Princess Snell changes screen name to Nathalie Hart

Nathalie Hart on leaving GMA: “I think it’s just that parang minsan, may mga panahon na hindi ka na masaya sa paulit-ulit na two years na akong nagtatrabaho na ganun, na ganun pa rin yung role ko. I wanted more!”


Ang dating Kapuso talent na si Princess Snell ay kilala na ngayon bilang si Nathalie Hart.

Isa sa mga naging Avengers sa fifth season ng StarStruck sa GMA, si Leo Dominguez na ngayon ang manager ni Nathalie.

“Actually dapat ano, I was supposed to be there [sa GMA] for another year pero nagpa-release ako kasi lahat ng mga naging president dun ’di ba paiba-iba every year?

“Yung mga naging bosses in [GMA] Artist Center ’di ba nag-iba-iba na sila so I just think that I didn’t have a lot of jobs with them already, and kung wala kang masyadong trabaho, puwede kang magpa-release,” lahad niya.

Binanggit namin kay Princess ang tungkol sa pagpapa-release ni Aljur Abrenica sa GMA. Tulad ni Princess ay produkto rin ng StarStruck si Aljur.

Saad ni Nathalie, “Well, that was different kasi ako, hindi naman ako masyadong nabigyan nila.

“And puwede ka namang magreklamo kung wala namang nangyayari sa iyo at lahat ng trabaho mo, ikaw yung kumukuha hindi sila.

“So I thought to myself magpapa-release ako and then one day, I didn’t really want to do showbiz anymore. Gusto ko tapusin yung studies ko in Australia kasi my whole family is there naman.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Sige, tingnan natin.’

“Kasi sayang naman yung pinaghirapan ko, actually three and a half years din akong naghirap. Parang sabi ko, ‘Alam mo kung ganito na rin lang yung mangyayari, might as well bigyan ko pa ng another two to three years yung pinaghirapan ko.’

“And then I was looking for a new manager, hindi ko alam kung sino yung dapat kong kontakin.

“One time,

there was an instance na Leo Dominguez wasn’t looking for a new talent pero parang nagka-connect na lang kaming dalawa and nagkaroon kami ng meeting.

“At ang sabi niya, he wanted to sign me and I think everyone knows naman how good Leo Dominguez is as a manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So nung dumating siya sa buhay ko, he is such an angel, nag-sign ako sa kanya five years straight.

“Five years contract with him and then he told me na, ‘Yes tumatak na sa tao yung pangalan mo pero I wanted to recreate you and I want you to be a proper actress.’"


FROM PRINCESS TO NATALIE. At isa sa mga hakbang na ginawa nila ni Leo, na siya ring manager nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Paulo Avelino, JC De Vera, to name a few, ay palitan ang kanyang acreen name.

Sa pagpapatuloy ng dalaga, "Kasi naman ako kahit papaano hindi nagkaroon ng masyadong movies and ang ginawa ko lang dati is teleserye, so hindi pa naman ganun kalakas yung impact ko with people.

“And sabi niya, ‘Kung ganyan yung mangyayari, might as well change your name. And I wanted you to change your name kasi yung Princess, it’s just gonna be there for quite sometime but I’d rather change your name to a more proper one dahil mag-aartista ka.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie noong August 14, sa presscon ng pelikulang Somebody to Love under Regal Entertainment. Ginanap ang presscon sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Saan kinuha ang pangalang Nathalie Hart?

“Well, it’s hard, kasi it took us four months para magkaroon ng bagong pangalan and actually si Tito Leo at si Ms. Roselle Monteverde yung nag-isip ng bagong pangalan ko,” panimula niyang kuwento.

Saan ito nanggaling?

Patuloy pa niya, “I don’t know, kung saan-saan na lang nila tinitingnan. Minsan nandun kami sa Google, naghahanap lang kami ng mga pangalan.

“There was one meeting na, ‘Ano kaya ang pangalan namin,’ blah-blah-blah. And then they ended up with Nathalie and sabi nila, ‘Iyan na ang pangalan mo!’

“I was on my cellphone, sabi ko, ‘Okay! Iyan na yung pangalan ko.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nag-dalawang-isip dahil tulad ng Princess Snell ay very foreign-sounding din ang Nathalie Hart?

Aniya, “Actually to be honest with you, it is very foreign-sounding.

“Iyon yung sinabi ko rin sa kanila but the problem is they’ve decided and sila yung manager ko...

“Sila yung management ko so parang at the end of the day, as long as nabibigyan ako ng trabaho, iyon yung pinaka-importante.

“Iyon yung pinaka-importante sa akin.

“Pero yung unang isip ko, ‘Bakit iyon yung pangalan ko?’

“Pero now, the fact that I’m working in a lot of projects, nakikilala na ako as Nathalie...

"Pero as of now, no one knows me as Nathalie, I changed my social media sites, no one knows me!

“In Instagram, they thought I was a fake account. Everyone unfollowed me kasi akala nila fake account ako. But this movie, Somebody to Love, will launch me as Nathalie Hart."

Masaya ring ibinalitani Nathalie na may mga nakalinyang projects na siya.

Sa pagpapatuloy niya, “So I’m really excited for that and iyon ang hinihintay ko kasi may next movie kami na Dilim and my other movie is Shake Rattle & Roll, lahat na dun, Nathalie Hart.

“So in this movie, Somebody To Love, ito yung unang-una kong project as Nathalie Hart, na ilo-launch na si Nathalie Hart, so I’m really, really excited.

“Hindi ko pa alam kung anong mangyayari sa career path o sa pangalan na ito pero hindi mo naman din masasabi sa isang movie pa lang. Siyempre it will take years para makilala ka ng tao.

“So basically back to zero na naman ako.

“Parang it’s like working, I’ve worked so hard sa pangalan dati na hindi naman din madali yun.

“Ngayon, back to zero ako kung anuman when I started three-four years ago.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DISSATISFIED? Last year siya umalis sa GMA, kung saan nakakontrata sana siya sa Kapuso until this year.

Pahayag ni Nathalie, “Nagpa-release ako and ni-release naman nila ako. So there was no problem.

“And I think siguro kung I’m Aljur Abrenica siguro, hindi nila ako ire-release coz I had a lot of projects.

“But they never really gave me, hindi nila ako nabigyan kahit ng, yung napakilala talaga ako like, for example, like Max Collins ’di ba na nabigyan nila talaga ng proper projects.

"So I think that’s why they allowed me to get out of the management [contract]."

Pero naging regular naman siya dati sa StarTalk, bukod pa sa mga teleseryes ng GMA.

Aniya, “But I think it’s just that, parang minsan, may mga panahon na hindi ka na masaya sa paulit-ulit na two years na akong nagtatrabaho na ganun, na ganun pa rin yung role ko.

“I wanted more!

“Kasi kumbaga kahit papaano ’di ba kaya ka nga nagtatrabaho dahil gusto mo kahit papaano, naggu-grow ka as a person, naggu-grow din yung career mo.

“And I think it’s just that, the fact na yung umalis ako sa GMA, I mean it doesn’t mean naman na umalis ako sa GMA, umalis lang ako sa GMA Artist Center, magkaiba yun.

“Puwede pa rin akong magka-serye [sa GMA].”

Nais ba niyang matulad ang career path niya kay Lovi Poe na talent din ni Leo?

Dagdag pa niya, “Well, I think that’s the career path na gusto sa akin ni Tito Leo.

“So now, I’m just starting and let’s say this year, I’m doing three movies this year so iyon ang hinihintay ko.

“’Pag lumabas na yung tatlong yun, tingnan na lang natin yung impact na mabibigay ko sa mga tao at yung makikita nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi ko rin alam e kung paano ba nila ako tingnan. I know na I’m very mestiza for them pero iyon lang yung, hindi ko alam, hindi ko talaga alam, e.”

BONDING WITH LEO’S TALENTS. Nag-bonding na ba sila ng ibang talents ni Leo?

Pagpuri niya sa co-talent, “Lovi was always nice and I’ve hang out with her maraming beses na.

"Solenn and I have been hanging out as well kasi my ex-boyfriend and her [boyfriend] were magkababata.

“So Solenn and I have a lot of mutual friends na already and Lovi Poe, nakasama ko na siya dating-dati pa sa Bubble Gang pa lang and super nice siya.

Sina Lovi at Solenn daw ang mga unang sinabihan ni Nathalie na pipirma na siya kay Leo.

ROLE IN MOVIE. Back to her current project, kakaiba ang papel niya sa Somebody To Love.

Kuwento niya, “Medyo controversial yung [role].

“Landi-landian ako kasi I was actually a beauty queen ’tapos nagkagusto ako sa isang lalaki na may-asawa, si David Chua. ’Tapos ang asawa niya, si Maricar Reye kaya magkakaroon kami ng conflict since ako yung mistress.”

Bida sa pelikula sina Carla Abellana, Matteo Guidicelli, at Iza Calzado.

Kasama rin sina Jaclyn Jose, Isabelle Daza, Alex Castro, Ella Cruz, Kiray Celis, Jason Abalos, Albie Casiño, at Jackielou Blanco.

Sa direksiyon ni Jose Javier Reyes, ipapalabas na sa mga sinehan ang Somebody to Love sa Miyerkules, August 20.

WHO’S HER TYPE? Going back to her malandi role sa pelikula, tinanong namin si Nathalie, "Given the chance, sino kina Matteo, Alex, at Albie [na present during the presscon] ang lalandiin niya?

Aniya, “Probably, siguro, landi o boyfriend? Kasi magkaiba yun, e.

“Kung kunyari kung tatanungin man ako ng mga tao dito kung sino yung gusto ko sa kanila, wala!”

Sino na lang ang pinaka-attractive para sa kanya sa tatlo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think Matteo and Alex!” bulalas niya.

Si Albie raw ay masyadong "ma-muscle."

“Ayoko ng mga ganun. Gusto ko yung medyo tama lang, boy-next-door, that’s what I want. Ayoko ng hunk! So gusto ko, medyo kalma lang. Alam mo yung nasa tabi lang.

“Matteo, I think, he’s a very, ano ba yung tawag yung parang babae na lalaki? Metrosexual! Para siyang ganun, parang inaalagaan niya yung hitsura niya.

“Siguro sa itsura, Matteo. But like as a person, Alex! Para magkaiba yun, ’di ba? So...but that’s pretty much it.

“Pero wala akong gusto sa kanilang dalawa at all,” saka tumawa si Nathalie.

Sa mga aktres naman, sino ang gusto niyang tularan?

“I would like to get the roles na nakukuha ni Cristine Reyes.”

READY TO BARE. Handa raw siyang magpaka-daring.

"I’m really ready for that as well pero siguro, gusto ko yun dahil ang lakas ng impact sa tao and as everyone knows naman na I’m never gonna be a sweet girl in a project, hindi ako yung kawawa kasi I’m very mestiza for that.

“I’d rather be a kontrabida and siguro kung yung mga nakukuhang trabaho is it would be Cristine Reyes. Gusto ko yung mga nakukuha niyang roles.”

Hindi pa ba nag-e-FHM pictorial si Nathalie. Papayag ba siya kung sakali?

“Of course, sure, sure, I’m ready! Kailan ba?” at muling tumawa si Nathalie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN