Shaina Magdayao on being courted again by Sam Milby: "Dahil siya ang lalaki, siya na lang ang tanungin ninyo."

For Shaina Magdayao, signing another two-year contract with ABS-CBN is like a renewal of vows: "Pang-ilan ko nang kontrata ito... ang dami na. I’m very much grateful and ang kapalit nun ay ang loyalty ko to the network."


Pagkatapos ang panlalamig ng mga balita tungkol sa ’di pa inaaming relasyon nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual, usap-usapan naman ngayong madalas daw nakikitang magkasama ang young actress at si Sam Milby.

Bago pa man pumutok ang sinasabing espesyal na relasyong namagitan kina Piolo at Shaina, nauna nang nabalita ang panliligaw ni Sam sa nakababatang kapatid ni Vina Morales.

Ngunit sa hindi malinaw na dahilan ay bigla na lang nawala sa eskena ang Fil-American actor-singer.

Sa contract signing ni Shaina, kasama ang ibang Star Magic artists, sa ABS-CBN noong Miyerkules, August 13, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nababalitang panliligaw muli sa kanya ni Sam.

Sagot niya, “Mas maganda siguro na dahil siya ang lalaki, siya na lang ang tanungin ninyo.

"Ganun pa rin naman, siguro mas nagsasama lang kami, nagkikita lang kami lately, kasi katatapos lang ng work niya.

"Ako naman, I’m only about to start, so ’di pa masyadong busy.

"But he’s always a good friend naman, yeah, we go out with friends."

May pag-asa ba si Sam kung itutuloy nito ang panliligaw sa kanya?

Sabi ni Shaina, “Alam ninyo, I’m not really closing my doors.

"I won’t say no hangga’t di ko siguro masyadong kilala yung tao.

"Pero ’di ako definitely nagmamadali. Ngayon, nag-e-enjoy ako.

“Mabait siyang kaibigan. He seems very honest and sincere.

"This year kasi, sabi ko, medyo if darating, darating.

"Nung sinabi ko sa inyo na ready na ako, totoo, I’m ready na to see other people so.

"Yes, now I’m meeting new people—showbiz and non-showbiz."

Boyfriend-material ba si Sam?

"Is he boyfriend-material? Oo naman, mabait naman si Sam."

PIOLO PASCUAL. Isa sa kasabay ni Shaina na pumirma muli ng kontrata sa ABS-CBN ay si Piolo.

Kumusta na silang dalawa?

Sagot ng dalaga, “Ganun pa rin, it’s just that he’s very busy with his work kaya siguro ’di kami masyadong nagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun pa rin, maliit ang industriya, you shouldn’t burn bridges."

STILL A KAPAMILYA. Itinuturing ni Shaina na "renewal of vows" ang muli niyang pagpirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN.

Sabi pa niya, "Very, very soon magkakaroon na tayo ng soap opera... yun pa lang puwede kong sabihin.

“Kanina nga iniisip ko kung pang-ilan ko nang kontrata ito with ABS-CBN, ang dami na… it felt like renewal of vows.

"Sabi ko nga kay Ma’am Charo, parang renewal of vows ko ito uli.

"Another two years with ABS-CBN of course I am very, very happy.

"Kahit ang daming bagong artista ngayon, binibigyan pa rin nila kami ng importansiya.

"With that I’m very much grateful and ang kapalit nun ay ang loyalty ko to the network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN