Chynna Ortaleza dismisses rumor linking her to Benjamin Alves

Chynna Ortaleza clarifies sighting with Benjamin Alves: “Tawa lang kami nang tawa kasi nanood kami ng Mariquina, tapos nanood kami ng The Janitor. Ang automatic reaction is ‘Benjamin Alves nanliligaw kay LJ Reyes.’ Nanood lang kami ng The Janitor tapos sinuportahan namin yung Mariquina nung araw na yun.”


Biniro namin si Chynna Ortaleza na siya na yata ang bagong Indie Princess dahil pagkatapos ng Asintado ay kasama naman siya sa Dementia. Ni hindi na nga alam ni Chynna kung ilan na ang mga nagawa niyang indie movies.

“Pero hindi pa naman ako nakakasampu na indie,” pagklaro ni Chynna nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Dading ng GMA nitong Miyerkules ng umaga sa Scout Gandia sa Quezon City.

Psychologically disturbed daw ang character niya sa Dementia na pinagbibidahan ng Superstar na si Miss Nora Aunor. Pero hindi naman daw ito nangangahulugang luka-luka siya sa pelikula.

“Hindi naman, meron lang siyang disorder kasi from pagkabata, hindi siya marunong magrespeto ng authority.

“Dahil nga hindi siya marunong sumunod sa magulang niya, nung time kasi na yun it’s ano, e... based nung mga nineteen-kopong-kopong pa.

“I’m not really sure which time frame but hindi pa kasi open yung mga tao sa fact na people get sick mentally so ang family namin, hindi ako pinapagamot,” kuwento pa rin ni Chynna tungkol sa papel niya sa Dementia.

Ate niya si Nora sa pelikula.

THE LURE OF INDIE FILMS. Ano ba ang kasiyahan na nakukuha niya sa paggawa ng indie movie kumpara sa mga teleserye?

Alam ng lahat na maliit lang ang kita o talent fee sa paggawa ng indie movie.

Ayon kay Chynna, “Iyon nga yung magandang study dun, e. Kasi pag nag-uusap din kaming mga artista parang kailangan mo talagang ibalanse yung craft mo.

“May times, you have to go into TV because alam mo na kailangan mo yung exposure and yes, binabayaran kami ng magandang halaga para makapag-ipon kami.

“Tapos ang naging attitude ko na lang diyan is, like with Dading, blessed kami with a good script, ’di ba?

“Ang ganda ng script namin, lahat ng tao, yung characters, yung pagkagawa nila, we’re all very human.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng characters dito nagkakamali, lahat ng characters may redeeming factor, yung ganun, at nagre-rate yung Dading so masaya kami.

“Especially for Gabby kasi ang tagal niyang hinintay ito, e.”

Unang lead role ni Gabby Eugenmann sa GMA ang Dading.

“Tapos at the same time, parang ang naging outlook ko na lang is habang nagti-TV ako, kung meron akong maitatabi [na ipon] sa mga panahon na kailangan kong mag-pelikula [indie movies], itatabi ko...

“Para, kasi totoo naman e, when we make independent films, we don’t really get paid as much as we get paid in television.

“Parang kina-capitalize namin yung participation namin dun e, ’di ba? So yung maiipon ko, iyon yung... parang i-spread-out ko habang gumagawa kami ng [indie] films,” paliwanag pa niya.

Outlet rin ni Chynna sa mga kakaibang pag-arte ang paggawa ng indie movies.

Dagdag pa niya, “Pareho naman pero iba lang kasi yung atake ng indie kesa sa soap.

“Kasi ang soap opera, iyon nga, we need to be more expressive in terms of... kailangan makuha namin yung atensyon ng tao to the point na hindi ka puwede dito na mag-silent-silent achuchuchu kasi nga yung mga tao distracted pag nanonood ng television.

“Whereas ’pag movie, mas pumapasok yung pain ng craft... kasi naka-focus sa iyo yung attention ng viewer sa big screen, ’di ba?

“Walang ibang, walang panggulo, e.”

DILEMMA. At dahil nasa Dading siya, kung saan may mga gay characters katulad ni Carding (played by Gabby) at Lexie (played by Gardo Versoza), naitanong namin kay Chynna kung ano ang mas kaya niya: Ang madiskubre na ang boyfriend niya ay isang tagong bading o isang kabit ng bading?

Bulalas niya, “My gosh, napakahirap naman ng tanong na ’yan!

“Depende siguro sa… hala!

“Ito ha, kung makikilala ko yung boyfriend ko na parang si Carding, kung ganyan naman ’yan e, mas lalaki pa yan sa normal na lalaki, e. Iyon ang view ko, ha?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Dading kasi ay inako at inaruga ni Carding ang anak ni Beth (Glaiza de Castro) kay Joemar (played by Benjamin Alves).

“Kung paano niya hina-handle yung situation,” pahabol pa niya.

So payag siyang magkaroon ng boyfriend na bading?

Aniya, “Kung parang si Carding! Iyon ang sa akin.”

Hindi raw niya yata matatanggap na ang boyfriend niya ay kabit ng bading.

“Parang mas kaya ko pang i-accept yung boyfriend ko or asawa ko ay beki talaga,” natatawa niyang pag-amin.

Mahina raw ang gaydar ni Chynna.

“Hindi daw accurate yung gaydar ko.

“Pinsan ko lang, e. Akala ko lalaki pero he finally came out to us. He’s in his twenties,” kuwento niya.

Ikinagulat daw iyon ni Chynna.

“Hindi ko inisip, e. Even my ano... we have lesbians in the family, and gulat din ako dun. Na nag-come out yung pinsan ko na she’s a lesbian.

“May lesbian ako sa my mom’s side, tapos meron akong distant relative na he’s apparently gay,” dagdag pa niya.

Hindi raw inakala ni Chynna na hindi straight ang dalawang nabanggit na kamag-anak niya.

Pakli pa niya, “Kasi yung pinsan kong isa, sobrang girl! Girl talaga siya, pero apparently lipstick lesbian siya.”

So kapag may nanligaw sa kanya na natsitsismis na may gay lover, hindi na niya ito sasagutin o bibigyan ng pagkakataon?

Muli niyang pag-amin, “Hindi ko masasabi yan, e. Hindi mo naman mapipili kung sino yung mapupusuan mo, ’di ba?”

Hindi naman raw sa ayaw niya sa lalaking may gay lover…

Rason niya, “Hindi naman pero kumplikado kasi yun e, ’di ba? Sakit sa ulo.

“Yung normal relationship nga masakit na sa ulo..."

FALSE RUMOR. Samantala itinanggi ni Chynna ang balita na may namamagitan sa kanila ni Benjamin Alves.

Balita rin niya, “Nung isang araw, natsitsismis siya kay LJ [Reyes], tapos ngayon sa akin naman natsitsismis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tawa lang kami nang tawa kasi nanood kami ng Mariquina, tapos nanood kami ng The Janitor. Ang automatic reaction is ‘Benjamin Alves nanliligaw kay LJ Reyes.’

“Nanood lang kami ng The Janitor tapos sinuportahan namin yung Mariquina nung araw na yun.”

Magkakasama raw sila nang nanood nina Benjamin, Glaiza, si direk [Ricky Davao na direktor ng Dading] tapos si LJ, kasi siyempre nandun siya for The Janitor.

“Meron kaming chat group tapos tawa kami nang tawa kasi nakita ni Ben yun tapos finorward niya dun sa chat group namin tapos sabi niya kay LJ, ‘O hindi mo naman sinabi nanliligaw na pala ako sa iyo!’

“Wala friends kami nun.

“Siguro natutuwa lang sila kasi parang pareho kami ng interests ni Ben. [Tulad ng] literature, magaling siyang magsulat,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN