Ogie Alcasid opposes proposed President Noynoy Aquino’s term extension

Hindi pabor si Ogie Alcasid na palawigin pa ang termino ng Pangulong Noynoy Aquino. Kung ano daw ang nasa batas, yun ang dapat sundin.


Kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Noynoy Aquino ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Nitong mga nakaraang araw ay lumutang ang balitang may mga nag-uudyok diumano upang palawigin pa ang termino ni PNoy.

Ayon sa saligang batas, isang termino lang ang bawat Presidente na katumbas ng anim na taong panunungkulan.

Pabor ba siya sa term extension ni PNoy?

Sagot ni Ogie, “No, I am not. I am not.

“Feeling ko rin naman, ayaw din niya, e.

“Nabasa ko lang kasi din na nailathala na rin ng TV5, at nasabi na rin ng kanyang executive secretary, na hindi naman pala niya nais magkaroon ng second term.

“Gusto lang niya na sana yung reforms na ginawa niya ay maipagpatuloy.

“Yun ang intindi ko, ha, but if ever there’s a second term, I don’t think it’s right.

"Kasi yun ang nasa Constitution, ‘di ba?

“Kailangan sundin natin. I’m sure yun din ang iniisip niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa presscon ng TBT With Mr. A, ang throwback party-themed concert ni Ogie, na ginanap sa Jet 7 Bistro, Timog Avenue, Quezon City, kahapon, August 18.

DINGDONG-MARIAN ENGAGEMENT. Samantala, isa si Ogie sa mga malapit na kaibigan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ano kaya ang magiging partisipasyon niya sa nalalapit na kasal nina Dingdong at Marian?

Natatawang sagot ni Ogie, “Hindi ko pa alam. Wala pa silang pasabi.

"Although, naalala ko, nagkita kami ni Dingdong sa Korea... ‘Di ba, ang taray, Korea! Gusto mo yun?”

Last year pa raw nangyari ang pagkikitang yun ng tatlo sa Korea.

Kuwento pa niya, “Galing akong Hawaii, ’tapos sila ni Marian, galing New York.

“Nagkataon, pareho kami ng stopover, Korean Airlines.

"’Tapos sabi ko, ‘O, andito pala kayo.’

“And then, sabi sa akin ni Dong, ‘O, Kuya, bibisitahin kita, usap tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw ideya si Ogie kung ano ang ibig sabihin ni Dingdong sa sinabi nito.

Saad pa niya, “Hindi ko naman alam, ‘Ano yun? Tatakbo na ‘ata ‘to, tatakbo na ‘atang Congressman ‘to...’ Hindi ko alam.

"E, lumipas yung birthday niya, and then, alam ko birthday din ni Marian, tama ba? Oo, dahil pare-pareho kaming August, e."

August 2 ang birthday ni Dingdong, si Marian ay August 12, at si Ogie ay August 27.

Patuloy ni Ogie, "So, siguro, after nun, pinapalipas lang siguro nila yung mga festivities at saka, I’m sure, high na high ‘yang mga ‘yan dahil alam mo naman, ’pag nae-engage, feeling mo, ikinasal kana rin, e, ‘di ba?”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang public engagement nina Marian at Dingdong na naganap on live television last August 9, sa dance show ng aktres.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

Matapos nito, sabay ring inanunsiyo ng tinaguriang “royal couple” ang nalalapit nilang “royal wedding” sa December 30, 2014, sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

Read: Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding set on December 30, 2014



VERY TRICKY. Dagdag pa ng TV5 star, sa bawat engaged couple, ang babae kadalasan ang high na high sa kaligayahan.

Ani Ogie, “It’s a good time, e, so ngayon, yung engagement, papunta sa wedding, ‘yan yung very tricky.”

Bakit sinasabi niyang "tricky" ang preparation ng kasal?

Paliwanag niya, “Kasi pinaplano niyo yung wedding, ‘di ba?

“Minsan nagkakaroon ng conflict, kasi ito yung gusto ni babae, ito yung gusto ni lalaki.

“Kaya mga lalaki, ‘pag ikakasal kayo, isipin niyo na lang, event ng babae ‘yan.”

Event ng babae, pero gastos ng lalaki?

Nakangiting pagsang-ayon ni Ogie, “Yes, gastos niyo lang.

"It’s the bride’s event. Tayo ay ano lang tayo dun, pogi lang tayo sa araw na yun."

So, puwede na ba siyang maging ninong sa kasalan ng dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Naging ninong na din ako ng madami-daming beses.

"The last one was kay Kyla [to Rich Alvarez].

"In fact, nung kasal ni Kyla, katabi ko si MVP [Manny V. Pangilinan], ’tapos si FLG [Felipe L. Gozon] naman nasa harap ko.

"’Tapos sabi ko, ‘Wow, mga ka-level ko! Sana ganito din ang pera ko, sana ganun din ako kayaman.’

“But, you know, puwede mo kasi isipin na, ‘Naku, nagiging ninong ka na ng kasal, parang tumatanda ka!’

"Pero you can also think of it in another way na parang, I guess, these people respect you, so okay na rin yun.”

Nabigyan na ba niya noon ng payo si Dingdong kung paano maging responsableng fiancé?

Sabi ni Ogie, “Pasundut-sundot akong bumibitaw, kasi hindi naman kasi masyado nagkikita na.

“But I would like to, you know, give them my two cents [of advice], lalo na yung pag-aasawa, hindi madali ‘yan, e.

"I should know. Nakadalawang asawa na ‘ko, so more or less I could give a good tip to both of them, lalo na kay Dingdong.

"And sana ’pag nagkita kami, mabigyan nila ako ng pagkakataon na masabi ko yung dapat kong sabihin, kasi hindi biro yung pag-aasawa.

“It’s a wonderful thing. It’s a great celebration, yung pag-aasawa.

"Pero yung wedding, wedding lang yun.

"The rest of your life, e, iba yun.

"I mean, I’m happy for both of them. I’m really, really happy for both of them.

"Sana masabi ko rin yung advice ko sa kanila na, I’m sure, makakatulong sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN