Maja Salvador settles rift with Kim Chiu

Maja Salvador on gradually burying the hatchet with Kim Chiu: “Kasi nga, ’di ba, naka-move on na ang lahat? Binaon na natin ang ’di magagandang situwasyon, pangyayari, at kuwento dati. Nandito na tayo, 2014 na, so positive na tayong lahat.”


Kapansin-pansin ang pagsama-sama sa iisang production number nina Maja Salvador, Gerald Anderson, at Kim Chiu sa ASAP nung nakaraang Linggo.

Masasabing pruweba ito na mukhang naka-move on na nga ang tatlo sa ’di magagandang nangyari at pinagdaanan nila, kung saan pinagpiyestahan ang kanilang “love triangle” issue ng publiko at entertainment media noong nakaraang taon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Maja sa nakaraang contract signing niya at ng ilang mga kasama sa Star Magic, sa ABS-CBN nung nakaraang Miyerkules, sa Chronicle Lounge ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN, para sa aktres ay bahagi na lang ng nakaraan ang kung anumang ’di magandang nangyari noon at ngayon ay nagmu-move forward na silang tatlo.

“Kasi nga, ’di ba, naka-move on na ang lahat?

“Binaon na natin ang ’di magagandang situwasyon, pangyayari, at kuwento dati. Nandito na tayo, 2014 na, so positive na tayong lahat,” bungad niyang pahayag.

Agad naming kinumusta kay Maja kung unti-unti na bang nababalik ang closeness nilang dalawa ni Kim ngayong kahit paano pala ay nakakapag-usap na silang dalawa.

“Walang text, kasi mahirap namang ipilit, ’di ba? Unti-unti darating tayo dun. Walang ilangan, as in minsan nagtatawanan pa kami, kaunting tsikahan, ganyan,” dagdag pa niya.

THREE’S A CROWD? Bukas na magkasama silang dalawa muli ni Kim sa isang proyekto, pero nang tanungin namin kung handa ba siya na magsama-sama silang tatlo sa isang trabaho ay agad namang tumanggi sa ideyang ito si Maja.

“Kami ni Kim? Right project lang dapat, siyempre hindi naman porke’t may offer sa amin tanggap na magsama kami.

“Siyempre yung alam naman namin na mae-enjoy naman, ’di ba?

“Katulad ng Ina, Kapatid, Anak, nagkatrabaho kami dun. Yun talagang swak yung mga characters din namin, bago sa tingin ng tao.”

“With Gerald and Kim? Ayoko namang ibuhos lahat-lahat, parang binenta ko naman yung sarili ko para pagpiyestahan lalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre kahit papaano kailangan mo ring isipin ’di lang sarili mo, kundi sila. Siyempre tao din kami, alam mo na pagpipyestahan kami.

“Maganda na may kanya-kanya kaming trabaho ’tapos okey na ang lahat,” pahayag niya.

Kahit nga ang proyekto na magpareha sila ng boyfriend ay hindi rin pabor si Maja.

“’Di naman, may mga offers naman pero siguro mas mabuting huwag na lang muna, kasi maganda nga na nakahiwalay nga ang trabaho,” pakli pa nito.

MORE FREE TIME WITH GERALD? Ngayong tapos na ang Dyesebel at tapos na rin ang Legal Wife, kinumusta namin sa aktres kung mas madalas na ba silang nagkakasama ni Gerald ngayon.

“Ay ano, nag-album tour ako. May mga ginagawa rin siya,” saad niya.

Kadarating lang ni Maja galing sa South Africa para sa isang show doon kasama sina Julia Barretto, Kathryn Bernardo, at Erich Gonzales. Balita rin na sumunod daw doon si Gerald kung kaya’t nagkaroon din sila ng bonding moment ng boyfriend.

Masaya niyang balita, “Maganda. Actually, two days lang yung bakasyon pero masaya kasi nakasama ko ang mga kapatid ko sa Star Magic.

“Mga bagets, naging bagets ka lalo uli, Kathryn and Julia and si Erich na parang wala, ang saya-saya lang naming apat.

“Nakakatuwa, parang sobrang free’ng-free lang kami na hinahabol namin ang giraffes, ganyan. ’Tapos nasa labas lang kami, anytime may animals na puwedeng...

“Yeah, sumunod siya [Gerald], okey naman. Siyempre mas nakikilala mo ang tao.

KEEPING RELATIONSHIP PRIVATE. Sa kabila ng pagiging open ng relasyon nila sa publiko ay masasabing naitatago pa rin nina Maja at Gerald ang mahahalgang detalye ng kanilang relasyon.

Para sa aktres ay ito ang sikreto kung bakit napapanatili nilang matatag ang kanilang samahan.

“Let’s keep it. Yun lang naman, dapat kayong dalawa napag-uusapan ninyo, dapat may agreement kayo kung paano ang lahat lalo na sa situwasyon namin, ’di naman din ganun kadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy and thankful na yung ka-partner ko ay alam niya talaga kung paano mag-handle ng tama,” pagpapasalamat niya.

LOOKING FORWARD TO CHALLENGES. Muling pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN, ibinalita sa PEP ni Maja na isang serye uli ang gagawin niya sa Kapamilya network.

Siniguro naman niya na pagkatapos ng kontrobersyal na role niya sa Legal Wife ay mabait na ang role niya sa susunod na seryeng gagawin.

“Renewal ng kontrata ko sa ABS-BN, so siyempre masaya ako na hanggang ngayon nagtitiwala sa akin ang ABS at ni-renew ako ulit.

“After Legal Wife, bibigyan nila ako ng isang teleserye.

“’Di ko pa masabi pero I’m really excited, pero for sure, ’pag nilabas na, ’pag in-announce na, baka pati kayo ma-excite para sa akin.

“Soon, as in soon na, kasi nagmi-meeting na. Ayokong mauna, basta mabait na ako dito.”

“Kahit ano, sabi ko nga sa mga interviews ko, ang artista ’di lang dapat iisa ang ginagawa.

“Dapat try mong maging bida, maging kontrabida, dapat natsa-challenge mo ang sarili mo bilang isang artista,” lahad pa ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN