Dennis Trillo denies rumored date with ex-girlfriend Jennylyn Mercado

Halos isang taon ang ipinaghintay ni Dennis Trillo bago maging aktibo muli sa paggawa ng acting projects, ngunit aniya, "Para sa akin, worth the wait. Ayoko rin naman yung sunud-sunod na trabaho, sunud-sunod na projects na parang pare-pareho lang ang maio-offer ko. Mas mabuti na sa akin yung makapagpahinga ako nang konti para makapag-isip ako, i-compose ko yung sarili ko para makapag-focus ako nang mabuti dun sa character. Para pagdating nung project, hindi ko siya gagawing hilaw.


Wala raw ideya si Dennis Trillo kung bakit may nagsulputang balita kamakailan na nakita diumano silang nag-date ng kanyang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Sabi niya tungkol dito, “Hindi totoo ‘yon. Nagkikita lang kami sa trabaho…

"Siguro dahil maayos naman kami, magkaibigan naman…"

Ayon pa sa Kapuso actor, kung totoo mang nag-date sila ni Jennylyn, dapat ay may mga larawan na makapagpapatunay rito.

Sa kabila nito, pahayag ni Dennis, “Hindi maganda yung nangyari sa amin dati, pero ngayong nababalita yung ganun, natutuwa ako.

"At least, kahit paano, nakikita ng mga tao okay [kami].

“Isa rin yun sa mga goals ko na mas magkaroon ng positive attitude sa trabaho, sa lahat ng bagay.”

Wala na bang awkwardness sa pagitan nila ni Jennylyn?

“Wala na. [Ang] tagal na ‘yon e,” sagot ni Dennis.

Nagbabatian na rin daw sila ng dating kasintahan.

Ano ang reaksiyon nila ni Jennylyn nang napag-usapan ang balitang nagdi-date sila ulit?

“Wala... E, di wala. Tinatawanan lang,” sambit ni Dennis.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmetn Portal) at iba pang reporters si Dennis sa pocket press conference ng kanyang upcoming medical TV series na Sa Puso Ni Dok, noong Miyerkules, August 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Magsisimula ang nasabing teleserye sa GMA sa August 24, Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kapareha niya rito si Bela Padilla.



“WHEN IT RAINS, IT POURS.” Bukod sa Sa Puso Ni Dok, kasalukuyan ding nagti-taping si Dennis para sa teleseryeng Hiram Na Alaala.

Makakasama niya rito sina Kris Bernal, Rocco Nacino, at Lauren Young.

Gagawa rin siya ng pelikula kasama ang Kapamilya actress na si Maja Salvador, ang Now And Forever.

Napanood din siya noong nakaraang Cinemalaya sa pelikulang The Janitor.

Ngayon lang rumatsada ulit sa paggawa ng mga proyekto si Dennis pagkatapos ng phenomenal hit primetime series na My Husband’s Lover noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktor tungkol dito, “Siguro dahil matagal na ako napahinga, ’tapos ngayon sabay-sabay…

"Totoo rin siguro yung, ’when it rains, it pours.’

“Para sa akin, worth the wait.

"Ayoko rin naman yung sunud-sunod na trabaho, sunud-sunod na projects na parang pare-pareho lang ang maio-offer ko.

“Mas mabuti na sa akin yung makapagpahinga ako nang konti para makapag-isip ako, i-compose ko yung sarili ko para makapag-focus ako nang mabuti dun sa character.

"Para pagdating nung project, hindi ko siya gagawing hilaw.

"Kumbaga, matagal akong nakapag-prepare."

Malapit daw sa puso ni Dennis ang role niya bilang si Dr. Dennis de Vera sa Sa Puso Ni Dok dahil, kagaya niya, may malambot na puso ang ginagampanan niyang karakter.

“Malambot yung puso ko in real life.

"’Pag nakakita ako ng mga tao na [nangangailangan], malambot ang puso ko sa ganun, lalo na pag bata at matatanda… may kurot sa puso."

Dahil din daw sa Sa Puso Ni Dok, mas nabuksan ang isip ni Dennis sa tunay na kalagayan ng mga mahihirap na umaasa lamang sa pamahalaan kapag nangangailangan ng atensiyong medikal.

Saad niya, “Noong una, hindi pa ako ganun ka-aware.

"Ngayong na-expose ako dito, ’pag tine-tape namin yung mga episodes, nakakalungkot lang na maraming nangingibang bansa samantalang kulang na kulang ang mga tao [medical practitioners] dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN