma-curious sila at pumunta sa mga sinehan.

"Bakit ito kinilala sa ibang bansa? Bakit naging Best Actress si Eugene Domingo sa Tokyo?

"Bakit naging Best Director sa Madrid si Direk Jun Lana?

“Sana tayo mismo, sa sarili nating bansa, tayo yung mas mag-overflow yung support sa mga ganitong klase ng pelikula.

"At sana maging precedent na po ito na.

"Minsan kasi, nakakalungkot man, pero ’pag sinabing parang ano, critically-acclaimed, ganyan-ganyan…”

Hindi tinatangkilik ng publiko?

“Oo, more on parang hindi ko alam kung ano yung nasa isip nila.

“Iniiisip ba nila boring yung pelikula kaya ganun, pero hindi, e.

"So, sana hindi naman ang maisip nila yung boringga factor, ano.

"Hindi naman yun. It’s more of... kaya nga dito, patutunayan ng Barber’s Tales na yung ini-expect nila, hindi iyon.

“Kaya sana panoorin nila.”

Unang indie film ito ni Gladys at unang beses raw niyang hindi siya gaganap na kontrabida sa pelikula.

“And at the same time, binigyan nila ng moment yung bawat characters, na hindi yung sasabihin mo na si Ate Uge lang, ganyan,

“Ang daming nag-shine sa pelikulang ito.”

Kasama rin nina Eugene at Gladys sa Barber’s Tales sina Iza Calzado, Nicco Manalo, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Daniel Fernando, at si Eddie Garcia.

May cameo role sa pelikula ang Superstar na si Nora Aunor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN