James Reid on comparison with Daniel Padilla: “I’m flattered, really.”

Ayon kay James Reid, hindi naman siya umalis ng ABS-CBN upang lumipat sa Viva Entertainment kundi sadyang nawalan lang siya ng gana noon sa showbiz.


Mas sexy at daring na James Reid daw ang mapapanood sa bago niyang pelikulang Talk Back and You’re Dead.

Sabi ng 21-year-old singer-actor, “Mas daring yung role na ‘to. Mas daring.”

Gaano ka-daring?

“I have a lot of topless scenes, mas marami dito kaysa Diary ng Panget."

Kahit marami ang nagguguwapuhan at naseseksihan sa kanya, may ilan pa rin siyang natatanggap na negative comments.

Biro ni James, “Meron bang negative? I can’t please everyone.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si James sa presscon ng "The Lucky 13," ang 13 hotties na kabilang sa pelikulang Talk Back and You’re Dead, kaninang tanghali, August 14.

Ginanap ang presscon sa The Library, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

Bukod kay James, kasama rin sa The Lucky 13 sina Joseph Marco, Josh Padilla, Aki Torio, Cliff Hogan, Bret Jackson, Billy Villeta, Kiko Ramos, Arkin del Rosario, King Certeza, Clard Merced, Carlo Lazerna, at Ryan Kevin.

ON COMPARISON WITH DANIEL PADILLA. Sa popularidad na tinatamasa ni James, ikinukumpara siya ngayon sa tinaguriang "Teen King" na si Daniel Padilla.

Ano ang masasabi ng Viva heartthrob tungkol dito?

Saad niya, “I used to know Daniel back when I was in ABS-CBN… I’m flattered, really.”

Sabi naman ng iba, lamang lang daw si James sa ganda ng hubog ng katawan nito.

Nakangiti niyang tugon, “A, siguro. I really worked hard to keep fit, diet, gym, and everything.”

FROM ABS-CBN TO VIVA. Masasabing homegrown talent ng ABS-CBN si James.

Produkto siya ng Pinoy Big Brother Teen Clash 2010, kung saan siya ang itinanghal na Big Winner.

Pero matapos ang ilang proyekto ay hindi na naging aktibo sa showbiz si James.

Muling uminit ang kanyang pangalan nang maging surprise hit ang launching movie nila ni Nadine Lustre, ang Diary Ng Panget, early this year.

Masasabi ba niyang good move ang paglipat niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni James, “I didn’t leave ABS for Viva.

“I really don’t want showbiz back then.

"So, ABS just let me go."

Pero matapos ang tagumpay ng Diary ng Panget, nagustuhan na raw ng Fil-Aussie actor-singer ang pag-arte kaya nakikita niya ang sarili sa marami pang pelikula.

Ano ang mga binabago niya sa sarili ngayong sikat na siya

Sagot ni James, “I’m taking care of my image more because I’m under public scrutiny all the time, so I try my best to be a role model.”

Ngayong malapit nang magtapos ang PBB All In, ano kaya ang payo niya sa mga natitirang housemates sa Bahay ni Kuya?

Tugon ni James, “Be yourself.

"I really forgot the cameras when I was there. I was just being myself, I’m being real.

"Dream big."

Napag-usapan din ang tungkol sa indecent proposals, pero natatawang sagot ni James dito, “Wala talaga, walang may gusto sa akin, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN