Valerie Concepcion’s daughter does not want to meet biological father

Ipinagpapasalamat daw ni Valerie Concepcion na hindi sila nagkatuluyan ng ama ng kanyang anak. Saad niya, "Kasi when it happened, kung ikakasal kami, I was really happy, kasi I was really in love with him. Pero ngayon, looking back, parang sabi ko, ’buti na lang hindi. Feeling ko, hindi kami maggu-grow into the person I am ngayon."


Masaya at nag-e-enjoy raw si Valerie Concepcion sa pakikipagtrabaho kina Janno Gibbs at Manilyn Reyes sa GMA early primetime series na My BFF.

Kuwento ni Valerie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng My BFF noong August 15, sa Caloocan City, tinutulungan pa raw siya ng dalawa minsan sa homework niya.

Nag-aaral ulit kasi ngayon si Valerie.

“Hay naku, sobrang ano… kanina, may dala akong libro ko. Kailangan kong sagutin para sa Filipino.

“Tinutulungan nila ko.

“Kunwari, sasabihin ko, ‘Ate, ano ang ibig sabihin ng halaw?’ ‘Tapos sasabihin nila.

“Sabi ko, ‘Kailangan ko ng dalawang meaning.’ Sila yung nagsasabi.”

Nagdadala talaga siya ng assignments sa taping?

“Opo, dinadala ko po.”

Ano naman ang reaksiyon ng anak niyang si Fiona na pareho silang nag-aaral ngayon?

“Ano, natutuwa… Kasi dati, wala akong tiyaga sa batang mag-review. So, ang nagre-review, daddy ko.

“Mainitin ang ulo ko kapag, halimbawa, hindi nakakasagot.

“So, kesa mag-away kami, si Daddy ang matiyaga sa kanya.

“Ngayon, natatawa ako, kasi katatapos lang ng quarter exam nila, ako na ang nag-review.

“Kasi, nakikita ko yung mga topics nila, topic din namin.

"Nagulat nga ako, grabe na ang pinag-aaralan ng mga Grade 5 ngayon!”

Natawa si Valerie nang biniro namin na hindi kaya dumating ang araw na anak naman niya ang magre-review na sa kanya.

“Hindi naman, hindi naman!” bulalas niya.



FUTURE DOCTOR. Pagdating ng kolehiyo, ang gusto raw kuning kurso ng anak niya ay pupuwede itong maging flight attendant.

“Pero tina-try kong i-convince na maging doctor!” natawang sabi ni Valerie.

Ang boyfriend ni Valerie ngayon ay doktor. Dahil ba dito kaya gusto niya ring maging doktor ang anak?

Saad ng aktres, “Close sila, close silang dalawa, pero hindi naman siya naiimpluwensiyahan pa na mag-doctor.

“Kasi, nakikita niya siguro ang hirap sa tito niya.

“Pero, in fairness naman to her, parang proud naman siya na doctor ang boyfriend ng mom niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And she would always tell me, ‘Mom, pakasal na kayo.’ Nakikiusap.”

Bakit ang anak pa niya ang nag-uudyok na magpakasal na sila ng boyfriend niya?

“E, kasi daw, gusto na niya ng sariling kuwarto, yung ganun…”



THE FATHER OF HER CHILD. Kinumusta naman namin kay Valerie ang biological father ng kanyang anak.

Mula nang ipagbuntis at ipanganak ng aktres si Fiona, magsa-sampung taon na ang nakararaan, ay hindi pa rin nito nakikita ang anak nila.

May balita pa ba siya rito mula sa common friends nila?

Ayon kay Valerie, “Wala kaming common friends, wala pa rin communication.

“Pero may nakapagsabi lang sa akin, yun nga, gusto raw niyang makilala si Fiona.

“Staff siya rito sa My BFF, sinabi sa akin. Siyempre, nanghihingi ng permission.

“Pero ako, ang una kong ginawa, hindi ko sinabi kay Fiona na may nagsabi sa akin.

“Pero I just asked her, noong Father’s Day, parang, ‘Since it’s Father’s Day, baka you want to…’ Parang in-open up ko.

“And then she said, ayaw niya.

“And then, I told her, ‘You know what, kahit naman bali-baligtarin natin ang mundo, siya pa rin ang tatay mo. And we have to accept and respect that.

“’You don’t have to really love him or like him. Respect the fact that he’s your father.

“’Pero sige, hindi kita pipilitin. Kung kailan ka ready, then you’ll tell me.’

“And then, sabi niya, ‘Fine.’”

Nararamdaman ba niyang may pain o bitterness ang anak sa ama nito?

Natawang sagot ng aktres, “Hindi, wala lang siyang care! Hindi kasi niya nakilala, e.”

May larawan naman daw ng daddy ni Fiona na naipakita niya sa anak.

Dahil halos lahat ay nasa social networking sites na, katulad ng Facebook, may pagkakataon bang sinearch niya ang ama ng kanyang anak?

“Ako, hindi. Ate ko… ang ate ko, parang bigla siyang nag-send ng picture. Ipinakita ko kay Fiona.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pamilya na ba ito?

“Hindi ko alam, solo picture niya, e. Parang nagra-run siya.

“’Tapos sabi ni Fiona, ‘Ang payat-payat naman ni Papa, tumatakbo pa.’”

Sa palagay ni Valerie ay nasa Pilipinas lamang ang ama ng anak.



WHAT IF… Kung sakaling magpahatid ng mensahe ang ama ng kanyang anak na magkausap sila, papayag ba siya?

“Para saan? Kasi, bata lang naman ang goal. Siguro, hindi na kailangan,” nakangiting sagot ni Valerie.

Paano kung gusto nitong humingi ng tawad sa kanya?

“Mag-sorry sa akin? Matagal naman na… matagal ko nang napatawad.

“Kahit na hindi humihingi ng tawad, napatawad ko na.”

Kapag binabalikan niya ang nangyari sa kanila, nagpapasalamat ba siya na hindi sila nakasal?

Saad ni Valerie, “Oo, kasi when it happened, kung ikakasal kami, I was really happy, kasi I was really in love with him.

“Pero ngayon, looking back, parang sabi ko, ’buti na lang hindi.

“Feeling ko, hindi kami maggu-grow into the person I am ngayon.”

Kamag-anak daw ni Ali Sotto ang ama ng anak ni Valerie.

Tuwing magkikita sila ng mga kamag-anak ng ama ng kanyang anak, kumusta?

“Hindi po namin napag-uusapan. Parang non-existence talaga.

“Dati nga, nagkita kami ni Bossing [Vic Sotto], sabi niya, ‘Laki na ng apo ko, a!’ Ginaganun niya.

“’Tapos ako, ‘Pa-picture raw po.’ Pero walang talks about the father.

“At saka, hindi naman talaga nila kamag-anak, kamag-anak ni Tita Ali. Parang inaano lang niya na apo.”

Si Ali ay dating asawa ng kapatid ni Vic na si Maru Sotto.

Sila ni Ali, nagkita o nagkausap na ba sila?

Ayon kay Valerie, “Hindi rin po.

“Pero may nagsabi sa akin na gusto raw pong hiramin si Fiona kahit na hindi pa ipakita sa tatay, kung ayaw sa tatay.”

Gusto ba niyang makita at makilala ng anak ang pamilya ng ama nito?

“Opo naman, I’m sure darating din ang time na hahanapin niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang opinyon ng pamilya ni Valerie sa ideya na makita ng apo nila ang ama nito?

Pahayag niya, “Sa kanila, medyo sensitive pa about it.

“Napi-feel ko sa kanila na may konting fear pa sila o siguro bumabalik sa kanila ang sakit ng nangyari.

“Si Fiona kasi, sinabi niya na kung mami-meet daw niya ang tatay niya, ayaw niya ng hiraman. Ayaw niya.

“Kasi, ang mga bata ngayon, mabilis mag-mature.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN