Gretchen Barretto set to play mistress in a movie: "Wala na akong kinatatakutan... I can accept any role I want to play."

Natuwa si Gretchen Barretto nang sabihin sa kanya ng Star Cinema na gaganap siyang mistress sa isa sa magiging upcoming projects niya. Sambit daw ng aktress, "Ay, perfect... hindi na kailangang mag-emote!"


Gaganap na mistress si Gretchen Barretto sa isa sa mga nakalinyang movie projects niya.

Binanggit ito ng aktres sa contract-signing niya with Star Cinema kahapon, August 14.

“I read the book already, Etiquette of Mistresses, and I realized na mas marami pala ang mistresses kesa sa mga may asawa. That is fact, and it’s a reality [whether] we want to accept it or not," aniya sabay tawa.

Patuloy na kuwento ni Gretchen, "It’s very challenging, and I trust Chito Roño, my director.

"So pinag-uusapan namin ngayon kung anong gagawin namin, kung paano namin ia-attack every role.

"Hindi ko lang puwedeng sabihin sa inyo kung sino pa yung kasama sa pelikula but you will be very excited.

"Masaya akong kinukuwento sa inyo ito kasi, at least, we have something to look forward to early next year, ’di ba?"

Nang una raw sabihin sa kanya ang tungkol sa role, napapalakpak daw si Gretchen at sinabing, "Ay, perfect!"

Maging siya raw ay interesado sa buhay ng mga babaeng nakikiapid sa may asawa.

Habang nakatawa, aniya, "Sabi ko, hindi na kailangang mag-emote.

"Everybody is curious kung ano ang buhay ng isang kabit, kung ano’ng buhay ng isang mistress.

"Maraming labels ang tawag sa kanila—may kabit, may mistress, mayroong kulasisi, ewan ko kung ano pa yung tawag nila.

"And I am curious also, kasi iba-iba ang buhay ng mga ’yan so maganda yung makikita ninyo kung anong buhay meron sila.”

Paano kung putaktihin siya ng kritisismo sa Internet at social media, kung saan may mga bashers na ang tingin sa kanya ay ganun?

Ang mabilis na sagot ni Gretchen, “Alam mo at age 44, marami na akong pinagdaanan sa buhay. I feel like I have been free.

"Wala na akong maitatago sa buhay ko, marami na kayong alam sa buhay ko.

"Wala na akong kinatatakutan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right now, I can be myself, I can accept any role I want to play. I can just give you my best.

"Hindi na ako natatakot na baka i-bash ako. Alam mo, marami nang nag-bash sa akin. Nagtataka ako bakit buhay pa ako?

"Parang feeling ko, pag bina-bash ako, lalong nabubuhay ang career ko, lalo akong nabubuhayan ng loob."

Saka niya ibinahagi ang sabi sa kanya ng longtime partner na si Tonyboy Cojuangco, na ama ng kanyang unica hija na si Dominique.

"Sabi nga ni Tonyboy sa akin, ’Ang punong mabunga, binabato!’

"So I guess mabunga ako kasi nga binabato ako, so I welcome that!

"I welcome criticism, bashing or whatever you call it, I welcome it!

"I promise you, the more you bash me, I will give you better projects and, hopefully, awards.”

REQUIREMENTS IN A PROJECT. Bukod pa rito, nakatakda rin siyang makasama si John Lloyd Cruz sa isang pelikula.

Natutuwa raw si La GReata (tawag din sa aktres) sa tuwing may project offer.

At ang goal daw niya: makapag-iwan ng marka sa mga manonood.

“Yes, kasi I am looking forward to every project that I do. Ayaw kong gumawa ng gumawa ng isang proyekto or maraming proyekto na wala namang kabuluhan.

"Gusto ko tuwing gumagawa ako ng proyekto, meron akong naibibigay sa mga manonood na talagang magandang project na many years down the road na maalala nila na ang ganda ng proyektong ito.

"Maalala nila, kahit saan ako pumunta, parati nilang binabanggit yung Magkaribal at Princess And I na sana meron daw sa bansa kung saan nandun sila.

"And that’s how I wanted to be in every project.”

Sa panghuli, tinanong namin kung ano ang nagpapasaya sa kanya. Kapansin-pansin kasi ang kanyang positive aura.

Sagot niya, “First of all, I really have no reason not to be happy. I have been blessed so much. I have my Tony, I have my Dominique, I have a good career. I have people who love me. I can go on and on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can also sit down here and count the many things I don’t yet have but I choose to be happy, that’s the path I choose that’s why I’m happy.

"So I thank God for all the blessings.

"Siyempre, problems will always comes our way, and I can say I welcome it simply because I have faith in God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN