Kiko Estrada returns to GMA; breaks down in tears over his new teleserye

After nine months of stewing over what has become of his career after being shut out of Mirabella on ABS-CBN, Kiko Estrada is in seventh heaven over his new teleserye on GMA, Strawberry Lane. "Eto na nga, granted na yung prayers ko," he says.


Matapos mabakante ng siyam na buwan, muling nagbabalik sa telebisyon ang young actor na si Kiko Estrada.

Si Kiko ay nagsimula sa bakuran ng GMA Network bilang isa sa cast ng hit youth-oriented series na Tween Hearts.

Ngunit pagkatapos nito ay lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan napanood siya sa mga teleseryeng Angelito: Ang Bagong Yugto at Annaliza.

Dapat sana ay ilulunsad si Kiko bilang leading man ni Julia Barretto sa Mirabella, ngunit sa huli ay pinalitan siya ni Enrique Gil.

Ngayon ay balik-GMA siya sa pamamagitan ng upcoming soap na Strawberry Lane, kung saan makakasama niya sina Bea Binene, Jake Vargas, at Kim Rodriguez.

Pumirma na rin siya ng kontrata sa GMA Artist Center.

Sabi ni Kiko, “I’m back home kasi dito naman ako nagsimula sa Tween Hearts.

"Kaya nga thankful ako sa GMA-7 for giving me another chance.

"Kaya nga sabi ko, I will stay here forever."

NEW SOAP. Inamin ni Kiko na hindi niya napigilang mapaiyak nang ibalita sa kanyang magkakaroon na siya ng bagong proyekto.

Kuwento ng 19-year-old actor sa PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal), “Ayaw kong itago na umiyak ako, kasi yun naman kasi ang totoo.

“Siguro tears of joy.

"’Tapos nagdasal ako at nagpasalamat sa Diyos kasi dininig Niya yung prayers ko.

“’Tapos tinawagan ko yung mommy ko, tinawagan ko din yung lola ko to tell them the good news.

“’Tapos dumalaw ako sa mga relatives ko, ’tapos ikinuwento ko sa kanila yung tungkol sa project.

"At masaya sila para sa akin. Kahit sila nga, naiyak, kasi nakita nila umiiyak ako.

"Sobrang saya ko talaga that day..."

Patuloy ni Kiko, “Almost nine months din akong walang trabaho.

"Nine months din akong nag-iisip kung ano ang gagawin ko para magkaproyekto.

"Nine months ko ding dinala yung nangyari sa akin, ang pagkawala nung show [Mirabella] na dapat ay kasama ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero right now na may new show na ako, nawala na lahat ng iniisip ko.

"Mabait talaga ang Diyos. Ibibigay Niya sa ’yo kung ano yung dinarasal mo.

"At ibinigay na Niya sa akin yung matagal ko nang dinarasal sa Kanya—yung magka-show ulit."



HEALED. Nakalimutan na rin daw ni Kiko ang nangyaring pagkatanggal niya sa Mirabella noon.

"Hindi naman dahil sa may show na ako, nakalimutan ko na yung nangyari dati.

"Actually, noon pa man, natanggap ko na yung mga nangyari.

“Bumabalik-balik siya sa akin, pero pinipilit kong kalimutan.

"Kaya naman nung totally natanggap ko na siya, heto may bagong show na ako, kaya ang saya-saya ko.

“I don’t want to blame anybody naman sa nangyari.

"I just pray and ask for guidance. And sabi ko, sana mabigyan ako ulit ng chance na magkaroon ng show na para sa akin talaga.

"At binigyan nga Niya ako."



KIM RODRIGUEZ. Dahil makakasama muli ni Kiko si Kim sa isang proyekto, inaasahan na ng young actor na lalakas ang usap-usapang sila na raw ngunit inililihim lang nila ang kanilang relasyon.

Saad niya, “Ang totoo, wala naman talaga, kasi magkaibigan lang talaga kami.

“Pero hindi ko itinatago yung posibilidad na ligawan ko si Kim.

"Kasi bukod sa mabait siya, maganda pa... let’s see what happens.

“Pero sa ngayon, alam naman namin pareho ang priority namin, at ito yung career namin.

"Kaya mas gusto naming maging magkaibigan na lang.

“Hindi natin alam, baka pagtagal-tagal, ligawan ko din siya

"At least, honest ako na gusto ko din at crush ko siya. Pero sa ngayon, hanggang doon lang yun.

“Trabaho muna para sa amin at saka na ang lovelife.

“Pero if liligawan ko siya, sana sagutin ako."



MOM AND KIM. Kinumpirma rin ni Kiko na ipinakilala na niya si Kim sa kanyang ina, ang dating aktres na si Cheska Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Well, I wanted my mom to know my friends, kaya nga I decided na ipakilala na rin si Kim sa mommy ko.

“And I’m happy kasi my mom loves her and my family loves her.

“Sabi ng mommy ko, maganda daw si Kim, puwede!

“Sabi niya, she’s gorgeous and she’s open to getting to know her.

“She told Kim, akala niya kami na. Pero sinabi ko na magkaibigan lang kami.

“Masaya, kasi she’s supportive."

Nakilala na rin daw si Kim ng ama ni Kiko na si Gary Estrada noong huling kaarawan nito.

Kuwento ni Kiko, “Na-touch nga ako kasi ang layo ng taping niya [Kim].

"’Tapos nag-effort siyang pumunta sa farm para pumunta sa birthday ng papa ko."

Pero paglilinaw niya, "Lahat ng mga nagiging kaibigan ko, ipinapakilala ko para alam nila kung sinu-sino ang sinasamahan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN