Dave "Batista" Bautista calls out boxer Nonito Donaire Jr. to do the ice bucket challenge

Isa ang Filipino boxer na si Nonito Donaire Jr. (kanan) sa hinamon ng Filipino-American wrestler/actor na si Dave "Batista" Bautista (kaliwa) na gawin ang ice bucket challenge, na ginagawa ng celebrities upang maka-raise ng awareness tungkol sa sakit na ALS.


Kabilang ang Fil-American boxer na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa hinamon ng Fil-American wrestler/actor na si Dave “Batista” Bautista na gawin ang nauuso ngayong “ice bucket challenge.”

Ginagawa ngayon ng maraming celebrities at maging mga ordinaryong tao sa iba’t ibang bansa ang ice bucket challenge sa pamamagitan ng social media—Facebook, Instagram, Twitter, Vine—para maka-raise ng awareness sa sakit na ALS (amyothropic latetal sclerosis) o mas kilala bilang Lou Gehrig’s disease.

Kabilang sa celebrities na ginawa na ito ay sina Oprah Winfrey, Lady Gaga, Martha Stewart, Steven Spielberg, Justin Timberlake, Justin Bieber, Selena Gomez, Robert Downey Jr., Dwayne “The Rock” Johnson, Ben Stiller, Christine Taylor, Tara Reid, Jennifer Lopez, Taylor Swift, Jaime King, Eva Longoria, Gwen Stefani, Cristiano Ronaldo, Bill Gates, Mark Zuckerberg, Matt Lauer, Conan O’Brien, at Jimmy Fallon.

Si Batista ay naunang hinamon ng co-star niya sa pelikulang Guardians of the Galaxy na si Chris Pratt upang gawin ang ice bucket challenge, at mabilis naman siyang gumawa ng video para rito.

“The second thing you need to know about me is I’ve been a professional wrestler since 2000, and ice is like a religion to me,” sabi pa ng six-time WWE world champion na ipinanganak sa Washington D.C.



LOU GEHRIG’S DISEASE. Naging pamoso ang ice bucket challenge dahil isang paraan ito upang makalikom ng pondo para sa extensive research para sa sakit na ALS.

Ayon sa website na ALS Association: “Amyotrophic lateral sclerosis (ALS), often referred to as ‘Lou Gehrig’s Disease,’ is a progressive neurodegenerative disease that affects nerve cells in the brain and the spinal cord.

“Motor neurons reach from the brain to the spinal cord and from the spinal cord to the muscles throughout the body.

“The progressive degeneration of the motor neurons in ALS eventually leads to their death.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When the motor neurons die, the ability of the brain to initiate and control muscle movement is lost. With voluntary muscle action progressively affected, patients in the later stages of the disease may become totally paralyzed.”

Ipinangalan ito sa baseball legend na si Lou Gehrig, na isa pinakamagaling na player ng New York Yankees, pero bigla siyang dinapuan ng sakit na ito noong 1939 na nagpatigil sa kanyang maglaro.

Inamin ni Batista na big fan siya ni Gehrig at naka-tattoo pa ang jersey number nito (#4) sa kanyang kaliwang braso.

Bukod kay Donaire ay nai-call out din ni Batista upang gawin ang ice bucket challenge ang direktor nila sa Guardians of the Galaxy na si James Gunn at ang mixed martial arts star na si Gina Carano.

As of today, naka-raise na ng higit sa $15.6 million ang ice bucket challenge na sinimulan noong July 29 lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN