Nadine Lustre reveals true feelings for James Reid: "I’m not sure, but I like him."

Nadine Lustre on seeing James Reid topless: "I’m getting used to it na! Before, parang... ngayon, okay na. Well, there’s no denying naman po na he’s really hot! But, I think, I really gone used to it na. Kasi ilang mall shows na rin na magkasama kami, so..."


Hindi raw apektado si Nadine Lustre kung sakali mang sinasabi ng karamihan na mas sikat sa kanya ang ka-loveteam niyang si James Reid.

Nabuo ang "JaDine" loveteam nang gawin nila ang surprise hit na Diary ng Panget, at ipinagpapatuloy ito sa bagong pelikula ng Viva Films at SkyLight Films, ang Talk Back and You’re Dead.

Pahayag ng tinaguriang Viva Princess sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Para sa akin, James is my ka-loveteam.

"Kung mas nakakataas siya, I don’t mind, kasi… how would I say this?

"Kasi, gusto ko ring mag-grow siya ’coz ’pag nasa loveteam ka, you help each other growing, binubuhat niyo ang isa’t isa.

"So, I’m really happy that he’s getting a lot of endorsements right now… actually ang dami.

"I’m happy for him."

Sa puntong ito ng kanyang career, sa tingin ba ni Nadine ay nakasalalay ito sa combined efforts nila ni James, o may conscious effort din siyang tutukan ang sarili niyang career?

Sagot ng 20-year-old actress, "Meron din po. Like, meron na rin po akong solo album.

"So, parang kahit papaano, kahit ongoing ang loveteam namin ni James, meron akong inaalagaan na para sa akin lang.

"And, I hope, it will turn out really great."

Dagdag ni Nadine, “I always tell Boss Vic [del Rosario, big boss of Viva], like, if there’s a movie na gagawin ko na mag-isa, gusto ko talaga ang action.

"There’s something in action films that... ’tulad dito sa Talk Back, there’s one scene na parang, ‘O, sige, sakay ka na sa motorcycle with your double.’

"Sabi ko, ’Di ba puwede ’wag nang may double, ako na lang?’

"I don’t know, I like the feeling of the adrenaline rush, yung daredevil thing, at pagka-dauntless ko."



TOPLESS JAMES. Sa mall shows, mahilig mag-topless si James upang ipakita ang kanyang abs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang onscreen partner at nali-link pa sa kanya, hindi ba ito nagiging dahilan para magselos siya?

Sabi ni Nadine, "No naman, kasi I don’t think about it.

"James is really a good friend of mine and we’re really close.

"And, maybe, I was trained na parang huwag muna, ganun.

"I don’t know… Ayoko magbigay ng opinyon, kasi baka magkamali.

"Ayokong mag-assume na parang... yun!"

Sa parte ni Nadine, kapag nakita niyang nakahubad si James, ano ang pakiramdam niya?

Naiilang ba siya o “nag-e-enjoy” rin siya

Natatawang tugon ng Viva contract star, "I’m getting used to it na!

"Before, parang... ngayon, okay na.

"Well, there’s no denying naman po na he’s really hot!

"But, I think, I really gone used to it na. Kasi ilang mall shows na rin na magkasama kami, so..."

Dumating na ba sa point na pabiro siyang tinutukso ni James at naghuhubad ito sa harap niya?

Muling natawa si Nadine sabay sabing, "Si James kasi, mahiyain kasi siya, e.

"I don’t know, I don’t know…

"Hindi naman siya naghuhubad in expressing himself—not in that way.

"Ako kasi, I’m really holding back.

“Ako kasi yung who falls in love so easy.

"I’ve been... parang nangyari na kasi dati ’yan, at palagi akong nasasaktan."

Ibig bang sabihin nito ay nai-in love na siya sa kanyang screen partner?

Sagot ni Nadine, "I’m not sure, but I like him.

"It’s like, kung ano siguro… it depends.

"I think we both admire each other."

Tungkol naman sa intrigang nagbago na raw si James, ipinagtanggol ni Nadine ang kapareha.

Aniya, "No, hindi naman po.

"Usually, the people in showbiz, like, yung kung sino ang merong projects, always ang sinasabi nila, ’Uy, yumabang na ’yan, ganyan-ganyan.’

"It’s rare naman, pero I don’t think nagbago na [si James].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahiyain lang talaga siya and I feel that he’s still grounded.

"I think nagpaliwanag na siya tungkol sa isyung ’yan and we just believe him na lang din."



JOSEPH MARCO. Kasama rin nina Nadine at James sa Talk Back and You’re Dead ang Kapamilya actor na si Joseph Marco.

Kumusta namang katrabaho si Joseph?

Ayon kay Nadine, "Joseph is really nice.

"Actually, parang love triangle kami rito.

"Iba ang character dito ni Joseph at he’s a good actor.

"Yummy din siya, pero the movie was made for that, nakaka-excite po talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN