Enzo Pineda back into the dating game

Enzo Pineda on friendship with Kylie Padilla: "Isa siyang totoong tao. And I’m just really happy na kaibigan ko siya at nakilala ko pa siya nang mabuti dahil sa mga nangyari."


Tuwing birthday ni Enzo Pineda, mula nang mag-artista siya, hindi siya pumapalya na magkaroon ng charitable event para sa mga bata.

Ngayong taon, pinili niyang mag-celebrate naman ng kanyang kaarawan sa Child Haus, na nagsisilbing temporary shelter ng mga batang nakikipaglaban sa sakit na cancer.

Ginanap ang selebrasyon kahapon, August 17, at dinaluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Saad ng 24-year-old actor, “Ang mismong birthday ko talaga ay last Tuesday, August 12. I spent it with my family and loved ones.

“Post-birthday celebration ko na bale ito.

“Personal choice ko ang Child Haus. Ang mga bata kasi has a special place in my heart.

“And I really value education at yung tamang pagpapalaki sa mga bata ngayon.

“So, as much as I can, ibinibigay ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong talaga sa mga bata.

“Gusto kong makapag-contribute para sa paglalagay sa tamang path ng mga bata.

“I’m happy kapag ganito na nakikita ko na may mga bata akong napapasaya, kahit sa munting paraan lamang na kaya ko.”

Patuloy niya, “First time kong makapunta dito sa Child Haus.

“Two years ago, may napuntahan din ako na parang ganito, pero more on giving school books.

“Ito naman, specifically pagpapasaya sa mga bata. And masarap sa pakiramdam na makita mo silang ngumingiti at masaya.

“Na-touch nga ako nang kantahan nila ako,” pagtukoy niya sa mga batang naroon sa Child Haus.

“Parang ang feeling ko, yung happiness and fulfillment sa birthday ko na marami akong napapasayang mga bata ngayon.

“And iba kasi kapag… lalo na when it’s your birthday, na ikaw mismo yung magbibigay.

“Rather than ikaw ang yung mag-e-expect sa mga taong mahal mo na may ibibigay sila sa ‘yo.

“Iba yung feeling talaga. Masarap ‘yon sa pakiramdam.”



CHANGES. Noong 2013, kasama pa ni Enzo ang dating girlfriend na si Louise delos Reyes nang mag-birthday siya. Pero okey lang naman daw sa Kapuso young actor kung may mga nangyaring pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Happy naman ako na marami naman akong naging achievements this year, na alam kong sa ikakabuti ng career ko.

“So, I’m just really thankful for everything.

“Lalung-lalo na sa GMA sa patuloy na pagsuporta nila sa akin at sa pagtitiwala.

“And ang dami kong na-realize this year.

“Ang dami kong nagawa na mga bagay na gusto kong gawin dati na nagagawa ko na ngayon na pakiramdam ko, si Enzo talaga ‘yon.

“Pero siguro, before, naghu-hold back ako sa mga bagay na ‘yon. Ngayon, ginagawa ko na siya.

“Siguro ano lang… yung takot na baka hindi ko ito magawa nang tama.

“Let’s say yung pagma-marathon ko ngayon. Yung mga bagay na ganun na natsa-challenge ko ang sarili ko.

“At nari-realize ko na may place ako sa sports na ganito. Thankful ako na may nahanap akong sports and I’ve been doing marathon.

“Nakakatulong ito sa paghahanda ko sa Bench fashion show which will be on September 19.

“Hindi ko na kailangang masyadong maghabol kasi halos every day, nagti-training ako.

“So, siguro, konting bawas na lang ng kain.

“Actually, ang payat ko nga ngayon, so kailangan kong magpalaki pa ng katawan.

“Alam niyo naman na sa Bench Body ako,” banggit niya sa underwear brand na kanyang ini-endorse.

Patuloy niya, “So, alam niyo na kung ano ang ie-expect ninyo.

“Definitely, mag-iisip ako ng pasabog para diyan, lalo na para sa mga tagahanga ko!”



NEW INSPIRATION. Paano niya ia-assess ang personal life niya ngayon?

Sabi ni Enzo, “Okey din. Wala naman akong problema ngayon.

“It’s just me, proving myself. Lalo na as an actor, yung mga bagay na gusto kong ma-achieve sa career ko in show business.

“And also sa dreams ko sa pagiging athlete, nagagawa ko siya this year. Nabibigyan ako ng opportunity.

“Para sa akin, I just feel happy and blessed na nakukuha ko yung mga bagay na ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang may bago na siyang inspirasyon? Isang non-showbiz girl daw ang nagpapasaya sa kanya ngayon?

Sagot ni Enzo, “Siguro let’s just say I’ve been dating, pero hindi po exclusively dating.

“And para sa akin siguro, mas importante yung mga bagay na ganito ngayon.

“Lalo na tinatapos ko yung pag-aaral ko, ‘tapos busy rin ako sa trabaho and sa bago kong sport.

“Iyon muna ang pinagkakaabalahan ko.

“Pero definitely, masarap sa pakiramdam ang may inspirasyon.”

At mas gusto niyang non-showbiz naman ang kanyang karelasyon?

“Depende, e. Pero mas tahimik ang buhay mo kapag non-showbiz.

“Kasi nakakapag-focus ang tao sa kung sino ka talaga, sa career mo. Hindi yung sa relationship.”

Saan at paano sila nagkakilala ng bagong inspirasyon niya?

“Ano lang… we have a common friend.

"Pero siguro hanggang dun muna. I wanna take things slow.

“And siguro, based sa mga nangyari before, ayoko namang isipin ng mga tao na baka dahil dun lang.

“Pero, oo naman, definitely nakapag-move on na ako. Matagal na.

“Ngayon, I’m just really happy about everything and what’s happening in my life right now.

“And I’m just waiting for the right opportunities pa, lalo na sa career ko.

“And I’m just really focused sa mga bagay na gusto ko talagang gawin.

“At siguro, iyon ang importante.”

Nagkakausap na ba sila ni Louise? Binati ba siya nito noong birthday niya?

Ayon kay Enzo, “Siguro kasi… hindi ko siya nakikita sa Sunday All Stars ngayon. So, hindi pa.

“Pero definitely, kung may mga ganun na instances, I would also say thank you sa kanya.”



KYLIE PADILLA. Pagkatapos ng breakup nila ni Louise, naging close si Enzo kay Kylie Padilla.

May mga naiintriga nga dahil si Kylie ay ex-girlfriend ni Aljur Abrenica, na na-link naman kay Louise bago sila mag-break ni Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Enzo tungkol dito, “Siguro sa nangyari, nagkaroon ako ng bagong kaibigan—and si Kylie ‘yon.

“And I’m just really happy sa friendship namin ngayon. And I just wish her all the best.

“And kapag nakikita ko nga siya sa Sunday All Stars, natutuwa ako, kasi isa siyang totoong tao.

“And I’m just really happy na kaibigan ko siya at nakilala ko pa siya nang mabuti dahil sa mga nangyari.”

Ngayong inamin niyang may non-showbiz siyang inspirasyon, tuluyan na sigurong matutuldukan ang pagdududa sa closeness nila ni Kylie at matitigil na ang pagli-link sa kanilang dalawa.

Saad ni Enzo, “Me and Kylie are just friends.

“And kung may naririnig man kayo na may inspirasyon ako ngayon, sana huwag ninyo ring isipin na parang ipinapasok ko kaagad yung sarili ko sa isang relationship.

“Siyempre, uunahin ko pa rin ang trabaho ko ngayon, ang pamilya ko, lalung-lalo na yung mga tao talaga na nagmamahal sa akin.”



BIGKIS. Katatapos lang gawin ni Enzo ang indie film na Bigkis.

Tungkol ito sa advocacy para sa mga inang nagbi-breastfeed at struggles ng mga nurse sa kanilang trabaho.

Kuwento niya, “Nurse ang role ko. At marami akong kaibigang nurse kaya marami akong nahingan ng tips at advices para magampanan ko yung character ko.

“Partner ko rito si Lauren Young. Kasama namin sa cast sina Mike Tan, LJ Reyes, Rich Asuncion, at iba pang Kapuso stars.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN