Kathryn Bernardo not bothered by comparison with Nadine Lustre; flattered by edited photo of her face on Marian Rivera’s body

Kathryn Bernardo defends Kathniel fans: "Feeling ko, nami-misinterpret nila yun, mga KathNiels, na war freak. Pero hindi… kasi very caring naman yung mga KathNiel sa amin ni DJ. And feeling ko naman din, wala silang gagawing iba kung walang nagsimula. So, feeling ko naman kasi, nami-misinterpret lang yun ng iba."


Wala raw isyu sa Kapamilya young actress na si Kathryn Bernardo ang pagkukumpara sa kanila ng Viva talent na si Nadine Lustre.

Marami kasi ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig nilang dalawa.

Sabi ni Kathryn tungkol dito, “Of course, ‘pag sinasabihan ka na may kamukha ka, ganyan, nakakatuwa naman, kasi parang may ibang tao na naku-compare ka nila.

“Pero for me kasi, si Nadine, mas matanda sa akin ng mga two years.

“Siguro, may mga angle na kamukha ko siya, ganyan, and wala naman issue sa akin yun.

“Kasi ‘pag nakikita ko sa screen, very pretty naman siya and charming, so hindi naman problema.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa launching niya bilang endorser ng Chic nail polish, kahapon, August 19, sa Bar One, Holiday Inn Galleria, Quezon City.



LOVETEAM WITH DANIEL. Flattered naman si Kathryn kapag sinasabi ng mga baguhang loveteams na iniidolo nila ang tambalan nila ni Daniel Padilla.

Sabi ng 18-year-old Star Magic artist, “Nakaka-flatter talaga yung ganun, kasi alam mo yun, kinu-consider nila kami na isa sa mga gusto nila.”

Pero inamin ni Kathryn na kasabay nito ang pagkaramdam ng pressure.

Saad pa niya, “Pero kami naman ni DJ [Daniel], gusto naman namin yung inu-offer namin sa pag-arte at sa mga ginagawa namin, yung maganda yung mao-offer natin sa lahat.

“And good thing yun kasi may nai-inspire na ibang tao.”

Hindi naman maiwasan ng avid KathNiel fans na maging apektado sa mga nangyayari sa kanilang idolo. Minsan nga ay napapaaway pa ang mga ito dahil sa pagtatanggol kina Kathryn at Daniel.

Sabi ni Kathryn tungkol dito, “Feeling ko, nami-misinterpret nila yun, mga KathNiels, na war freak.

“Pero hindi… kasi very caring naman yung mga KathNiel sa amin ni DJ.

“And feeling ko naman din, wala silang gagawing iba kung walang nagsimula.

“So, feeling ko naman kasi, nami-misinterpret lang yun ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madali naman pakiusapan yung mga KathNiels.

“Grabe lang talaga yung suporta nila at nagpapasalamat naman ako dun.”

May bago na ba silang proyekto na magkasama?

Ayon kay Kathryn, “Ako, gagawa ako ng Wansapanataym.

"For ilang episodes yun and mag-i-start na kami mag-taping this week.

“Kami ni DJ, hindi pa nag-i-start yung lahat, kasi mag-i-start pa kami pagbalik galing US tour for Kapamilya Gold and ASAP.”



BEST FRIEND. Samantala, marami ang nakakapansing hindi na masyadong nagpu-post si Kathryn at ang best friend niyang si Miles Ocampo ng kanilang pictures na magkasama sa Instagram.

Dahil dito, may mga nag-iisip na baka may alitan ang dalawa.

Paglilinaw ni Kathryn, “Wala naman.

“Feeling ko kasi, akala lang yun nga mga tao, kasi hindi kami nagkikita masyado.

“Kasi may school siya, meron siyang Home Sweetie Home, LUV U, so medyo busy din siya.

“And medyo busy ako, so hindi kami nagkikita.

“Pati si Julia Montes, ‘di kami nagkikita, pero wala naman issue.

“’Pag may time talaga, we make sure na bibigyan namin time yung isa’t isa.

"Pero wala kaming away or anything.”

Napag-uusapan ba nila ang tungkol sa mga ganitong isyu?

Sagot ni Kathryn, “Actually, kahit ‘di namin pag-usapan, nakikita ko naman sa Twitter or sa lahat ng ‘yan [social networking sites].

“Pero hindi naman namin pinapansin yung mga ganyan, kasi alam naman namin na hindi totoo.

“Nami-misinterpret lang ng mga tao, pero wala naman po.”



SEXY IMAGE. Isa si Kathryn sa rarampa sa Naked Truth, ang underwear and denim fashion show ng Bench, sa September 19, sa MOA Arena.

Parte ng inaabangang fashion show na ito ang paglabas ng photos ng celebrity endorsers ng nasabing brand.

Kaugnay nito, kamakailan ay kumalat ang edited photo ni Kathryn, kung saan makikita ang mukha niya na ipinatong sa katawan ni Marian Rivera na naka-underwear.

Marami sa fans ni Kathryn ang hindi natuwa dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Salungat naman sa reaksiyon ng kanyang tagahanga ang naging reaksiyon ni Kathryn sa edited picture niya na kumakalat ngayon sa Internet.

Saad niya, “Grabe, nung nakita ko yun, sabi ko, ’Oh, my God, ang galing nila mag-edit!’

“At katawan pa yun ni Ms. Marian Rivera! My God, idol ko pa yun!

“So, sobrang kinilig pa ako lalo! Pero nakakatuwa lang.

“And yung iba din, alam naman nilang hindi ko yun gagawin, sobrang bata ko pa.

“So, for fun lang siguro yun.”

Paniniguro pa niya, “Yung ibang fans, don’t worry, hindi ko po gagawin yun, kasi ang bata-bata ko pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN