Ritz Azul sympathizes with Derek Ramsay in his current situation

Ritz Azul overwhelmed by endorsement deals: “Sobrang blessed, thankful, grateful. Parang feeling ko, umuulan ngayon ng blessings sa buhay ko, ang daming magandang nangyayari. Naggu-glow din daw yung hitsura ko, sabi nila. Natutuwa ako sa pagkakaroon ng bagong endorsements.”


Nalulungkot ang TV5 young actress na si Ritz Azul sa pinagdaraanang problema ngayon ng kanyang kaibigan at dating leading man na si Derek Ramsay.

Nahaharap si Derek sa reklamong pagbalabag sa Anti-Violence Against Women and their Child Act, na inihain ng asawa nitong si Mary Christine Jolly.

Nakatrabaho ni Ritz ang aktor sa mga serye ng TV5 na Kidlat at For Love Or Money.

Saad niya, “Unang-una, nakikisimpatiya ako kay Derek dahil alam kong nahihirapan siya ngayon sa sitwasyon niya.

“Siyempre, bilang kaibigan, hanggang salita lang kami, hindi naman namin siya matulungan kung ano.

“Ang gusto ko lang sabihin sa kanya is, unang-una, mag-pray na maging maayos ang lahat.

“’Tapos, pangalawa, lagi niyang isipin na may mga kaibigan siya na nandiyan palagi, na sumusuporta. Nandito lang ako lagi for him.

“Sa buhay naman, hindi natin maiiwasan yung mga kahirapan, yung problema. Parte iyan ng buhay para maging matatag ka.

“So, ang masasabi ko lang sa kanya, hindi naman siya bibigyan ng ganyang problema kung hindi niya kakayanin.

“So, ipagpatuloy lang niya yung strength niya sa loob niya.

“Darating din yung time na maaayos ang lahat.”

Madalang man daw silang magkita ngayon, na kung minsan ay kapag may event lang ang TV5, makakaasa raw si Derek sa suporta ni Ritz.

Ano ba ang mga nagustuhan niya kay Derek na gugustuhin niyang makatrabaho ulit ang aktor?

Sagot ni Ritz, “Masaya siyang kasama sa trabaho.

“Noong nakasama ko siya, gumagaan… noong nakasama ko siya, lalo na sa Kidlat, kahit na mahirap yung mga action scenes niya, kahit na pagod na pagod na, ang kulit niya, masaya lang.

“Pero ‘pag trabaho, trabaho.

“’Tapos gentleman siya, lalo na sa leading lady niya, nakaalalay siya palagi.

“Kahit sa acting, yung tutulungan ka niya.

“Kasi merong iba na gagawin niya lang yung sarili niya, siya hindi, talagang aalalayan ka niya pati sa acting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa contract signing niya bilang bagong celebrity endorser ng Skin Central, kasama ang owners na sina Kimm at Cristina Ilarde.

Ginanap ito noong Miyerkules, Agosto 20, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



ENDORSEMENTS. Bukod sa pag-aalaga ng Kapatid network kay Ritz, malaking factor para sa TV5 Talent Center artist ang pagkakasama niya ngayong taon sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars at FHM Sexiest Women upang makakuha siya ng beauty and skin care endorsements, gaya ng lifestyle skin clinic na Skin Central.

Sabi ni Ritz, “Oo, malaking bagay yung FHM at yung YES! 100 Most Beautiful, kasi marami ring readers yung FHM and yung YES! Magazine.

“So, doon din siguro nag-start ang lahat.

“At saka ‘pag lagi nilang nababasa yung pangalan mo, doon nagkakaroon ng idea yung mga tao sa iyo, e.

“Nagugulat nga ako ngayon, kahit wala akong show, except of course yung Tropa Mo Ko Nice Di Ba, lumalabas pa rin yung pangalan ko, napag-uusapan pa rin ako.

“Sa Twitter nga at Facebook ay mas dumarami na yung followers ko.

“And yung magkaroon ng skin care endorsement, malaking bagay yung sa akin.

“Lalo na nga noong nakausap ko yung owners na sinabi nilang kinuha nila ako dahil bukod sa pagiging maganda ay nagustuhan nila ang pagiging simple ko, sobrang na-flatter ako.

“Yun ang gusto kong ma-achieve na makita ng mga tao sa akin, na kahit simple ka ay puwede ka pa ring maging maganda.

"Puwede ka pa ring maging simple but elegant, ‘di ba?"

Bukod sa skin care endorsement, kasama rin si Ritz sa mga Kapatid stars na napiling bagong brand ambassadors ng Unisilver Time. Kaya naman nao-overwhelm ang aktres sa mga dumarating na blessings sa kanya.

“Sobrang blessed, thankful, grateful.

“Parang feeling ko, umuulan ngayon ng blessings sa buhay ko, ang daming magandang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naggu-glow din daw yung hitsura ko, sabi nila.

“Natutuwa ako sa pagkakaroon ng bagong endorsements.”

Excited ding ibinahagi ni Ritz ang susunod na proyektong gagawin niya sa TV5.

Bawal pa raw siyang magbigay ng mga detalye pero isa raw itong romantic-comedy series.

Pagkatapos din ng kanyang first movie na S6parados, na entry sa nakaraang Cinemalaya, under negotiation na rin ang susunod na pelikulang gagawin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN