Bettina Carlos on rumors linking her to Raymart Santiago: “I don’t know why my name is being dragged to this.”

Bettina Carlos on what she would do if Raymart Santiago courts her: “Hindi ko alam, kasal pa siya, ‘di ba? So siguro kapag maayos na lahat, saka na lang nating tingnan. Kasi, wala naman. Kumbaga, ayusin muna nila ang mga dapat nilang ayusin na mag-asawa.”


Ang Kapuso star na si Bettina Carlos ang nagsilbing host sa ginanap na Royal Engagement o press conference ng Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Biyernes ng tanghali, August 15, sa 17th Floor Executive Lounge ng GMA Network Center.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina.

Nagkasama ang dalawa sa primetime series na Temptation of Wife.

Bukod pa rito, ani Bettina, “Yes, before nag-host na ’ko, part ako ng ilang provincial shows ni Marian."

Dugtong niya, "Kasi siguro nakatulong din yung fact na malapit ako parehas sa kanila. Kilala ko sila pareho."

PRIVY TO “SECRET” ENGAGEMENT. Isa rin pala si Bettina sa mga unang nakaalam na 2012 pa lamang ay engaged na ang dalawa.

Ayon dito, “Alam ko na ‘yan noon pa.

“At isa ako sa kokonting tao na hinihintay na lang na sana ay mag-public announcement na sila.”

Kailan niya nalaman yung engagement nila sa isang Butterfly Dome sa Macau?

Pagkumpirma ni Bettina, “Noong nagkasama kami, Temptation of Wife pa lang, pinakita niya sa akin ang video.

“So noong Saturday [Augut 9] last week, sabi ko, ’Ay alam ko na ‘to. Yung picture niyan, patuloy na sa Macau. So yun na nga.

“Kaya kahit napanood ko siya, it still felt different seeing it live ’tapos siyempre, lumuhod si Dong.

“’Tapos, may panibagong singsing. Yun ang pinapangarap ng bawat babae, e. Yan is very lucky to have that moment with Dong, twice.”

WAITING FOR “FAIRYTALE” MOMENT? May tatlong taong anak na si Bettina, si Gummy. Pero mag-isa lang niya itong tinataguyod simula noong ipinanganak niya ang bata.

Isa rin ba siya sa mga babaeng pinapangarap na makaranas ng proposal mula sa lalaking minamahal?

“Oo naman, siyempre naman,” mabilis niyang sabi.

“Pero siyempre, ang sa akin, hindi naman ako masyadong looking forward to that kasi wala pa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Darating din tayo riyan. Pero I guess, lahat ng babae talaga, merong ganyang fairytale dream. So sana dumating din ako sa ganun.”

Pinapangarap din ba niya ang makatanggap ng engagement ring nang dalawang beses ?

“Ako, basta malinis na bato. Malinis na bato!” natawang sabi niya.

NO RING. Ito ang dahilan king bakit hindi siya nagsusuot ng singsing.

“Kaya hindi ako nagsusuot ng singsing kasi, ang gusto ko, magsusuot lang ako kapag bibigyan ako ng boyfriend ko or ng fiancé ko.

“Ayoko kasi noong titingnan ng mga tao na, ’A, baka may boyfriend...Ay, wala naman pala.’

“Kaya kapag nakita niyo akong may suot na singsing, yun na yun,” natatawang lahad niya.

Dugtong pa niya, “Actually, kahit ang nanay ko, pinagsusuot ako ng singsing. ’Magsuot ka na,’ pero, ayoko.”

MODEL DAUGHTER. Samantala, pinayagan na raw ni Bettina ang anak na gumawa ng print ad para sa isang imported brand ng instant noodles.

“I’m very, very happy kasi, we actually patronize the product.

“So when they approached us, natuwa ako kasi, yun din ang kinakain ng anak ko. Actually, siya talaga sa ads. Sabit lang ako. Ang anak ko talaga ang bida riyan,” masayang sabi niya.

Sa ngayon, wala pa raw siyang regular na teleserye, pero madalas siyang mag-guest sa iba’t ibang serye ng Kapuso network.

“Paikot-ikot sa mga shows tulad ng Niño.

“Sabi naman nila, bibigyan naman ako if they find a show that would fit and a good material.

“Pero for the meantime, happy na rin ako na nag-a-Idol Sa Kusina. Kasi isa yun talaga sa kinarir naming makuha ko, yung hosting and cooking on TV,” saad niya.

LINKED TO RAYMART. Sa isang banda, nung nakasama si Bettina sa Villa Quintna, kung saan isa sa main stars si Raymart Santiago, nagsimulang ma-link ang dalawa.

“Hindi ko alam, ano bang isyu?” ang gulat na sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know why my name is being dragged to this.

“I’m not part of their marriage naman or their legal battle [Raymart and Claudine Barretto] and tapos na ang Villa naman…

“Nagsimula lang ‘yan noong magkasama kami ro’n.”

Malapit pa rin ba sila sa isa’t isa ni Raymart?

Ani Bettina, “Yung barkada ng Villa Quintana, yung unyon. Unyon ang tawag nila do’n.

"Sobrang happy ako dahil kahit kailan lang ako nadagdag sa cast nila, they accepted me in that group.

“So minsan lumalabas kami. Sila Ate Shine [Sunshine Cruz], sina Janine [Gutierrez] and Elmo [Magalona] lalo kasi, naging close sila.

“At naging close na rin ako sa kanila. Sometimes, we do go out, catch up.”

Kasama si Raymart kapag lumalabas sila?

“Minsan, kasama siya,” amin niya.

Paano kung ligawan nga siya, seryosohan na?

Sagot niya, “Hindi ko alam, kasal pa siya, ‘di ba? So siguro kapag maayos na lahat, saka na lang natin tingnan.

"Kasi, wala naman. Kumbaga, ayusin muna nila ang mga dapat nilang ayusin na mag-asawa.”

Nang tanungin kung siya ba yung tipo na papatol sa may asawa?

“Hindi siguro, hindi,” nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN