Jeric Gonzales all set for Cosmo Bachelor Bash

Jeric Gonzales is out to prove himself worthy of the Cosmo Bachelor Bash experience.


Handa na raw rumampa ang Kapuso young actor na si Jeric Gonzales para sa Cosmo Bachelor Bash 2014, na gagawin sa September 24.

Unang pagkakataon niya raw itong mapasali sa taunang event ng Cosmopolitan magazine, kaya puspusan ang kanyang pagwu-workout para hindi raw siya mapahiya sa mga manonood at makayang makipagsabayan sa ibang lalaking modelo na matitipuno ang mga katawan.

Ipinagmalaki ni Jeric ang malaking pagbabago sa kanyang katawan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa treat ng GMA Artist Center para sa contract stars nilang nagse-celebrate ng kanilang birthdays ngayong August.

Sa Function Hall ng Marikina Public Market ginanap ang nasabing selebrasyon, kasama ang ilang Marikina employees na binigyan nila ng mga kapote, noong August 12.

Ilang packs na ba meron ang kanyang abs?

Natatawang tugon ni Jeric, "Meron naman, pero hindi pa siya ganun ka-visible.

"Kumbaga, kulang pa sa workout, ganun.

"Pero tina-try kong ma-achieve kung ano man ang gusto kong maabot."

Ayon pa sa Protégé alumnus, "Actually, yung pictorial [para sa Cosmo], tapos na nung June.

"Pero yung live ramp, by September pa.

"Excited ako kasi nakikita ko na yung progress sa katawan ko.

"Sobrang hirap naman talaga ng training at diet, kaya natutuwa ako na kahit papaano ay gumaganda na at nagiging fit.

"Nagiging ready na para sa September."

FIT TO STRUT. Dahil napag-usapan ang tungkol sa kanyang pagrampa, inusisa namin kay Jeric, bukod sa kanyang matipunong katawan, ano pa ang kaabang-abang na ipamamalas niya?

Sa mga nakaraang Cosmo Bachelor Bash, iba’t ibang gimik ang ginagawa ng mga male stars at modelo para mas kaasam-asam ang kanilang pagrampa.

Mayroong naglilihis ng kanilang underwear para kunwari’y ipakita ang kanilang puwet, mayroong nagbubukas ng kanilang button flies na akala ng lahat ay magpapasilip ng kanilang private parts, at kung anu-ano pa.

Nakangiting sabi niya, "Yun nga ang iniisip namin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinaghahandaan na namin ng trainor ko, kasi meron nga raw gimik.

"Sa ngayon, nag-iisip pa sila, pero paghahandaan talaga namin yun, kung ano man yun.

"Siguro ako hindi naman ganun [ka-daring], kasi first time ko nga.

"Siguro, ipapakita ko lang yung sexy part ng katawan ko."

ALL WORK. Para ba sa kanya, nakakadagdag sa kanyang paglalaki ang makitang rumarampa sa harap ng maraming babae, lalaki at mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community?

Paliwanag ni Jeric, "Siguro, dahil na rin sa age at maturity.

"Sa stage ko ngayon, yung katawan ko ay nade-develop na rin kasi.

"At sa akin, it’s still part ng trabaho ko, kaya okay lang ako.

"Yeah, I think for some, nakaka-brusko ang dating.

"Pero ako kasi, ang tingin ko diyan is more of work, e.

"Nakaka-excite dahil marami ang manonood at marami ang makakakita kung paano nagbago ang katawan mo, ganun siguro.

"Kaya nga, bukod sa work out, diet ako at exercise lagi."

Paano kung pagkatapos niyang rumampa ay makatanggap siya ng indecent proposal sa isa sa mga manonood? Ano ang magiging reaksiyon niya?

Diretsahang sagot niya, "Hindi talaga ako tumatanggap ng mga ganun, e.

"Siguro, magpapasalamat na lang dahil na-appreciate nila ako.

"We can be friends na lang, siguro.

"Para sa akin, it’s one way of gaining opportunities din sa career ko, kasi nakita nila ako noon sa Protegé na mataba ako.

"’Tapos ngayon, malaki na ang pagbabago .

"So magandang venue yun para sa anumang roles or endorsements na fit para sa akin."

Ipinaalala namin kay Jeric na isa sa reklamo ni Aljur Abrenica ay ang parati raw ipinapakita ang kanyang katawan sa mga papel na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Hindi siya mag-a-ala Aljur?

Muling natatawang sagot niya, "Hindi naman siguro mangyayari yun sa akin.

"Kasi, sobra ang laki ng utang na loob ko sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman akalain na magiging artista ako dahil pagka-graduate ko ng Nursing, sumali ako sa contest nila at ako ang nanalo.

"Never sigurong mangyayari yun, lalo na ngayon alam kong hindi nila ako pinababayaan.

"Lalo na ngayon na katatapos pa lang namin ng storycon para sa gagawin naming show ni Kim Rodriguez.

"I don’t think na gagawin ko yung ginawa ni Aljur."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN