Aiza Seguerra and Liza Diño now immune to below-the-belt, holier-than-thou bashing

Aiza Seguerra on bashers of her relationship with fiancée Liza Diño: “Actually, ‘yang mga ganyang pamba-bash, yung pertaining to sexual organ or giving us Bible verses, yung mga ganun, hindi na namin pinapatulan. Kasi para sa akin, ano na, e, parang, ‘Talaga? Wala nang bago?’ Alam mo yun?”


Sinabi ng magkasintahang Aiza Seguerra at Liza Dino na hindi isyu para sa kanila ang nalalapit nilang pagpapakasal sa Amerika.

Saad ni Liza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, it’s not really an issue.

“Ang nangyayari lang ngayon is, because I’m here in Manila, siyempre kailangan ‘pag nag-a-apply ka for citizenship, kailangan mas yung residence mo, dun sa States.

“E, kaka-apply ko lang ng re-entry permit allowing me to stay in Manila longer.

“So, ang inuna ko lang is to have them allow me first to stay here in Manila bago ako mag-ano for the citizenship.

“Kasi Aiza and I naman can marry even if I’m just a resident.

“We can just appeal it when I become a citizen para we can enjoy the right.”

Pagsegunda ni Aiza, “So, not an issue at all.

“Kailangan lang niyang bumalik doon for biometrics, those things.”



BASHERS ON SOCIAL MEDIA. Aware daw sina Aiza at Liza na marami pa rin ang hindi nakakaunawa at hindi tanggap ang kanilang relasyon. Pero paano nila hinaharap ang bashers sa social media?

Sabi ni Aiza, “It depends… Ako ha, ako muna, it depends on my mood.

“Most of the time, I don’t really care, especially if it’s just about me.

“But if siya yung tinitira, dun ako bumababa sa level nila.”

Ano ang mga halimbawa ng pamba-bash sa kanila na naiinis siya dahil involved si Liza?

Si Liza na ang sumagot: “Yung manggagamit ako.”

Dagdag ni Aiza, “Iyon, yung mga ganun, na manggagamit siya.


“Sa Twitter, sometimes sa Instagram.”

Pamimilosopo raw ang isinasagot ni Aiza sa mga ganung pamba-bash.

“Hindi naman ako yung tipong… hindi ako nagmumura, no, no, no.”

May namba-bash rin daw na ang “OA” nila.

Sagot daw rito ni Aiza: “E, OA talaga kami, e.

"’Kakainggit kami, ano?’ Mga ganun, mga pambarag lang!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Direk Jun Lana at dating TV5 executive na si Perci Intalan ay na-bash din nang nagpakasal noong isang taon sa Amerika; na kesyo mapupunta raw ang mga ito sa impiyerno at kung anu-ano pa.

Sabi ni Aiza tungkol dito, “A, sanay na kami diyan!

“Actually, ‘yang mga ganyang pamba-bash, yung pertaining to sexual organ or giving us Bible verses, yung mga ganun, hindi na namin pinapatulan.

“Kasi para sa akin, ano na, e, parang, ‘Talaga? Wala nang bago?’ Alam mo yun?” tawa pa niya.

Dagdag naman ni Liza, “Or these are conservative minds na talagang siguro meron silang mga sariling pinagdadaanan sa kanilang mga sariling pamumuhay, or meron silang mga paniniwala na talagang against sa atin.

“Na time will come na siguro magkakaroon sila ng change, pero we can’t control that so…

“Ako, may mga kaibigan ako na I don’t think they are narrow-minded, I don’t think they are conservative, pero hindi sila exposed sa mga ganitong bagay.

“And at that time, they think that this is irrelevant to their lives because hindi naman sila naapektuhan.

“Pero once na nakilala na nila ako at kailangan na silang gumawa ng isang paraan para… to continue our friendship, nagkakaroon ng mga paglalaban sa mga sarili nilang mga ano.

“So, naiintindihan ko kasi siguro hindi naman lahat talagang may ganung klaseng pang-unawa pagdating sa mga LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender].

“But time will come, I hope talaga na mas ma-enlighten yung mga tao na, you know, pare-pareho tayong lahat.”

HIGH ON LOVE.Samantala, bukas, August 22, ay gaganapin ang High On Love concert ni Aiza sa Music Museum.

Si Liza, na bukod sa pagiging aktres ay isa ring Flamenco dancer, ang special guest ni Aiza sa naturang concert; pati na rin ang Pogi Boys at ang Grupo Nuevo Flamenco dancers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay magkakaroon sila ng series of shows sa mga sumusunod na lugar sa Amerika: Los Angeles (September 6), Las Vegas (September 7), Chicago (September 12), San Diego (September 12), at San Francisco (September 14).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN