Ryan Agoncillo wishes the best for Robin Padilla and Mariel Rodriguez in hosting Talentadong Pinoy

Conflict sa schedule ang dahilan kaya hindi na tinanggap ni Ryan Agoncillo ang paghu-host muli ng Talentadong Pinoy ng TV5. Hangad naman nito ang tagumpay ng show na ihu-host ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.


Sa bagong season ng Talentadong Pinoy ng TV5, sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na ang maghu-host nito.

Pero bago sila, si Ryan Agoncillo ang naging host nito sa loob ng limang taon.

Ano ang masasabi ni Ryan tungkol sa pagpasok nina Robin at Mariel sa show na dati niyang hinu-host?

Tugon niya, “I wish them the best.

“It’s been several days that my former staff has been texting me, pati yung mga guest judges, they’ve been texting…

“I wish them the best.

"Sabi nga nila, nami-miss nila ako…pero ako, ang text ko lagi sa kanila is, ’I hope you enjoy the show as much as we did before and... baby nating lahat ‘yan e.’

“Para lang ‘yan nagbibinata ngayon, so ibang mga dabarkads muna ang kasama. So, I wish them the best.

"Ako, feeling ko, basta alagaan nila ang Talentadong Pinoy, aalagaan sila ng mga talentadong Pinoy.”

Hindi na nag-renew si Ryan sa show dahil sa conflict ng mga nauna nitong natanguang schedule.

Bukod pa rito, ang gusto raw sana niya ay mga dating kasamahan sa show ang kanyang muling makakasama.

Isa rin kaya sa mga dahilan ang pagdating ng GMA comedy series na Ismol Family, kaya hindi na niya tinanggap ang hosting job sa naturang talent search ng Kapatid network?

Sagot ni Ryan, “Well, partly yes… hindi naman because of Ismol Family tinanggihan ko…

"I would have wanted na sabay sana, but it was just not possible because of the schedule of Rich Ilustre [former Talentadong Pinoy director].

“Gusto sana namin kasi na yung mga orig na gumawa… gusto sana naming...

"Ako, si Perci [Intalan, former TV5 executive], si Paolo Bustamante [headwriter], si Rich Ilustre, and down the line, magkakasama kami.

"Kasi yung pamilya naman na yun, nabuo yun more than ten years ago sa Philippine Idol pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Unang-una, may timeline yung Channel 5.

"We couldn’t meet their timeline, and understandably, siyempre negosyo nila yun. They have to put it out right away.

“Pangalawa, si Rich naman, may mga tinanguan na rin na mga commitments.

"Ako din, ito, may Ismol Family ako and I do Eat Bulaga! every day.

"So, it would have been hard to try and meet the schedule and to manage Talentadong Pinoy and launch it right away.

“We wanted sana a little more time—maybe later this year or early next year—but it’s not possible.

"So, kami rin, we decided, ’Okay, hindi rin tayo magkakasama, gawin muna natin yung mga dapat nating gawin.’

"And then, sana, hopefully, we can work with Channel 5 again in the future whether it’s Talentadong Pinoy or some other show, ‘di ba?”

Naging maayos din daw ang transition dahil naglaan ng oras ang kampo ni Robin upang magpasabi sa kanya bago tanggapin ang Talentadong Pinoy.

Saad ni Ryan, “Ano naman e, this time, maganda yung pag-uusap, walang ano… walang samaan ng loob.

“It was very amicable and clean, even the inclusion of Robin…

"I spoke to Noel [Ferrer, Ryan’s manager] and tinawagan daw sila ni Bechay [Vidanes, Robin’s manager].”

Dagdag niya, “Well, I appreciate all the efforts for clean transition and what I wish for them is really the best kasi…

"Now, I’m excited to watch it, see what it turns out to be."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ryan sa set visit ng Ismol Family ng GMA, noong Martes, August 12, sa Commonwealth, Quezon City.

View: SET VISIT: Ismol Family



ON MATTEO AND SARAH. Isa sa mga malalapit na kaibigan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli si Ryan at ang asawa nitong si Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga panahong nagkakasama ang apat sa sports events katulad ng triathlon kung saan parehong sumasali sina Ryan at Matteo.

May alam kaya siya sa sinasabing tampuhan nina Sarah at Matteo dahil sa hindi raw ng Pop Princess sa triathlon competition ng actor-athelete sa Cebu?

Natatawang sagot ni Ryan, “Malay ko sa mga batang yun!

"Hindi siguro, mukhang wala namang isyu.

“Wala naman, wala naman akong nababalitaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN