Hayden Kho Jr. on relationship status with Dra. Vicki Belo: “That’s a private matter.”

Hayden Kho Jr. evades queries about the status of his relationship with Dra. Vicki Belo.


Patuloy ang espekulasyon tungkol sa tunay na estado ngayon ng relasyon nina Hayden Kho Jr. at Dr. Vicki Belo.

Magkasamang dumalo ang dalawa sa 75thbirthday party ni Lily Monteverde, na ginanap sa bahay ng Regal Films matriarch sa Valencia Street, Quezon City, noong Martes ng gabi, August 19.

Hindi maipagkakaila ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Hayden at Vicki, na namataang magkahawak-kamay pagpasok pa lang nila ng gate, bandang 10:50 P.M.

Pagdating sa bulwagan ay masayang nakipagkuwentuhan ang dalawa sa ibang bisita ni Mother Lily.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Hayden tungkol sa kanila ni Dra. Belo.

Ngunit naging mailap ang celebrity cosmetic surgeon nang tanungin kung nagkabalikan na ba sila.

“That is a private matter,” nakangiting iwas ni Hayden.

Tanging matamis na halakhak din ang sagot nito nang mabanggit ang tungkol sa pagiging sweet nila ni Dra. Belo.

Matatandaang sa panayam ng PEP kay Dra. Belo noong November 2013, inamin nitong hindi mawawala ang special “connection” sa pagitan nila ni Hayden.

Ngunit iginiit ni Dra. Belo na magkaibigan lang sila noon ni Hayden, at hindi sila nagmamadaling magkabalikan muli.

Read: Vicki Belo on reconciliation with Hayden Kho Jr.: "Later on na lang yun."

REINSTATEMENT. Ganunpaman, kitang-kita ang positibong disposisyon ni Hayden, lalo na’t naibalik ang lisensiya niya bilang medical practitioner.

Aniya, “I am very grateful, first of all, to the Lord.

"Second, of course, to my family, and to my friends who really believed in me."

Noong November 2009, pinawalang-bisa ng Board of Medicine sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC) ang lisensiya ni Hayden matapos siyang masangkot sa isang sex video scandal.

September 2011 nang pormal na isinauli ni Hayden ang kanyang lisensiya sa PRC.

July 7, 2014 nang lumabas ang desisyon ng PRC na i-reinstate si Hayden bilang licensed doctor, dahil sa positibong “overall conduct” nito sa mga nakalipas na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Hayden Kho regains medical license; Katrina Halili camp cries foul

Umabot ba sa punto noon na nawalan siya ng pag-asa na muling maibabalik ang kanyang lisensiya bilang cosmetic surgeon?

Sagot ni Hayden, “Hindi ko na talaga in-expect na makukuha ko ulit yung medical license ko.

“So, nung ibinalik sa akin, I was really grateful.

“Naisip ko rin na since this was given to me na hindi naman ako expecting at hindi naman talaga ako worthy, I guess, kailangan magamit sa tamang paraan.”

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Hayden laban sa mga kumukontra sa desisyon ng PRC kaugnay ng pagbalik ng kanyang lisensiya.

“Wala akong masasabi sa kanila.

“It was a blessing I received, so I intend to pass the blessing to others.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN