Dingdong Dantes denies political motive behind proposal and wedding to Marian Rivera

Marian Rivera on Dingdong Dantes’s proposal to her: “Yun ang isa sa pinakamahalaga sa isang babae, e—ang yayain ka magpakasal ng isang lalaking pinakamamahal mo at gusto mong makasama habambuhay. At ibinigay sa akin ni Dong yun.”


Nagsalita si Dingdong Dantes tungkol sa usap-usapang isinapubliko niya ang kanyang proposal at nalalapit na pagpapakasal kay Marian Rivera dahil preparasyon daw ito sa pagsabak niya sa pulitika.

Reaksiyon ng Kapuso actor tungkol dito, “I think that’s pretty unfair judgment.

“Pero sa akin lang naman, ibinabalik lang namin ito.

“Like what we’ve said, everyone has been part of our love story.

“May option din naman talaga kami to really keep this private, but hindi namin mede-deny ang fact that we both started in GMA. Nagkakilala kami dahil sa isang TV show [Marimar].

“Lahat ng tao who supported us from the start until now, especially ang aming friends from the press, you were with us in all of our milestones together.

“Itong pag-iisang dibdib namin, we also consider this as an event that will be really memorable sa amin.

“Kumbaga sa milestone, pinakamatindi para sa aming dalawa.”

Dagdag niya, “And after this, ang buhay naman namin together will definitely be private.

“But in celebrations, in occasions like this, I think it’s just right to invite our dear friends, mga taong naging bahagi talaga ng samahan namin.”

Wala pa raw sa isip ni Dingdong ang pagsabak sa pulitika.

Sabi niya, “As of now, wala talaga.

“Sobrang dami naman ng aking responsibilidad, especially in my soon-to-be-husband thing.

“So, ’andun muna ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dingdong at ang kanyang fiancée na si Marian Rivera sa isang presscon na ipinatawag ng GMA Network kaninang tanghali, August 15.



THE SECOND PROPOSAL. Matatandaang noong Sabado, August 9, sa programa ni Marian ay nag-propose muli ng kasal si Dingdong sa aktres.

Ito ang ikalawang proposal ni Dingdong kay Marian, dahil ang una ay naganap noong August 2012 sa Macau.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Marian, hindi niya akalaing magpu-propose ulit ng kasal sa kanya si Dingdong dahil ang alam niya ay ia-announce lang nila na engaged na sila.

Lahad ng Kapuso Primetime Queen, “Kasi, ang buong akala ko talaga, may surprise sa akin ang Marian bilang birthday celebration ko yun.

“Ang alam ko lang, sabi ni Dong sa akin, mag-a-announce kami.

“So, ako naman, hintay-hintay ako.

“Pinahawak ko pa nga yung singsing ko kay Paolo [Ballesteros]. Sabi ko, ‘O, abot mo sa akin ‘pag mag-a-announce na kami.’

“Nagulat na lang ako, sabi ko, ‘Bakit ganito yung proseso, parang naiiba?’

“Hanggang finally, parang nagsalita na si Dong, lumuhod na sa akin si Dong, sinabi niya yung mga gusto niyang sabihin sa akin.

“Halu-halo talaga yung emotion ko!

“Kasi, can you imagine, ini-expect mo na ganito ang mangyayari, pero iba yung nangyari.

“So, nag-propose ulit siya sa akin, so lutang talaga… lutang, masaya, kinikilig…

“Siguro kung may definition ng luka-luka, nung araw na iyon, yun ang emotion ko!

“Iba-iba, e—masaya, kinilig, umiyak… So, yun.

“Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam!”

Dagdag ni Marian, “Yun ang isa sa pinakamahalaga sa isang babae, e—ang yayain ka magpakasal ng isang lalaking pinakamamahal mo at gusto mong makasama habambuhay.

“At ibinigay sa akin ni Dong yun.”

Si Dingdong naman daw ay hindi nakatulog noong gabi bago niya gawin ang kanyang second proposal.

Saad ng Kapuso Primetime King, “Hindi ko alam what to feel.

“It was like doing it for the first time again.

“Pero this time, it was bigger and, I would believe, much more special, dahil nandun na yung parents niya at saka nandun yung mga friends niya.

“Ang ipinagdadasal ko talaga, sana magawa ko nang maayos at masabi ko yung mga kailangan kong sabihin.

“At hindi na maulit yung nangyari nung unang beses.

“Napakinggan naman ako, and yun naman ang mahalaga sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi naman si Dingdong na kumpirmahin ang balitang P4 million daw ang halaga ng engagement ring na ibinigay niya kay Marian.

Pahayag niya, "Tingin ko, ang pinakamahalaga talaga, yung intensiyon kung bakit mo ibinigay, kung ano yung nasa puso at damdamin sa panahon na iyon.

"Pasensiya na po, pero hindi ko po masasagot iyan."



INVITED GUESTS. Tinanong naman si Marian kung iimbitahan ba niya sa kasal nila ni Dingdong ang ilang mga tao na nakaalitan niya noon.

Pabirong sagot niya, “Gusto mo invite ko? Okay din sa akin. Invite natin lahat. Para happy lang!”

Pero seryosong dugtong ni Marian, “Sa buhay siguro ngayon, mag-iiba talaga ang buhay ng single sa may asawa.

“Kasi ‘pag nagwa-one-on-one kami ni Mama, sinasabi niya, ‘Anak, kapag may asawa na, iba na ang lahat.’

“Siguro yung mga ganyang kiyeme-kiyeme na kung anumang hindi magandang ganap, baka ihihiwalay ko na sa buhay ko.

“Sila nga ang nagsasabi, mismo si Ms. Jessica Soho na, ‘Ikaw na, ang haba ng hair mo!’

“So, walang space para sa akin sa mga ganyang maliliit at ‘di magagandang nangyayari.”

Dagdag pa niya, “Well, why not? Tingnan natin…”

Naging emosyunal naman si Marian nang mabanggit ang pangalan ng kanyang dating manager na si Popoy Caritativo.

Iimbitahan ba niya ito?

Mabilis na sagot ng aktres, “Oo naman!

“To be honest din, nagkita kami sa Cinemalaya.

“Siguro hindi pa rin siguro siya handa na magkita kaming dalawa. Pero happy ako na nakita ko siya.

“Nakita ko yung mommy niya, nilapitan ko.

“Siguro, in time, balang-araw din.

“Pero hindi naman ako nagkukulang sa mga bagay at mga kaarawan niya na hindi ko siya naaalala.

“Naaalala ko siya, mahalaga siya sa akin, malaki ang nagawa niya sa akin…

"’Yan, ayokong umiyak... mahal ko siya,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.



CHANGES AFTER THE WEDDING. Ano ang plano nina Marian at Dingdong pagkatapos ng kanilang kasal sa December 30, 2014? Magbabakasyon muna ba sila o sasabak na sila agad sa trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Marian, “Yung plano, ang inaasikaso talaga namin ngayon, yung plano talaga sa kasal.

“Ultimo yung gown ko, hindi ko pa talaga alam.

“Meron lang akong sapatos na nabili. Pero yun lang.

“Depende… Kung sakali mang after the wedding, mag-honeymoon kami, may mabuo… yun, ibang plano yun.

“After the wedding, kung ano man ang mangyari, trabaho ulit.

“Depende sa mangyayari kung makakabuo ba agad kami [ng anak]… pero sana makabuo!”

Magkakaroon na ba ng limitasyon si Marian sa kanyang career pagkatapos niyang ikasal?

Sabi niya, “Well, ayoko naman pong sabihing limitasyon, pero nandiyan po ang Triple A family ko para i-guide ako.

“Siguro ayoko naman sabihin na walang magbabago. Kahit papa’no, may magbabago.

“Kasi bilang magkakaroon ka na ng asawa, dapat alam mo yung mga bagay na dapat mong gawin sa hindi mo dapat gawin.”

Ano naman sa palagay nina Dingdong at Marian ang magiging epekto ng pagpapakasal nila sa kani-kanilang career?

Saad ni Dingdong, “With regards to that, I think, yung passion naman namin sa aming gagawin, especially sa pag-arte, hindi naman mawawala ‘yan, e.

“It will just take some time for us to reevaluate kung kailan babalik, especially after the wedding.

“Lahat naman ‘yan, e, may tiwala kami sa our managers behind us—ang Triple A and PPL, as managed too by GMA.

“Kaya siyempre, later on, mapag-uusapan naman kung ano ang mga mangyayari after that.”



MMFF MOVIES. Parehong may entry sa 2014 Metro Manila Film Festival sina Dingdong at Marian.

Si Dingdong ay tampok sa Kubot: The Aswang Chronicles 2, habang si Marian naman ang leading lady ni Vic Sotto sa My Bossings Adventures.

Paano nila isisingit ang preparasyon para sa kanilang kasal kung magiging busy sila sa shooting at promotion ng kani-kanilang mga pelikula?

Sabi ni Dingdong, “We are lucky to have a support team behind us, PPL at Triple A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila po ang dalawang nag-o-oversee ng mga gagawin namin, sa scheduling na rin.

“Dahil siyempre, sila nakakaalam kung saan ilalagay yung mga dapat gawin.

“In fact, nagawa po naman namin yung mapping, scheduling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN