Kim Rodriguez says goodbye to loveteam with Kristoffer Martin; welcomes team-up with Kiko Estrada

Three GMA young actors are now being linked to Kim Rodriguez—Kiko Estrada, Kristoffer Martin and Jeric Gonzales. She laughs them all off: "Baka malito na ang tao niyan."


"Ayun, expected ko naman po yun, so hindi na rin siguro ako magugulat."

Ito ang sagot ni Kim Rodriguez tungkol sa intrigang sasalubong sa kanila ni Kiko Estrada sa pagsasama nilang muli sa bagong teleserye ng GMA Network.

May working title itong Strawberry Lane. Kasama rin dito sina Bea Binene, Jake Vargas, at Jeric Gonzales.

Sabi pa ni Kim tungkol kay Kiko, "Okey naman siya, masaya naman siya sa buhay niya.

"May communication kami since nung lumipat siya mula sa kabila [ABS-CBN].

"Magkaibigan naman kami at masaya naman siyang kausap."

Si Kiko ay ang 19-year-old na anak ng actor-politician na si Gary Estrada sa dating aktres na si Cheska Diaz.

Nagbabalik sa Kapuso network si Kiko pagkatapos niyang lumipat sa ABS-CBN noong 2012.

Sa ngayon, wala pa naman daw silang love angle off-camera, pero on-cam, silang dalawa ngayon ay pinapares bilang pinakabagong loveteam ng GMA.

Natatatawang sabi ng 20-year-old Kapuso actress, "On-cam lang po yun!

"Off-cam, magkaibigan lang po talaga kami since nagkakilala kami noon sa Tween Hearts.

"Mabait po talaga siya.

"Siguro now na magkakasama ulit kami sa bagong show, mas makikilala namin ang isa’t isa."

Nakausap PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa treat ng GMA Artist Center para sa kanilang August birthday celebrators, na ginanap sa Function Hall ng Marikina Public Market, noong nakaraang linggo.



KRISTOFFER MARTIN. Ngunit bago kay Kiko, naunang naugnay si Kim sa co-star niya sa mga teleseryeng Kakambal ni Eliana at Paraiso Ko’y Ikaw na si Kristoffer Martin.

Pagsang-ayon ni Kim, "Oo nga po.

"Kami rin ni Kristoffer, hanggang ngayon ay ’di nawawala ang communication namin kahit after ng show.

"Nagkakamustahan pa rin kami.

"Ayun nga, nakakalungkot. Kasi bilang si Kristoffer ang una kong naging leading man sa una at huling soap na ginawa, hindi ko na siya makakasama sa bagong show ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, looking forward din naman ako sa bagong loveteam namin ni Kiko."

Hindi naman daw masama ang loob niya na kung kailan nagiging established na ang loveteam nilang dalawa ni Kristoffer ay saka naman ito papalitan ng bagong tambalan nila ni Kiko.

Sabi ni Kim, "Actually, hindi naman.

"Kasi, ang pakiramdam ko ay may nakikitang something sa amin ni Kiko ang GMA na sa tingin nila ay magki-click din kami.

"Kaya siguro ganun.

"Siyempre, nakakaano rin, kasi mayroon nang following yung sa amin ni Kristoffer.

"Pero okay din naman, kasi baka pagsawaan din yung loveteam namin ni Kristoffer.

"At saka, GMA naman ang nakakaalam what’s best para sa amin, ’di ba?

"So, kung ano ang gusto nila at sa tingin nila mas makakatulong sa career namin, susunod lang kami."

JUST FRIENDS. Kasunod nito ay naitanong namin sa kanya, kung nanligaw sa kanya si Kristoffer matapos nitong makipaghiwalay sa kanyang dating girlfriend na si Joyce Ching?

Diin niya, na halos mamilog ang mga mata, "Hindi!

"Nung sa Kakambal, simula noon, naging magkaibigan kami.

"Nag-open siya sa akin tungkol sa kanilang dalawa ni Joyce.

"Kung may problema silang dalawa o kung masaya siya kay Joyce.

"Ganun kami ka-close hanggang sa Paraiso, habang tumatagal ay mas naging close kami lalo sa isa’t isa."

May isyu pa ngang lumabas na siya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Pagkontra ni Kim, "Hindi!

"Wala akong alam sa talagang isyu nilang dalawa, pareho ko silang kaibigan.

"Basta, sabi niya, after kay Joyce, focus muna siya sa career at studies niya, yun.

"Ganun din po ako, lalo na ngayon na may upcoming show ako, focus muna po ako."



JERIC GONZALES. Paano kung si Jeric Gonzales naman ang intrigahin sa kanya, ngayong makakasama rin niya ang binata sa bagong soap na niluluto ng Kapuso network?

Katulad ng loveteam nila ni Kristoffer, ang kina Thea Tolentino at Jeric ay pinagpapahinga na rin muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang saad ng young actress, "Baka malito na ang tao niyan!

"Okay naman po si Jeric, ang bait din nga po niya at makulit.

"Hindi ko rin po alam kung ano ang plano sa amin.

"Sa ngayon, ang alam ko, pina-pair off muna ako kay Kiko, mas mabuti siguro kung dun muna mag-concentrate.

"Baka sa iba naman po nila i-pair si Jeric, ’di ko pa alam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN