Yassi Pressman compares Talk Back And You’re Dead co-stars James Reid and Joseph Marco

Yassi Pressman on James Raied: “Tahimik lang na tao ‘yan, kung meron man siyang sasabihin, ‘Okey, okey...’ ganun lang siya. Sobrang chill niya, hindi mo siya maririnig na, ‘Ako, meron akong ganito, meron akong ganyan.’ Never mo siyang maririnig. He’s actually one of the most relaxed artistas I know.”


Nakatuwaang ipinakumpara ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso young actress na si Yassi Pressman ang dalawang bidang lalaki sa pelikulang Talk Back and You’re Dead na sina James Reid at Joseph Marco.

Parehong hunky at kinakikiligan ngayon ng mga kababaihan at maging mga miyembro ng gay community sina James at Joseph.

Maging si Yassi ay tila kinilig din nang tanungin namin kung sino para sa kanya ang mas “yummy” sa dalawa.

Nangingiting sabi ng Viva princess, “Mahirap naman talagang mag-compare.

“But, sige, if I have to compare… Joseph is a bigger and bulkier guy, while James is more lean and cut.

“Joseph is more moreno, James is more white.

“Joseph is Tagalog, sweet and all; while James is the cool, hunky-chilled dude, parang ganun.

“Siguro, ganun ko sila iku-compare physically, but in ugali, they’re both really nice.”

Sino naman ang mas exciting ang personality sa dalawa?

Sabi ni Yassi, “Mas kilala ko kasi si James, so I could say na si James ’coz mas maraming beses na kaming nagkasama ni James, lalo na yung ginagawa namin yung Diary Ng Panget.

“Alam ko na yung every single na kilos niya, so ganun kami ka-close.

“I can’t really choose Joseph right now, kasi hindi kami pa ganun ka-close.”



NEW HEARTTHROB. Dahil hindi pa sila masyadong malapit sa isa’t isa ni Joseph, gusto raw niya itong makilala nang husto dahil sa tingin niya ay masarap itong maging kaibigan.

Ani Yassi, “Well, yeah. Nakilala ko naman siya before, bago kami nagkatrabaho, pero hindi bilang friends muna.

“Nakikita ko lang siya sa magazines, and then, nakita ko siya sa gym.

“Nagkataon na lahat ng friends ko sa gym, told me na nandun nga si Joseph.

“Sabi ko, ‘A, siya pala yung makakasama ko sa movie.’

“Then, siya ang bumati sa akin sa first day ng shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabait siya and everyone says naman na mabait siya.”

Ano ang reaksiyon niya sa kasikatan ngayon ni James, bilang kaibigan nito?

Sabi ni Yassi, “Natatawa kami na natutuwa for him.

“Like, kunyari, heto ang tent namin at nagsu-shoot kami sa school, everytime na binubuksan niya yung pintuan ng tent, nabibingi kami sa sobrang sigawan.

“’Tapos, siya, parang titingin lang siya at maku-conscious nang konti.

“’Tapos, kami, tinatawanan lang namin siya, kasi hindi siya makalabas ng tent.

“Wala naman kami yung... wala, natutuwa naman kami for him.”

Hilig nga bang mag-tease ni James para mas lalong maging attractive sa kanyang mga tagahanga?

Natatawang sabi ni Yassi, “Well, I think, you can find naman in everyone to be a teaser.

“Yes, lahat naman talaga, hindi madi-deny kung gaano siya kaguwapo.

“Tahimik lang na tao ‘yan, kung meron man siyang sasabihin, ‘Okey, okey...’ ganun lang siya.

“Sobrang chill niya, hindi mo siya maririnig na, ‘Ako, meron akong ganito, meron akong ganyan.’ Never mo siyang maririnig.

“He’s actually one of the most relaxed artistas I know.”



ANDRE PARAS. Kung mayroon man siyang magugustuhan kina James at Josepha, sino ang pipiliin niya?

Muling natawa si Yassi at sinabing, "Talagang kailangan kong pumili?

“Each of them naman kasi, may kanya-kanyang... what do you call that, katangian.

“But, I think, both of them are really crushable, huwag na akong papiliin,” pabirong pakiusap pa niya.

Patuloy ng Pinoy MTV VJ, “Basta, any girl ay puwedeng magka-crush sa kahit sino sa kanila, dahil both of them ay goodlooking, ’di ba?”

Biro namin, si Andre Paras na lang na ipinapareha sa kanya.

Paiwas na sagot ni Yassi, “He’s busy right now.

“Ang dami niyang ginagawa, pero most of the time ay nagkikita naman kami while doing Pinoy MTV, but not every day naman.

“Yeah, he’s still so funny and mas close kami ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, sana, sa next movie, sana magkasama kami ulit, nakaka-miss yung funny bone niya.”



DERRICK MONASTERIO. Ngunit ang balita ay si Derrick Monasterio ang bagong nagpaparamdam sa kanya ngayon. Gaano ito katotoo?

Paliwanag ni Yassi, “Hindi, actually, yung sister kong si Issa ang nariringgan ko ng bali-balita.

“They hang out a lot, kasi they’re very good friends.

“Si Derrick kasi, pinsan ng best friend ko. At yung best friend ko, kapatid niya, best friend din ng kapatid ko.

“Parang malaking circle lang siya, ‘tapos nabalita nga, hindi ko alam ang totoo.

“Okay naman sa akin, kasi as long as she’s happy, I’m happy for her.

“But if she’s going to a wrong direction, I’m gonna put my foot down.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN