Rocco Nacino gears up for soldier role and acting battle with Dennis Trillo in new primetime series

Nagpaikli ng buhok si Rocco Nacino para sa kanyang role sa bagong primetime series ng GMA na Hiram Na Alaala, kung saan gumaganap siya bilang sundalo. Sabi niya tungkol sa kanyang haircut, "Medyo maluha-luha ako nung ginupitan ako at inahitan! But then, it’s a new experience. Talagang challenge siya para sa akin. Pero mas naramdaman ko yung character ko after doing this."


Pinakamalaking challenge daw para kay Rocco Nacino ang kanyang role sa Hiram Na Alaala.

Mga kadete sa Philippine Military Academy (PMA) ang role nila ni Dennis Trillo sa upcoming GMA primetime series na ito, kung saan tampok din si Kris Bernal.

Nakakapanibago nga ang hitsura ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 17, sa studio ng Sunday All Stars.

Hindi raw siya sanay sa sobrang ikling haircut.

Natatawang pag-amin ni Rocco, “Medyo maluha-luha ako nung ginupitan ako at inahitan!

“But then, it’s a new experience. Talagang challenge siya para sa akin.

“Pero mas naramdaman ko yung character ko after doing this.

“At actually, okey siya, malamig siya sa ulo!

“First time na magupitan ako ng ganito kaiksi. Medyo tumubo na nga, e.

“Nung ginupitan ako last week, skinhead talaga.

“Nung first night na ganito ang buhok ko, hindi ako makatulog, kasi nanibago talaga ako.

“But then ano… ramdam na ramdam ko yung character ko.

“Ngayon nga, naka-PMA na dog tag ako para mas maramdaman ko pa.

“Yung taping namin, nasa part na naka-graduate na ako from the PMA at makikilala ko na si Dennis.”



PMA TRAINING. Sumailalim din daw sila ni Dennis sa training na karaniwang pinagdadaanan ng mga kadete sa PMA.

Kuwento ni Rocco, “Hindi rin biro yung training. May mga martsa at mga obstacle courses.

“Pero hindi ko ginawa lahat kasi nga may taping pa.

“Kahit nga yung 15 minutes lang na training, sobrang nakakapagod na.

“Kaya nga after the whole day na may training, ‘tapos taping…

“Humanga lalo ako sa kanila, sa mga taong gustong maging tagapagtanggol ng bansa natin. They go through hardships talaga.

“At kailangang matibay sila para maging... alam mo ‘yon? Para maging tagapagtanggol ng bansa natin.”

Lahad pa niya, “May isang scene nga na sinurprise ako ng director namin. Yung kung paano salubungin dun nga sa PMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang akala ko magsi-shake hands lang, pero yun pala sinubok kami dun!

“Kung anu-ano ang ipinapagawa sa amin. May jumping jack, push-ups, sit-ups, may pinagsisigawan pa kami sa tenga.

“Na-surprise talaga ako dun. Pero at least, natural yung nangyari, ipina-experience sa akin."

ACTING BATTLE. Ayon kay Rocco, “Wala pang nakunang eksena namin ni Dennis together… soon.

“Yung part na sasabak kami sa giyera at yung mga bonding namin.

“’Tapos may mangyayari, kaya yung title, Hiram Na Alaala.

“And babalik ako, kumbaga.

“Hindi kami nagkasamang mag-training ni Dennis, nauna ako.

“Kasi yung character ko, dumaan sa buong four-year course sa PMA.

“Pero si Dennis, nung na-meet ko sa story, sundalo na.”

Handa na ba siyang makipagtagisan ng galing sa pag-arte kay Dennis?

Sagot ni Rocco, “I never thought of competition dito.

“Dahil iba yung atake ng character ko at iba rin ang atake nung sa kanya.

“We both deal with different psychological issues here. Kaya iba yung pag-arte niya sa character niya, iba rin yung sa akin.

“Okey naman ako, wala namang kumpetisyon.

“It’s an honor, of course, working with Dennis.

“Sa first soap ko, kasama ko si Dennis, e, kaya isa rin siya sa mga naging idols ko.”

Ang tinutukoy ni Rocco ay ang afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak noong 2010.



SUPPORT FROM PMA. Yung mga nag-train sa kanya sa PMA, mga totoong military officers talaga?

“Oo, tutok talaga kung ano ang ginagawa.

“Very accurate, walang daya-daya.

“Ang pinakamahirap, yung nagmamartsa kami na may dalang rifle.

“At kailangan kong gawin lahat ng ano… yung may battle gear.

“Physically challenging talaga ito sa lahat ng roles na ginawa ko.

“At emotionally and mentally challenging din. Kasi maraming emotion itong character ko, e.

“And I’m excited na ipakita ito sa mga Kapuso natin. Magandang-maganda yung story.

“May action na sa wakas, kaya I’m excited!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos may training din kami sa pag-handle ng baril. At alam ko, may skydiving pa.

“So, I’m happy. I’m happy to be a part of this project.

“At mukhang kailangan kong kumain ng marami at mag-vitamins para malakas palagi.”

Isang registered nurse si Rocco. Hindi lang niya na-practice ang kanyang propesyon dahil napasok nga siya sa showbiz.

Kung hindi ba siya nag-artista at ordinaryong indibidwal lang, magkakainteres ba siyang pumasok sa PMA, base sa na-experience niya sa maikling training at ilang araw na taping niya doon?

Sagot ng 27-year-old actor, “Mahirap, e. Pero siguro, gusto ko pa ring maging doctor.

“Pero puwedeng doctor sa army… ayun, puwedeng ganun.”

Every week silang aakyat sa Baguio para mag-taping?

Sabi ni Rocco, “I think we’re done with Baguio.

“Yung ibang scenes namin, gagawin sa ibang lugar.

“Pero for sure, babalik kami sa Baguio for mga important scenes.

“And we’re happy na maalaga ang PMA.

“Very accurate lahat. Pati costumes, lahat ng training, lahat ng mga kailangang gawin.

“We were happy to have their support.

“Five days kaming nag-stay sa PMA para sa taping namin. At every day, papalit-palit kami ng uniform.

“Nandun na yung transformation ng character ko—mula kadete hanggang maging sundalo.”

During his stay sa loob ng PMA, ano ang mga na-realize niya?

“Ano… I can get lonely when you were there. Mami-miss mo talaga yung family mo.

“Kasi they shut you out of your ano, e, your family and your friends.

“At kailangan nandun yung passion mo talaga.”



LOVI POE. Sa five-days straight taping niya sa Baguio, na-miss ba niya nang husto ang girlfriend niyang si Lovi Poe.

“Of course!” nangiting sambit ni Rocco.

“Kapag nagtatawagan kami, I keep telling her nga na I want to go home na para makita siya.

“Pag-uwi ko, we met up. Sabi niya, excited siyang makita ngyu buhok ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Lovi nang makita siya with his military haircut?

“Pinagtitripan niya ako. Hinahawakan niya.

“Sabi niya, it’s not so bad naman. Overthinking daw ako!

“Sabi ko, pangit. Sabi niya, it’s not so bad.

“’Tapos she was taking videos. And then, ‘yon, nag-date lang kami.

“Ano nga raw, e, bad boy nga raw ang dating ko sa gupit ko ngayon.

“I’m beginning to like it.”



HUSTISYA. Natutuwa rin daw si Rocco na nagmarka ang pagganap niya sa Hustisya, ang Cinemalay entry na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Sabi niya tungkol dito, “Well, that’s great, of course! Flattering na malaman ‘yon.

“And we’ve been talking, e, kami ni Ms. Nora.

“Sabi niya, sana magkatrabaho kami ulit. And I said the same thing.

“At itong experience working with her. It’s a check off my bucket list.”

Ikinatutuwa ni Rocco ang mga proyektong napupunta sa kanya dahil kahit paano ay na-establish na niya ang kanyang sarili bilang isang seryosong aktor.

Mahirap bang i-maintain ang ganung stature niya sa ngayon?

Sagot niya, “Of course, kailangan magdagdag ako ng extra-effort.

“And this is what you call passion in your carft and enjoying it at the same time.”

Maganda na ang takbo ng kanyang acreer ay masaya rin pati ang kanyang lovelife.

Nakangiting sabi ni Rocco, “Siguro I have to give it to my parents for raising me well.

“Inuna ko muna ang edukasyon ko. And everything fell in the right place.

“Basta ano… masaya lang. And have fear in God, Siya na ang bahala sa ‘yo.

“At saka si Lovi, very supportive din. Very supportive talaga siya.

“Pareho naman kaming supportive sa isa’t isa.

“It takes two to tango, e. Kailangang dalawa talaga kayong magtulungan.

“So, sa simula pa lang, alam na namin na, yun nga, nandito kami para sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not to bring each other down but to support each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN