Manny Pacquiao will not retire from boxing yet

“Kaya ko naman mag-concentrate sa boxing at basketball,” says Manny Pacquiao about juggling his time between the two sports.


Tuloy ang pagbo-boxing para kay Manny Pacquiao sa kabila ng kanyang bagong career bilang coach ng bagong team sa Philipppine Basketball Association (PBA).

Nakatakdang lumaban si Manny Pacquiao sa American boxer na si Chris Algeri sa Nobyembre, sa Cotai Arena ng Venetian Macao, sa Macau, China.

Bago ito, sasabak sa unang pagkakataon bilang basketball coach ng Kia Motors si Pacquiao sa pagbubukas ng 40thseason ng PBA sa October.

Kampante ang tinaguriang Pinoy Boxing Champ na kaya niyang pagsabayin ang dalawang trabaho kaya hindi siya hihinto sa pagbo-boxing.

Katuwiran pa ni Manny, “Naku, kapag natuloy tayo [sa retirement], wala ng magre-represent sa bansa natin.

“Gusto ko pang ipagpatuloy ang pagbo-boxing ko.”

Diin pa niya, “Kaya ko naman mag-concentrate sa boxing at basketball.”

Sa Setyembre nakatakdang dumating ang boxing coach ni Pacquiao na si Freddie Roach. Ito na rin daw ang magiging simula ng kanilang puspusang ensayo para sa laban nila ni Algeri.

Ayon sa ulat ng SPIN.ph, hihilingin ni Coach Roach na gawin ang ensayo nila sa General Santos City para hindi mahati ang atensyon niya sa basketball.

Read: Kia scheduling conflict seen as Freddie Roach demands GenSan training for Pacquiao

Pagdating naman sa basketball, dahil sumali rin si Pacquiao sa draft pool ng PBA, halos araw-araw raw ang paglalaro niya ng basketball.

Bukod sa boxing at basketball, abala rin si Manny sa kanyang tungkulin bilang representative ng Saranggani province.

Lahat ng ito ay kaya raw ni Manny, “Time management lang,” kampante niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN