Kris Lawrence supports Jay-R’s decision to transfer to ABS-CBN

Kris Lawrence on Jay-R’s decision to move to ABS-CBN: “I’m happy for him kasi he wants something else for his career. As one of his best friends, happy ako sa kanya at kung saan man niya gusto, full support ako sa kanya.”


Isa si Kris Lawrence sa mga unang nakaalam ng planong paglipat ni Jay-R ng istasyon, mula sa GMA patungo sa bago nitong home network na ABS-CBN.

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We live together, so we talk all the time.

“So, alam ko na before pa kung ano yung mga susunod na mangyayari.

“Siyempre, hindi ko naman siya gustong pangunahan agad, because the decision or the announcement should come from Jay-R himself.”

Pero suportado raw niya ang paglipat ni Jay-R sa Kapamilya network.

“I’m happy for him kasi he wants something else for his career.

“As one of his best friends, happy ako sa kanya at kung saan man niya gusto, full support ako sa kanya.”

Noong una, alinlangan si Kris na magsalita tungkol sa kaibigan dahil baka may masabi siyang pagsimulan ng intriga, kaya si Jay-R na lang ang tanungin tungkol dito.



STILL HAPPY WITH GMA. Ngayong nasa ibang bakuran na ang kaibigan, tinanong ng PEP si Kris kung wala ba siyang planong bumalik sa ABS-CBN, kung saan nagsimula ang kanyang singing career.

Si Kris ay produkto ng second season ng singing search ng ABS-CBN na Star In A Million.

Nang matapos ang kontrata niya rito ay lumipat siya ng GMA, kung saan napapanood siya ngayon sa Sunday All Stars.

Nakangiting sabi ni Kris, “Well, sa ngayon, masaya naman ako sa GMA.

“You know, there comes a time an artist career there always comes a big change.

“Baka siguro he [Jay-R] felt na he wasn’t growing, may gusto siyang gawin.

“So, I’m happy for him.

“Ako naman, steady lang naman ako. Okey naman ako sa GMA-7.”

Hindi ba siya nakakaramdam ng takot para kay Jay-R sa paglipat nito ng network, at matabunan dahil mraming magagaling na singers sa bakuran ng ABS-CBN?

Pag-amin ni Kris, “Sa una po, yes po, sa una po natakot po ako para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But he’s Jay-R. I look up to him. He’s one of my idols also.

“So, I look up to him, and I know he wouldn’t make a decision to jeopardize his career.

“I have total faith in him. I really believe in him so much.

“You know, I trust his decisions.

“And minsan, gusto kong kumontra and I wanna tell him, ‘Maybe you don’t wanna do this.’

“He’s been in the business longer than me and he’s actually the one who brought me here.

“So, ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

“So, I trust his decisions, and I know he’s very much sure what he wants for his career.”

Sa kaso naman ni Kris, kinakailangan niya rin bang lumipat ng bakuran para mag-grow?

“Maybe… pero nagsimula na ako ng change konti dahil red na itong buhok ko!” biro niya sa bagong color tone ng kanyang buhok.

Patuloy niya, “So, as far as network-wise, I’m pretty happy here.

“You know, they give me work enough to live my lifestyle and support my family.

“You know, I can’t really ask for much more.

“I have what I need and I’m happy with that.”



SOLO CONCERT. Maliban sa pagiging singer, ano pa ba ang gustong gawin ni Kris?

“Siyempre po, as an artist, gusto ko po talaga makilala sa buong mundo.

“I have that lifelong dream to be have an international hit.

“But you know, it’s never too late.

“Nothing is impossible for as long as you believe in yourself and work hard towards it.”

Pangarap din ni Kris na magkaroon ng solo concert niya, pero bago ito ay mauuna raw muna ang show nila ni Jay-R na magaganap ngayong October.

Paliwanag ni Kris sa pag-urong ng solo concert niya, “Natatakot kasi kami ni Jay-R dahil masyadong dikit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Next year is my 10th anniversary... solo ko.

“Yung Soul Brothers supposed to be last year, kaso na-packup.

“Natuloy sa ibang bansa, pero dito hindi.

“Yung solo concert ko, next year na lang.”

Saan niya ito gustong gawin?

Sabi ni Kris, “In as much as I want it in Araneta [Coliseum], hindi ko kaya.

“Maybe PICC or Meralco, or I would say Aliw Theater... medyo malayo. Baka Meralco nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN