Ramon Bautista declared persona non grata in Davao City

by Nerisa Almo
Aug 19, 2014
Sara Duterte tells Ramon Bautista: “Comedian ka pala, the great comedians that I know use their wit and do not toilet trash women. You have the power of influence, use it positively.”

Idineklara nang “persona non grata” ang comedian na si Ramon Bautista dahil sa insidenteng naganap sa Kadayawan Festival sa Davao City noong August 16.

Ito ay pinagtibay ng Davao City Council sa pamamagitan ng isang resolusyong inilabas ngayong araw, August 19.

JUST IN: Davao City Council declares Ramon Bautista as persona non grata |via Maayong Buntag Mindanao pic.twitter.com/cAKqmpfSHY

— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) August 19, 2014

Ang desisyon ay base sa sinabi ni Ramon na “Tama! Ang daming hipon dito sa Davao! Alright!” sa ginanap na Kadayawan Invasion sa Crocodile Park, Davao City, noong gabi ng August 16.

Ang “hipon” ay isang birong salita na tumutukoy sa mga taong may magandang katawan ngunit pangit ang mukha.

Kumbaga sa ulam, tapon ulo, tira katawan.

Hindi nagustuhan ng mga opisyales ng Davao City ang birong ginawa ni Ramon kaya agad siyang sinabihang humingi ng paumanhin matapos ang kanyang parte sa programa.

Agad namang bumalik si Ramon sa stage at humingi ng paumanhin sa publiko.

Nagpahayag din ng paumanhin si Ramon sa kanyang Instagram account kahapon, August 18.

Continue reading below ↓

Read: Ramon Bautista gets flak after calling Davao women "hipon"; comedian apologizes

Samantala, sa Instagram account naman ni dating Davao City Mayor Sara Duterte, ipinaliwanag niya kung bakit dapat pansinin ang ginawang biro ni Ramon.

Dito ay pinaalalahanan niya ang komedyante: “…Totoo meron mga babae na hindi desirable ang mukha at napaka seksi ng katawan, pero kelangan mo ba turuan ang mga bata kung paano mangantiyaw ng Hipon?

“…Comedian ka pala, the great comedians that I know use their wit and do not toilet trash women. You have the power of influence, use it positively.”

RAMON'S REACTION. Sa pamamagitan naman ng kanyang Twitter account (@ramonbautista) ay sinabi ni Ramon na tinatanggap niya ang desisyon ng mga opisyales ng Davao.

I respect the decision of the Davao officials, and I will abide by it.

— Ramon Bautista (@ramonbautista) August 19, 2014
Read Next
Read More Stories About
Sara Duterte
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sara Duterte tells Ramon Bautista: “Comedian ka pala, the great comedians that I know use their wit and do not toilet trash women. You have the power of influence, use it positively.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results