Anne Curtis not ready to settle down: "Siguro, three or four more years, I’ll be ready."

Anne Curtis on possibility of getting fat: "It doesn’t really scare me. If I can maintain my body now, better. But if not, okay lang din."


"Huwag muna, huwag muna!"

Ito ang bulalas ni Anne Curtis nang tanungin kung payag ba siyang alukin na ng kasal ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff.

Apat na taon na silang magkarelasyon.

Ang tanong na ito ay nagbunga mula sa pagpu-propose on national television ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa kanyang girlfriend na si Marian Rivera noong Sabado, August 9.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

Patuloy ng 29-year-old Kapamilya actress, "Siguro, three or four more years, I’ll be ready.

"Sa ngayon, ayoko ko munang mag-isip, kasi paano kung hindi, ’di ba? Siyempre, masakit.

"So, I’d rather not have my hope side... sana, sana. Yun na lang, ’di ba?

"Basta, after four years, then, when I’m ready, why not?"

Para kay Anne, nasa tamang edad na si Marian para mag-asawa sa gitna ng kasikatan nito bilang artista.

Trenta anyos na rin si Marian, na nag-celebrate ng kanyang birthday nito lamang August 12.

Saad ni Anne, "It’s a perfect age [for marriage]... perfect age na talaga yun.

“But here kasi, it’s different sa ating industry.

"You don’t become a leading-lady material once you are a wife, unlike sa States, ’di ba?

"Like, si Angelina Jolie, she can still...

"’Pag wife ka na, puwede ka nang mommy role, and it’s very rare, and I don’t understand that, actually."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Anne sa presscon ng pelikulang The Gifted, sa The Library Metrowalk, sa Pasig City, noong August 11.



LEADING LADIES. Ibig bang sabihin nito ay maaapektuhan ang career ni Marian kapag nakasal na ito kay Dingdong?

Diin ni Anne, "No, not at all!

"I just think, in general, dito sa Philippines.

“But there’s also a very rare case. Like, si Jodi Sta. Maria, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, maybe slowly ay nagiging open na ang mga tao.

“Kasi, ’di ba, ang Filipino viewers natin, kung ano ka sa TV, they think na ikaw na yun sa totoong buhay, ’di ba?

"I think, slowly, nagiging open na sila at nag-iiba na ang isip ng tao.

"Okay na, na kahit mommy ka na o kasal ka na, they still get leading-lady roles.

"And, Jodi Sta. Maria is a proof of that."

Dahil wala pa silang planong magpakasal ni Erwan, naging curious ang entertainment press kung ano ang magiging reaksiyon niya kung aksidente siyang mabuntis ni Erwan. Paano niya ito tatanggapin?

Sabi ni Anne, "It’s something that, if I have a choice, siyempre, mas gusto ko pa rin na I’m married [bago mabuntis].

"But if it happens by an accident, it’s not an issue."



FAT GIRL. Samantala, napag-usapan ang tungkol sa role ni Anne sa The Gifted bilang isang matabang babae na naging sexy kinalaunan.

Paano siya naka-relate sa role na ito gayong hindi siya naging mataba sa buong buhay niya?

Nangingiting sagot ng Viva contract star, "Alam mo, natuwa ako nang makita ko ang sarili ko.

"Parang may kaba... hinihintay mo kasi kung ano ang magiging hitsura mo, e.

"Nang makakabit na yung fat suit, nagulat ako na parang, ’Wow, heto pala ang hitsura ko ’pag tumanda at tumaba ako!’

"Sabi ko, ‘Heto kaya ang hitsura ko after four kids?’ Who knows?

"Pero, nakakatawa."

Nakakatakot o nakakakaba ba na baka mangyari ito sa kanya sa mga susunod na taon?

Natatawa pa ring sabi ni Anne, "At least, bagay! So, it doesn’t really scare me.

"If I can maintain my body now, better. But if not, okay lang din.

"Sobra lang ang talagang init na parang nagbabago na ang ugali ko dahil sa init, but it was fun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Erwan nga raw ay natatawa rin sa hitsura niyang mala-Dabiana sa laki.

Ang “Dabiana” ay ang bansag sa showbiz patungkol sa isang sobrang mataba na babae. Ito ay halaw sa isang comics character na isinulat ni Ed Plaza noong 1970s sa Hiwaga Komiks na ginawang pelikula.

Natatawang rebelasyon ni Anne, "’Coz he’s the fat kid inside?

"He used to be very big, he was around 300 [pounds] before, but he lost the whole person.

"Kaya nakaka-relate siya. Natatawa lang siya sa hitsura ko.

"So, yun, ask ko nga sa kanya, ’Would you still love me?’

"Oo naman daw, cute naman daw ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN