Marian Rivera needs to get baptized again in Catholic church before her wedding

Dahil hindi kinikilala ng Catholic church dito sa Pilipinas ang binyag ni Marian Rivera sa Spain, kinakailangan niyang magpabinyag muli sa bansa bago ang kanilang kasal ni Dingdong Dantes sa December 30.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa 75th birthday celebration ng movie producer na si Lily Monteverde noong Martes, August 19, sa Valencia homes ng Regal matriarch.

Ang nalalapit na church wedding nila ni Dingdong Dantes ang naging topic namin.

Ibinalita ni Marian na kagagaling lamang niya sa meeting nila ni Dingdong sa kanilang wedding coordinator.

Naging maayos at mabilis ang meeting dahil nakuha agad ng wedding coordinator ang mga gusto nilang mangyari sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Kinumpirma ni Marian ang balitang kailangan niyang magpabinyag muli sa isang Catholic church sa Pilipinas bago sila ikasal ni Dingdong.

Hindi kasi kinikilala rito sa Pilipinas ang binyag sa kanya sa Spain, kung saan siya ipinanganak.

Ang muling pagpapabinyag ang isa sa mga requirement kay Marian ng Catholic church bago siya magpakasal kay Dingdong sa December 30, sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

Devout Catholic si Marian kaya nagustuhan nito ang suggestion na magpabinyag siya sa September 8, ang kaarawan ni Virgin Mary, sa Catholic church sa kanyang hometown sa Cavite.

Umaasa si Marian na makakauwi ng Pilipinas mula sa Spain ang kanyang Spanish father na si Francisco Javier Gracia Alonso para ito ang maghatid sa kanya sa altar.

Tiniyak ni Marian na malalaman ng kanyang supporters ang pangalan ng fashion designer na gagawa ng kanyang wedding gown.

Magiging abala si Marian sa mga susunod na buwan bago maganap ang kasal nila ni Dingdong.

Extended kasi hanggang December 6 ang Marian, ang kanyang dance show sa GMA Network.

Tatapusin din niya ang shooting ng Metro Manila Film Festival movie nila ni Vic Sotto, at may mga show pa siya sa iba’t ibang bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN