Mayor Herbert Bautista on Kris Aquino’s "Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang" statement: “Sa palagay ko punchline niya yun.”

Mayor Herbert Bautista explains why he attended the Aquino family dinner with PNoy, Kris (who posted it on Instagram on April 6) and their other siblings: “Para bang tayong lahat inimbita ni Queen Elizabeth. How would you feel? Napa-’Uy! Talaga?’ ako. Paarang ganun yung feeling. Ang imbitahan ka ng pamilya ng president... dalawang president ng Pilipinas... yun lang ang pinaka-basic reason ko, not for anything else.”


Matatandaang naging kontrobersyal at maugong ang naudlot na pag-iibigan nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista noong mga nakaraang buwan.

Noong nakaraang August 23, sa Vera-Perez compound ay nag-host si Mayor Herbert ng pagtitipon para sa mga miyembro ng entertainment media na nagselebra ng kanilang kaarawan mula January hanggang September 2014.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), buong tapang na sinagot ni Mayor Herbert ang ilang tanong ng press tungkol sa naudlot na pag-iibigan nila ni Kris Aquino.

May mga bali-balita noon na kaya siya naging close kay Kris ay dahil may balak tumakbo si Kris sa darating na eleksyon. Ano ang masasabi ni Mayor Herbert dito?

“We don’t talk about politics e, kahit noong araw. Never talk about politics,” diin niya.

Purely friendship ba ito na nauwi sa love story?

Paglinaw niya, “Kasi si Kris, we knew each other when we were teenagers, e. We never got to be friends… only recently.

“We just had to catch up. Noong nagsyu-shooting kami ng pelikula ni Aga, dumadalaw siya, kasama yung pinsan niya.

“Yung pinsan niya, yun yung crush ko. Si Nina. Tapos yun, nag-evolve na lang.

“Tuwing magkikita kami sa mga activities ng entertainment industry, ’Hi-Hi!’ lang pero hindi pa nagpapansinan.

“Nagkaroon lang ng opportunity na ganyan, dun lang [family dinner]. Not for politics. In fact what we just talked about was purely kung ano bang nangyari sa buhay-buhay. Mostly ganun lang, e.”

Pero may mga usap-usapan na tatakbo si Kris. Kung sakaling tumakbo nga siya, magbibigay ba si Mayor Herbert ng kanyang suporta at payo sa kanya?

Patuloy niyang pahayag, “I don’t know if she is running.

“Kris is a very intelligent person and very diligent. Makita mo naman ’pag nagte-taping. Tapos may mga negosyo siya, e.

“Even sa mga shooting ’pag siya ang producer, very hands-on siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think she can be good in managing her time. She is professional, hindi siya nale-late.

“That’s what I’ve heard. She also values her co-workers. Of course, may mga tantrums along the way. Natural lang yun. Kahit ako meron din, e.”

Biniro namin si Mayor Herbert if he was able to manage Kris’s tantrums noong panahong magkasama sila.

Natatawa niyang sagot, “Why should I manage her tantrums? I think she can manage her own tantrums.

“’Di naman umabot sa ganun.”

FAMILY FAVORITE? Marami rin ang nagsabing sa lahat daw ng mga na-link kay Kris, mas naging pabor daw kay Mayor Herbert ang mga sisters nito, pati raw si PNoy. Ano ang reaksyon niya rito?

“That I don’t know. Hindi ko yun alam!” pag-amin niya.

Kasi parang si Mayor Herbert lang yung in-invite sa family dinner at nag-post pa ng larawan si Kris sa Instagram nuong April 6.

Sa litrato, makikita na kasama sa salu-salo ng pamilya Aquino si Mayor Herbert, na nasa kabisera pa ng hapag-kainan.

“Hindi naman. I was informed na doon sa family gathering na yun.

“That was a family gathering noon na kahit si James Yap is also welcome. Siyempre medyo dramatic kasi yung nangyari sa mga past relationships ni Kris, like yung kay Joey Marquez at Phillip Salvador…

“Parang medyo tanan yata ang dating nun, e. Parang pagkagising ni President Cory, sila na ni [Kris] at Joey or Phillip, e.

“But in the case of James, parang may ligawan yata yun at nagkaroon ng family dinner, parang ganun.

“E, ako naman, kaya ako sumama sa family dinner, sabi ko… parang ano a… first time akong maimbitahan sa mga ganyang gathering at ng powerful na pamilya e, ’di ba?

“Para bang tayong lahat inimbita ni Queen Elizabeth.

“How would you feel? Napa-’Uy! Talaga?’ ako. Paarang ganun yung feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang imbitahan ka ng pamilya ng president... dalawang president ng Pilipinas, yun lang ang pinaka-basic reason ko, not for anything else.”

After the breakup, meron pa rin ba siyang komunikasyon with the Aquino sisters and PNoy?

Pagklaro niya, “Hindi na. ’Pag may mga activities lang.

“Kagaya nung nagkita kami doon sa gathering noong bumisita ang Indonesian President dito, nagkita kami. Nung SONA (State of the Nation Address), nagkita rin kami ni Presidente nung mangiyak-ngiyak siya nun.”

SPONTANEOUS AND UNSCRIPTED. Marami ang nagulat noong nag-guest si Mayor Herbert sa Aquino & Abunda nuong August 11. Paano nga ba ito nangyari?

“Nag-guest ako kay Tunying that night, yung 9 p.m. show niya. [Tapatan ni Tunying, hosted by Anthony Taberna]

“Sinabi raw ni Kris na, ’Dapat sa show namin mag-explain ka rin.’

“I never wanted din talaga, until I was persuaded by the producer, by the program manager, saka si Direk Arnel [Natividad].

“Sabi ko, sige! Kasi iba naman yung audience ni Kris sa audience ni Tunying."

Pero alam ba niya ang mga tatanungin sa kanya ni Kris nuong gabing yun?

Sagot niya, “Wala! Biglaan lahat yun. Kahit si Kris, hindi niya rin alam ang itatanong niya, e.”

Kinabahan ba siya that time?

Aniya, “Hindi naman! Okay lang. I just wanted to narrate what happened, e.”

KRIS’S PUNCHLINE. Sinabi ni Kris sa panayam ng PEP sa kanya kamakailan, na at least they ended up friends. Ano ang reaksyon niya dito?

Pagsang-ayon niya, “Tama naman! It’s a fact!

“Factual naman yung statement niya na yun, e, and I’m happy that we are friends. Sabi ko nga kanina, maliit lang ang mundo para mag-ipon ka ng pain. ”

Napabalita rin si Mayor Herbert kamakailan dahil sa pananakit nito diumano sa isang suspected drug dealer.

Pero ipinagtanggol siya ni Kris noon at sinabi niyang, “Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino teases ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista: "Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang…"

Ano naman ang masasabi ni Mayor Herbert tungkol dito?

Pakli niya, “Sa palagay ko punchline niya yun, si Kris kasi minsan may pagka-comedian, e.

“Mahilig siyang mag-punchline and she’s very witty, e.

“She won’t be a good host of The Buzz, A & A, or any other show, if she is not intelligent enough to be witty, e.”

Tinanong din namin si Mayor Bistek kung na-imagine ba niya ang magiging buhay niya kung sakaling nagkatuluyan sila ni Kris.

Paglinaw niya, “Hindi kami umabot sa ganun na may visualization, e. Yung maganda yung kay Marian at Dingdong, puwede pa. I visualized kung ano hitsura ng magiging anak nila.”

QUEZON CITY: NEXT CINEMALAYA HOME? Napag-usapan din na welcome daw sa Quezon City ang Cinemalaya bilang second home ng festival sa mga susunod na taon.

Lahad ni Mayor Bistek, “Yung Cinemalaya, we’re trying to work it out na gawin nila sa Quezon City and let Quezon City host it.

“’Di ba iniwan na ni Tonyboy Cojuangco yung Cinemalaya? Balak namin na ang Quezon City government ang sumalo para maging second home ng Cinemalaya.

(PEP has previously reported that Antonio "Tonyboy" Cojuangco is no longer financing Cinemalaya but remains chairman of the annual fest.)

“I was just informed by Harlene, my sister na president ng Heaven’s Best Entertainment, isa sa mga organizers ng Cinemalaya.

“Personally, as the Mayor of Quezon City, I’m offering Q.C. as their next home. Sana!

“Kasi pang-10th year na nila ngayon. Sana sa 11th year nila at sa mga susunod na taon, ang Cinemalaya Festival sa Quezon City na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN