Manilyn Reynes denies rift wth Sheryl Cruz

Manilyn Reynes on reviving her recording career: “Sa recording, hindi pa siguro. Pero yung singing naman, hindi naman siya talaga nawawala kasi dapat hindi mawala. Kasi iyon naman talaga ang aking first love. So, hindi talaga dapat mawala.”


Itinanggi ni Manilyn Reynes na may isyu o gap sa pagitan nila ni Sheryl Cruz.

May magaganap kasing concert si Sheryl at guest nito si Tina Paner, pero si Manilyn ay hindi.

Sumikat ang grupong Triplets—na binubuo nina Manilyn, Tina, at Sheryl—noong ‘80s.

Sabi ni Manilyn tungkol sa balita, “Ha? No more na. Wala!

“Huwag na ‘yan, hindi na lang ‘yan, huwag na lang ‘yan.”

Iginiit nitong okay sila ni Sheryl.

“Kumanta nga kami sa SAS [Sunday All Stars], ‘di ba?” natawang sabi ni Manilyn.

Kung okay naman daw ang shedule niya ay magge-guest siya sa concert ni Sheryl.

“’Pag okay naman ang lahat, e, hindi problema, e, ‘pag okay lahat. ‘Pag wala namang problem.”



FIRST LOVE. Hindi ba naiisip ni Manilyn na balikan din ang pagkanta, ‘tulad ni Sheryl?

Saad niya, “Recording, actually may sinasabi si Janno [Gibbs], pero parang kasi, ‘di ba, nagpo-produce na rin siya ng album?

“So, meron siyang ire-release.

“Sabi niya, kung gusto ko raw ba na maglagay muna ng song ng duet sa album niya, and then after.

“So, iyon, hindi ko alam kung matutuloy kasi parang… may ipinarinig siyang song sa akin kanina na isang duet din.

“Maganda, pero hindi din naman for me yun.

“Isang song na lang ang kailangan niya for the album buo na, e. So, hindi ko lang alam.”

Dagdag ni Manilyn, “Sa recording, hindi pa siguro.

“Pero yung singing naman, hindi naman siya talaga nawawala kasi dapat hindi mawala.

“Kasi iyon naman talaga ang aking first love. So, hindi talaga dapat mawala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN